CL's NOTE: To make everything clear, the first time na nagkita si Leif and Candy was 6 years ago but since 2 years had past sa first timeline. Edi 4 years ago nalang ang past, sana malinaw guys. Wala po sanang malito 😊
-4 YEARS LATER-
****
TINANGGAL NI CANDY ang itim na shades nang makarating sya sa reception desk "I want to speak with the CEO"
"Do you have an appointment, Ma'am?"
Umiling sya at tipid na ngumiti "Kindly tell Leif Martinez that a woman named Candy Antonio is here to punch him and kick his ass the moment she saw him"
Napakurap ang receptionist sa kanya at may tinawagan "Hello, Sir Gary. This is Fara from the Lobby, Miss Candy Antonio is here for the CEO"
Pinagkrus ni Candy ang braso at natigilan ng makita ang taong kalalabas lang ng elevator. Pinaling nya ang mukha sa ibang direksyon at muling sinuot ang shades nya
"Miss Antonio..."
Tinignan nya ang receptionist at ngumiti "Mr. CEO said, you can go to his office. Top floor, Miss"
Pasimple syang tumingin sa kotse ng taong nakita nyang palabas ng elevator kanina at nakahinga ng maluwag saka muling ngumiti sa receptionist "Thank you"
Dumiretsyo sya sa elevator at sinabi sa attendant na sa pinakataas sya
"Ma'am..."
Nilingon nya ang attendant "Yes?"
"Alam nyo po ba kung gaano karaming babae ang pumupunta sa top floor tapos pagsumasakay po ng elevator, umiiyak na po o hindi naman galit na galit?"
Kumunot ang noo ni Candy "Why?" curious na tanong nya
"Kasi po ang bali-balita, pinapaiyak ni Sir Martinez. Ang usap-usapan pa nga po, playboy sya eh"
Napatango sya at pinagkrus ang braso "Not shocking with that face of him, he could literally have woman with just one glance...but too bad, I'm different" sabi nya at nginitian ang attendant "hindi nya ako babae kaya hindi ako aalis ng opisina nya na galit o luhaan"
"Beware nalang po, Ma'am"
"Thank you" sabi nya at lumabas ng elevator. Agad nyang nakita ang sekretarya ni Leif na si Gary. Nilapitan nya ito at nginitian "Is your boss inside?"
"Yes, Miss but he instructed me to accompany you kasi may meeting pa sya"
Tinignan nya ang oras sa relo "Sorry but I don't have that much time" sabi nya at basta nalang pumasok sa opisina ni Leif
"Miss, you can't do that--"
Huli na nang mapigilan sya ng sekretarya ni Leif dahil nabuksan na nya ang pinto at nakuha na nila ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng opisina ni Leif
"Sir, I'm so sorry. Miss Antonio forced her way in" sabi ni Gary
Pumasok sya sa loob at ngumiti "Hi, asshole" sabi nya at nilapitan si Leif
"I'm busy" sabi nito at tumayo saka inayos ang suot
"Busy huh? You think, I'll let you slide after what you did?"
"You messed with me first" sabi nito at tinignan sya "Wait for me outside. After this meeting, I'll talk to you"
"I don't have much time. May duty pa ako eh" sabi nya at mabilis na sinapak si Leif saka sinipa ng malakas ang pang-upo nito "I forgot that Fara in the reception desk didn't inform your secretary that I will do that the moment I saw you"
Inayos nya ang damit saka ngumiti. Masamang masama ang tingin ni Leif sa kanya habang sapo ang mukha nitong sinuntok nya "Goodbye, Martinez" sabi nya at umalis na
Nakangisi syang sumakay ng elevator at nakita nya ang attendant na kumukurap-kurap habang nakatingin sa kanya. Nginitian nya lang ito saka pinindot ang ground floor
Nakita nya si Leif na nasa tapat ng elevator ngunit tuluyan ng sumara ang pinto. Pinanatili ni Candy ang ngiti at pinagkrus ang braso. What a good day
TINALI NI CANDY ng maayos ang buhok saka pabagsak na naupo sa bakanteng silya sa tabi ni Phoenix "You look stressed"
Tumango sya at hinilot ang sentido "Kagabi ko pa ginagawa ang paper ko and I have reports to finish"
"We should go clubbing this weekend, I have a gig" sabi ni Felix
"Pass" sabay nilang sabi ni Phoenix
"KJ" nakangiwing sabi ni Felix
Sinandal ni Candy ang likod kay Phoenix at bumuntong hininga "Pwede mo akong ihatid mamaya?"
"Sure. Eat up, your soup might get cold" sabi nito
"One minute, feeling ko sasabog ang utak ko eh, ang sakit sakit pa ng paa ko" sabi nya at sumimangot
"Kanina ka pa kasi takbo ng takbo, sa ER ka kasi assigned eh" sabi ni Felix at sinubuan sya
"Ang sarap ng pagkain mo. Ano 'yan?"
"Kare-kare, 'yon ang nasa menu eh" sabi nito at ngumiti "I ordered for you, so eat up"
Tumango-tango sya at umayos ng upo saka nag-umpisang kumain. Hinigop nya ang sabaw at nakangiting nagpatuloy sa pagkain
Biglang may kamay na bumagsak sa table nila dahilan para mapatigil sila sa pagkain. Napatingin si Candy sa gilid nya at nakita si Leif
"Hi, Martinez"
"Can we talk?"
"No, we can't. I'm busy, I don't have time for you" sabi nya at nagpatuloy sa pagkain
"You think, I'll let you slide after what you did to my face?"
Tinignan nya ang mukha ni Leif "Ang ganda nga eh, ointment lang naman katapat nyan. Huwag ka mag-alala, bukas makalawa wala ka ng pasa" sabi nya at ngumiti
"I hate you"
"Same here, Martinez. Alis na" sabi nya at inirapan ito saka nagpatuloy sa pagkain
"I'll make you pay" sabi nito saka umalis
Ngumisi lang sya at sinundan ito ng tingin. Serves you right, asshole
"What did you do to him?"
Tinignan nya si Felix "Sya naman nauna, binangga nya yung kotse tapos hinalikan nya pa ako kaya sinapak ko sya. Pasalamat nga sya, hindi ko tinuloy yung plano kong bugbugin sya eh kasi kung tinuloy ko nasa ospital na sya ngayon"
"Here I taught Kyleen was the troublemaker. You are way worse" sabi ni Phoenix
"I'll take that as a compliment" sabi nya at ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain
"He's pissed. He will get revenge for sure" sabi ni Felix at napailing "Hindi ba kayo napapagod? Para kayong aso't pusa"
"His angry face with bruise is enough to sweetened my day, Felix. It's always amusing and fun to see" sabi nya at ngumisi
YOU ARE READING
Sweet Badass (AGENT SERIES #17)
Ficção GeralCandy Celine Antonio, codename Scorpio. Energetic and happy go lucky type of woman. She always wears a smile on her face that make her look kind and sweet in front of others eyes. But behind that happy mask, there's a Badass behind. A Sweet Badass L...
