Chapter 13

63 2 0
                                    

****

NAPANGITI SI CANDY ng makita si Leif na nasa tapat ng ospital. Pinasok nya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon saka nilapitan si Leif

"Tired?" tanong nito ng makalapit sya

Tumango sya at bumuntong hininga "Maraming pasyente, nasa ER ako naka-assign"

"And you're on duty since yesterday"

"Nakatulog naman ako saka day-off ko hanggang bukas ng gabi" sabi nya at ngumiti "Libre ako bukas, pwede akong matulog buong araw"

"I thought you want to spend time with me" bulong ni Leif

"May sinasabi ka?"

"Nothing" sabi nito at umiling pa "I said, if I can disturb you tomorrow to deliver breakfast and lunch"

"Bakit?"

Nagkibit balikat si Leif at napakamot sa ulo "It's my way of showing my affection. I really don't know how to court a lady"

Mahina syang natawa sa sinabi ni Leif "Ayos lang. Ngayon lang din naman may nanligaw sakin at masasabi kong masaya ako sa mga ginagawa mo para sakin. Thank you, Leif"

Nakita nyang natigilan si Leif "You're not telling me to stop, right?"

"Stop?"

"Yeah. Stop from courting you...you're not gonna ask me to stop, right?"

"Actually, oo. Pinapatigil na kita" sabi nya at tinignan si Leif ng diretsyo sa mga mata nito

Nakita nya ang mapait na ngiti na gumuhit sa labi ni Leif at tumango-tango "Okay. I'll stop"

Napangiti si Candy "Sige. Hatid mo na ako"

"What?" takang tanong ni Leif

"Ihatid mo na ako. Hindi ba 'yon ang usapan natin?"

"After what you just said?"

Napakurap sya sa sinabi ni Leif "Ano bang sinabi ko?"

Hindi makapaniwalang tinignan sya ni Leif "You just told me to stop courting you, Candy. You just dropped a bomb straight in my face. I'm hurt, of course. I have feelings. If you think, I can take the pain because I'm a man--"

Pinutol nya ang sinasabi ni Leif sa pamamagitan ng paglapat ng labi nya sa labi nito. Nilayo nya ang sarili kay Leif at tinignan ito "'Yon ang ibig kong sabihin kaya gusto na kitang patigilin sa panliligaw"

Muling napatitig si Leif sa kanya at hinawakan ang labi nito "T-tayo na? L-like for real?"

Tumango sya at ngumiti "Tayo na. Officially" sabi nya

Nakangiting sinugod sya ng yakap ni Leif "Thank you...thank you...thank you..."

Niyakap nya ang braso sa bewang ni Leif at hinaplos ang likod nito. No, it's thank you, Mr. Martinez.

NILARO NI CANDY ang ballpen sa mga daliri nya at tinignan ang oras sa relo

"Tapos na ka mag-chart?"

Inangat nya ang paningin kay Felix at tumango "Out na ako. Hinihintay lang kita"

"May problema kasi kanina sa nurse section eh. May bagong pull out na nurse galing seventh floor,  hindi nakasundo yung ibang nurse dyan sa third floor kaya ayun nagkagulo" sabi nito

"Chismoso ka talaga" sabi nya at napailing

"Bakit? Hindi mo alam?"

Inismiran nya lang ito saka umalis. Nagtungo sya sa parking lot at sumakay sa kotse nya.  Nakasimangot na pinaandar ni Candy ang kotse at nagtungo sa bahay nya

Kinuha nya ang cellphone saka pumasok sa loob

'Good evening, love. I'm sorry, I didn't text you earlier. I was so busy with work. I'll make it up to you, I promise. Can you open the door for me?' - Leif M.

Napaharap sya sa pinto at binuksan iyon. Nakita nya si Leif na nakatayo sa gate at nakangiti sa kanya. Nilapitan nya si Leif at binuksan ang gate. Agad nya itong niyakap at hinalikan sa labi

Agad namang tumugon si Leif at yumakap sa bewang nya "I missed you, love" sabi nito at hinalikan ang noo nya

Sinarado nya ang gate at pumasok na sila sa bahay. Nagtungo si Leif sa kusina at hinanda ang dala nitong dinner. Lumapit sya kay Leif at niyakap ang braso sa bewang nito "I missed you too"

Rinig nya ang matunog na pagngiti ni Leif at hinawakan nito ang isang kamay nya "I'm sorry if I can't have lunch with you earlier"

"Okay lang, love. Nandito ka na" sabi nya at napangiti. Kumalas sya kay Leif at naupo sa stool. Nagumpisa silang kumain at tulad noon kapag magkasabay sila marami silang napag-usapan

"Sa office ka matutulog?" tanong ni Candy kay Leif

"Yeah. My condo is under renovation" sabi nito

"Bakit?" takang tanong nya

"It's my Dad" sabi nito na kinatango nya

"Dito ka nalang matulog. May guest room naman ako" sabi nya at ngumiti

"That's okay with you?"

Tumango sya "Sandali, ihahanda ko lang yung guest room"

"No need, love. I'll do it. I know, you're tired. Just go upstairs and rest, okay?"

Tinignan ni Candy si Leif at napangiti saka dinampian ng halik ang labi nito "Good night, love"

Napangiti si Leif at hinalikan ang noo nya "Good night"

Umakyat na sya sa taas saka nagtungo sa kwarto nya. Naghalf-bath lang sya saka nagpalit at humiga sa kama

*tok tok tok*

Bumangon sya at binuksan ang pinto. Nakita nya si Leif na mukhang problemado

"Bakit? May problema ba?"

"There's no bed in the guest room"

Nasapo ni Candy ang bibig "Hala! Oo nga. Pinaalis ko pala kasi gagawin kong stock room. Pasensya na. Dito ka nalang" sabi nya at napatingin sa kama

"We'll share the bed?" tanong ni Leif

Tumango sya "Wala akong couch dito sa kwarto eh saka matigas yung sahig, hindi ka makakatulog" sabi nya at tinignan si Leif "Pasok ka"

"Candy, I can just go to my office--"

"Hindi na. Masyado ng gabi, delikado sa daan kapag ganitong oras. Sige na, ayos lang naman sakin na may katabi" sabi nya at ngumiti

"You sleep with someone before?"

Kunot noong tinignan nya si Leif "Anong ibig mong sabihin dyan?"

"That sounded wrong, sorry. I mean, may katabi kang matulog noon?"

Tumango sya "Kapag nasa ospital kami tapos mahaba yung duty, sa quarters kami natutulog. May kama dun, minsan tabi tabi kami ng ibang doctors"

"It's a girl, right?"

Napangiti sya at tumango "Babae"

"Okay. So I'll be the first guy who will sleep beside you?"

Tumango sya at nahiga sa kama. Napakurap sya ng biglang hubarin ni Leif ang pang-itaas na damit saka sinuot sando na nakasabit sa balikat nito

"You can use the bathroom if you want to take a bath" sabi nya

Nilingon sya ni Leif at tumango saka nagtungo roon. Shocks! Ang sexy naman pala ng boyfriend ko. Akala ko sa magazine at tv lang may 6 pack abs

Sweet Badass (AGENT SERIES #17)Where stories live. Discover now