Elevator Love Story

83 1 1
                                    

Ako si Maxine.

Finally, nagkaroon na ako ng trabaho.

At sa unang pasok ko pa lang,

May isang taong agad nakapukaw ng atensyon ko.

Kaso, parang wala lang ako sa kanya.

Panget siguro ako?

Pero minsan,

nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

O nag-aassume lamang ako?

Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon.

Pauwi na siya nun.

Mag-isa siya sa elevator na agad kong pinasok.

At doon na nga nagsimula...

---------------* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * ----------------

Ito yung panahon, araw, pangyayari na labis akong nahiya at nagsisisi. Kung bakit kasi sa oras pang ito nagyari ang pangyayaring hindi ko inaasahan!

---------------* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * ----------------

Ako si Michael, nagtratrabaho sa isang call center. Night shift ako. Sa araw-araw na nangyari sa buhay ko. Ngayon lang dumating yung taong nagpapatahimik sa akin.

May bago kasi kaming katrabaho. Maxine ang pangalan niya. Mas matanda ako sa kanya ayon sa sources na pinagkuhanan ko. Alam niyo bang ang makita si Maxine ang pinakamaligaya kong araw.

Sabi nila, gwapo raw ako, cute, ay basta many to mention! Eh bakit mukhang hindi man lang ako napapansin ni Maxine?

Halos mahuli niya akong nakatitig at nakatingin sa kanya tuwing nasa canteen kami. Isang araw nginitian niya ako. Sobrang saya ko.

Maging sa elevator tuwing nagkakasabay kami. Minsan sa Taxi, minsan sa jeep at minsan nga sa hallway, nginingitian niya ako. Minsan nga parang hinihintay niya akong umimik sa kanya. Kaso nauunahan ako ng hiya.

Biglang isang araw. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator. Destiny na ba ang tawag dito?

Nahihiya akong umimik, kasi pauwi na rin ako ng araw na ito. Masama na rin ang timpla ng tiyan ko. Kapag minamalas ka nga naman.

"Ikaw si Michael, right?"

Natigilan ako, kasi kinakausap niya ako. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.

"Okay."

Mukhang nadis-appointed siya sa sagot ko. Kailangan kong gumawa ng paraan, hindi ko na dapat mapalampas pa ang pagkakataong ito.

"Max-

Nashock kaming dalawa. Kung bakit kasi sa oras pang ito nangyari ito! Ito na siguro yung panahon, araw at pangyayari na labis akong nahiya at nagsisisi.

Nagtakip siya ng ilong habang tumatawa.

"Despensa." Ang katagang tangi kong nasabi sa kanya. Nagtakip siya ng ilong. Tapos tawa siya ng tawa. Nahihiya na talaga ako.

"Pasensya na? Ang baho kaya. (laughing) Saka buti pa kasi ang utot mo, di ako natiis kausapin, sana UTOT ka na lang."

* * *

Nung araw na iyon, nasundan pa ang araw na nag-usap kami at kinuha ko na ang number niya.

At doon na nagsimula ang love story namin ^_^)


The END


(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon