His POV:
Ang sumakay sa Jeep tuwing ala-sais ng hapon ay talagang nakakainis! Sapagkat talagang napakahirap sumakay.
Agad akong tumakbo papalapit sa bagong dating na Jeep, unahan sa pagsakay. Errrrrrr >.<
PakSh*t naman Oh Oh!!! Ako na yung sasakay may biglang sumingit na babae. Hindi uso sa akin ang Lady First ngayon, lalo't gustong gusto ko ng umuwi.
Her POV:
Kahit kailan talaga nasusura ako sa mga Lalaki! Bilang na bilang ko lang talaga yung mga gentleman sa mundong ito. Lahat na'y bastos, gahaman, masasamang ugali etc. etc. etc.
Teka nga, bakit ba tingin ng tingin itong lalaki na ito sa akin. May dumi ba ako sa mukha. Grrrrr >.<
Inirapan ko yung lalaki. Pakialam ko kung gwapo siya. Ayt, gwapo? Tiningnan ko ulit. Sulyap lang. Gwapo nga ang damuho. Eh ano kayang problema nito at tingin ng tingin sa akin? Type ata ako, pwes maglaway siya.
Kinabukasan
His POV:
Heto na naman po tayo, ala-sais ng hapon. Inabot na naman ako ng ala-syite ng gabi. Bakit kasi ganung oras ang labas namin sa kolehiyo? Nakakainis na naman. Buti pa ang ibang tropa malapit lang ang tinitirhan. Makapagboarding house na rin kaya? Ayan may jeep na paparating. SUGOD!!!
Naulit na naman ang nangyari sa akin. May biglang tumabig na naman sa kamay ko at nangunang sumakay. Aba-aba babae na naman. Hindi porket babae ka. At saka siya na naman?
Naghanap ako ng mauupuan. Ayun Jackpot kasya pa ang pwet ko. Upo agad. Kung ang ibang lalaki ay sumasabit sa jeep. Sorry naman, hindi ako ganun.
Habang nasa biyahe. Naiirita ako sa babaeng katabi ko. Hindi ako sure pero ramdam ko. Sulyap siya ng sulyap sa akin. Problema ba niya? Hindi ko na lang pinapansin, abot lang ako ng abot ng bayad at sukli. Biglang sumandal na lang sa balikat ko yung babae. Inalog ko balikat ko. Biglang umayos ng upo yung babae. Natawa ako sa expression niya. Maganda nga siya, lalo na sa malapitan.
Her POV:
Bakit ba ganito lagi sa sakayan ng Jeep. Lagi na lang puno. Sa susunod nga pupuntahan ko sa office si Papa at doon ako sasabay pag-uwi. Hindi yung lagi na lang ako nakikisiksik.
Oh my gosh. Bakit ba lagi ko atang nakakasabay ang lalaking ito? Bakit parang lagi ko siyang nakikita? At laging nakakasabay sa Jeep?
Magkatapat kami kaya nagkatinginan kami. Bakit ngayon parang nagkakaintindihan yung tinginan namin. Parang nag-uusap yung mga mata namin. Agad akong umiwas. Lagay ng ear phone sa tenga.
iLang minuto ang nakalipas. "Sa Kanto Po, Para!"
Pagkababa ko may kasunod ako. Ramdam ko kahit hindi ko nilingon. Naglakad ako papuntang shed. Then i saw him. Ito ba yung tinatawag na Destiny? Kasi ngayon, bakit nakakaramdam ako ng pagka-attract?
His POV:
Bumaba rin ako sa binabaan ng babae. Pinapupunta kasi ako ng Ninang ko sa kanila. Sa tingin ko, may sira sa ulo yung babae kanina. Habol tingin ba naman. Opss, habol tingin? Meaning nakatingin din ako? Habol tingin din ako? Grabe ha?
Unang beses ko pa lang siya nakita, nasura na ako. Tapos ngayong araw na ito. May something eh. Crush ko na ata yung babae.
Her POV:
Ay, malapit na ako sa sakayan saka pa umulan! Kung kailan maaga ang uwi ko, saka pa nagkaganito. Wala akong payong kainis. Naiwan ko nung isang araw sa tricycle. Tapos pinagtanong ko, wala daw sila nakita.
Papalakas pa ng papalakas ang ulan. Hayan napipiyasan ako ng ulan. Urong-urong. Ayt, may naapakan ata akong paa. Lingon sa likod.
WAHHH <(O_O)> Siya na naman? Destiny na nga ata ito?
"Sorry po."
"Okay lang." tugon nito
"Sorry talaga." tapos tingin na ulit sa unahan. Gusto ko siyang lingunin. Kaso nakakahiya, baka isipin ng isang ito crush ko siya. Ha? Crush ko siya? Siguro? Ahahaha.
Isang oras ang lumipas bago tumila ang ulan. Kaso ala-sais na ng gabi. Nakakainis naman oh. Ede pahirapan na naman sumakay. Agad akong naglakad papuntang sakayan, kasunod si crush. Sige paninindigan ko ng CRUSH ko siya.
Habang naghihintay ng jeep. Bigla nalang umambon, total ambon lang carry ko pa. Kaso isang payong ang tumaklob sa akin.
"Baka magkasakit ka."
Tumibok na mabilis ang puso ko. Malalaglag na ata ito, tatalon na ata ang puso ko mula sa dibdib. Kinikilig ako.
"May payong ka pala?"
"Binili ko kay manang." tinuro niya yung tindahan ng mga payong.
After nang pangyayaring yun. Naging friend kami sa Facebook . Naging textmate at callmate. Hanggang sa naging COUPLE at naging HUSBAND&WIFE.
#YunNaYun?