Chapter 6

84 2 0
                                    

****

MAGKAKRUS ANG BRASO ni Candy habang nakatingin sa taong nakaupo sa katapat ng kinauupuan nya. Nilapag ng lalaki ang isang bag na kulay itim sa lamesa at nilapit sa kanya

"Open it and keep your mouth shut, Miss"

Tinignan nya ang bag ng ilang segundo bago tumingin muli sa lalaki "Hindi ako madadaan sa ganyan"

"You don't know what's inside that--"

"Pera. Bibilhin ng matandang Martinez ang katahimikan ko" pagpuputol nya sa sinasabi nito "hindi ko gusto ang pera nya, pakisabi kaya makakaalis ka na"

"Mr. Martinez can help you with your studies, Miss Antonio. I know, you're an orphan--"

"Umalis ka na." sabi nya at walang emosyong tinignan ito. Nakita nyang natigilan ang lalaki "Hindi ko pinagbibili ang katahimikan ko."

"You're young and full of pride, Miss Antonio" natatawang sabi nito

Tumayo sya at tinapik ang bag dahilan para bumagsak ito sa hita ng lalaking kaharap nya "Mister, hindi ako madadala sa kahit anong halaga. Kaya sabihin mo sa amo mo, huwag na syang mag-abala. Sinasayang nya ang oras ko, sabihin mo" sabi nya at umalis

Kinalma ni Candy ang sarili at sumakay ng elevator. Nakita nya roon si Phoenix na bumubuntong hininga "You okay?"

Umiling sya "Galit ako"

"I can see that. Your eyes are dull, you look at me earlier like I'm your prey and you want to kill me" sabi nito

Pinikit ni Candy ang mga mata at sinubukang kumalma. Kumuha sya ng candy sa kanang bulsa ng coat na suot nya at mabilis iyon binuksan saka kinain habang patuloy sa pagkalma ng sarili

"Feeling better?"

Tumango sya at minulat ang mga mata

"I'll clean your wound"

Muli syang tumango at sumunod kay Phoenix. Nagtungo sila sa bakanteng silid at pinaupo sya ni Phoenix sa kama. Hinubad nya ang suot na coat at nakitang medyo basa na ng dugo ang nakabalot na benda sa balikat nya

Tinanggal ni Phoenix ang benda sa balikat nya at agad na kumunot ang noo nito "Your wound looks so fresh. I thought this happened three days ago?"

Pinakita nya ang kabilang braso "Sa braso 'yon, bagong sugat 'to..." nginuso nya ang balikat "nahiwa kagabi noong nakikipaglaban ako, may kutsilyo sya eh"

"Why?"

"I'm stress, I need to blow out some stream"

"Fight is not a stress reliever" sabi nito

Ngumisi lang sya saka inayos ang sarili "For me, it is" sabi nya saka umalis

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidente sa loob ng unit ni Leif at sa loob ng dalawang araw, nararamdaman ni Candy ang mga matang nakatingin sa kanya. Binabantayan ang bawat kilos nya kahit sa loob pa ng ospital

Nagtungo si Candy sa cafeteria at nakita roon ang mga kaibigan nya. Nasa isang table si Maris, Lorelei, Kristoff, Lia at Felix. Naupo si Phoenix sa tabi nya at agad nya naman itong nginitian

"You want eat something?" tanong ni Phoenix

"Libre mo?"

"Sure" sabi nito dahilan para napangiti sya ng malapad. Agad nyang sinabi kay Phoenix ang gusto nyang kainin at nagtungo naman ito sa counter para bumili ng makakain

ININAT NI CANDY ang braso saka umupo sa kama. Naghihikab na tumayo sya saka tumalon-talon sa gilid ng kama bago maligo. Mabilis na inayos ni Candy ang sarili para makapasok na sya ng trabaho

Isang linggo na ang lumipas mula huling makita nya si Leif. Sinubukan nyang ihack ang system ng hotel para makita ito ngunit walang lumalabas na tao sa unit nito

Bumuntong hininga si Candy saka lumabas ng kotse. Agad syang nagtungo sa headquarters at hinanap si Felix

"Hey, what's up?" tanong nito ng makita sya

"I'm bored" sabi nya at nahiga sa mahabang table

"They need doctors upstairs" sabi ni Felix

Pinagkrus nya ang hita at pinikit ang mga mata "I rather sleep"

"If you're bored, you should work. You have so many missions to accomplish" sabi nito

Tumango-tango sya at bumuntong hininga "Yeah, you're right. I need my rifle" sabi nya at nilaro-laro

"You shooting someone?"

"Nope. I need to protect someone. It's a secret one" sabi nya at tumayo para magtungo sa silid nya. Naghanda nalang sya para sa misyon. Buong araw syang nagbantay at palipat-lipat sya ng lugar kaya nakakapagod talaga

Nang masigurado nya ligtas na ang binabantayan nya ay tinawagan na nya ang mga bata nya para ibigay dito ang pagbabantay. Malalim na bumuntong hininga si Candy at mabilis na naligo saka humiga sa kama nya

Pinagkatitigan nya ang ceiling ng kanyang silid at inalala ang nangyari sa unit ni Leif. Naalala nya kung gaano sya katakot noong araw na iyon

Ngunit hindi para sa buhay nya. Takot sya para kay Leif. Iba't-ibang uri ng karahasan ang nakita nya noon, mga brutal at madugo ngunit hindi nya akalain na sa pangyayari pa na iyon kay Leif sya matatakot. Hindi sya makagalaw at halos maiyak sya sa takot, sa hindi nya malaman na dahilan

Pinikit ni Candy ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog

TINIGNAN NI CANDY ang oras sa kanyang relo saka tumayo. Mabilis syang naligo at nagbihis. Nagtungo sya sa ospital para magtrabaho. Ginugol nya lahat ng oras sa pagta-trabaho at sa ER sya assigned kaya busy sya buong araw

Kinabukasan ay ganun ulit ang ginawa ni Candy. Patuloy sya sa pagta-trabaho sa ER at umiikot para icheck ang mga pasyente nya. Kinagabihan ay ginawa nya ang ilang misyon na hindi nya natapos saka umuwi bago mag-umaga

*tok tok tok*

Napalingon si Candy sa pinto. Wala pa syang tulog at mula umuwi sya kanina ay nasa couch lang sya. Tumayo si Candy saka binuksan ang pinto. Nakita nyang si Felix at Phoenix iyon kasama si Ace

"What?" tanong nya sa mga ito

"You look like shit" sabi ni Ace

Inirapan nya ang mga ito saka pinasok. Bumalik sya sa pagkaka-upo sa couch at pinagkrus ang braso saka tinuon ang atensyon sa telebisyon

"When are you going to continue making trouble?"

Nilingon nya si Ace "Are you running out of money?"

"We're serious, Candy. Why are like this? You're acting weird these past few days. You're always busy. That's so not you" sabi ni Phoenix

"Am I that carefee before?"

"Candy, what's happening?" tanong ni Felix "This isn't about Martinez, right?"

Tinignan nya si Felix "You think, it's about him?"

"Yes, I know you're trying to find him. Why? I thought he's part of your plan?" tanong ni Felix

"That's why I'm finding him cause he's part of my plan"

"No. Something is not right, Candy. You never cared for anyone especially if they're part of your plan. What's happening?"

Tinignan nya ang tatlo at bumuntong hininga "Lock the door when you leave. I'm going to sleep" sabi nya saka mabilis na nagtungo sa silid nya

He's part of the plan. But yeah? What's happening to me?

Sweet Badass (AGENT SERIES #17)Where stories live. Discover now