Chapter 7

131 2 0
                                        

-4 YEARS LATER-

****

HUMAHANGOS NA NAPAUPO si Candy at sinapo ang leeg nya. Inis syang bumangon at nagtungo sa banyo. Binuksan nya ang shower at hinayaang mabasa sya ng malamig na tubig

Pinikit ni Candy ang mga mata at hinilamos ang dalawang palad nya sa mukha. Hinubad nya ang damit at kinuskos ang sarili na tila ang dumi-dumi nya

Nang matapos sya maligo ay saka lang sya tumingin sa orasan. Ala-sais palang ng umaga. Kinalma ni Candy ang sarili at nagbihis. Kinuha nya ang bag at puting coat na mahaba saka sumakay sa kotse nya at umalis

Tinahak nya ang daan patungo sa paborito nyang cafe at napamura ng bigla may bumangga sa likod ng kotse nya. Napalingon sya sa likod at inis na bumaba ng kotse

Pabagsak nyang sinarado ang pinto at tinignan ang likod ng kotse nya. Shit! Kapapagawa ko lang ng kotse ko!

Tinignan nya ang kotse ng taong bumangga sa kotse nya at pinalo ang hood "Labas. Mag-usap tayo"

Bumukas ang driver's seat at lumabas doon ang isang lalaking nakashades. Nakasuot ito ng business attire at mukhang mayaman. Natigilan sya ng mamukhaan kung sinong ang lalaki at tila tinakasan sya ng dugo sa katawan

Hinubad nito ang shades "My car looks way more expensive than yours"

Tumaas ang isang kilay nya sa sinabi nito at tumango-tango "Oo nga, mukha ngang mas mahal pero dahil sa ginawa mong pagbangga, malaki ang babayaran ko dahil sa sira ng kotse ko. Baka mas malaki pa sa halaga ng kotse mo. Vintage car kaya ang kotse ko"

"It looks old"

Napairap sya at bumuntong hininga "Alam mo, wala kang kwenta kausap"

Nagkibit balikat lang ito at muling tinignan ang kotse nya "I'll just pay for it"

"Dapat lang pero hindi ako tumatanggap ng pera kaya..." sinipa nya ng malakas ang side mirror ng kotse nito saka malakas ding sinipa ang bintana ng pinto ng driver's seat "sapat na 'yon"

"You witch!"

Ngumisi sya at sumakay sa kotse nya saka iyon mabilis na pinaharurot paalis. He will hunt me down for what I did, that's for sure. Well, sorry sya. He messed with the wrong badass

Kinuha ni Candy ang cellphone pagkaparada nya ng kotse saka bumaba at may tinawagan. Nagtungo sya sa tinamaan ng kotse nya at nakita ang malaking gasgas doon

(Greg speaking)

"Hey, dadalhin ko ang kotse ko dyan later"

(What car?)

"My vintage car"

(Why? What happened? You just picked up that car two days ago)

"I got into an accident" sabi nya at kinuha ang bag saka nilock ang kotse nya

(And?)

"As if I'll let someone messed with me. I messed that person too. I kicked his side mirror and destroy the car window" sabi nya at ngumisi "aren't I nice?"

(You're a witch, Candy. But yeah, sure. I'll fix your car for you. Mahal nga lang)

"Whatever" sabi nya at nagtungo sa opisina nya. Nilapag nya ang bag sa table saka sinuot ang coat nya. Nilagay nya ang cellphone sa bulsa saka nagtungo sa opisina ni Justine

"Hey, Boss. Good morning"

"You're early. Have you eaten your breakfast?" tanong nito

Umiling sya at nilabas ang recording tape na nasa bulsa nya "Here, my assignment"

"I'll check this later. You have a surgery today, I heard from Felix. Don't forget to eat your breakfast" sabi nito

"Yeah, yeah" sabi nya saka lumabas. Nakita nya si Evelyn na nakangiti sa kanya. Agad nya ring nginitian si Evelyn "hi, Ate Eve"

"Hello there, Sweet Candy. Go to our house later, I have a gift for you"

Lumawak ang ngiti "Noted, Ate. See you around" sabi nya at sumakay ng elevator. Pagdating sa ika-apat na palapag ay pumasok si Felix at Phoenix na parehong nakakunot ang noo "Anong meron?"

"He ruined my guitar" sabi ni Felix at yumakap sa bewang nya "my baby, she's broken"

Nilingon nya si Phoenix "I didn't ruin it. It was an accident. I just touched it and dropped"

"He's a guitar-ruiner"

Sabay na nangunot ang noo nila ni Phoenix dahil sa sinabi ni Felix "There's no such word as ruiner, asshole" sabi ni Phoenix

"Of course, there is and you are that person!" madrama na sabi ni Felix at dinuro pa si Phoenix

Binaba nya ang daliri ni Felix saka hinila ang dalawa palabas ng elevator. Dinala nya ang dalawa sa cafeteria "Samahan nyo nalang ako kumain kesa magdrama kayo"

Nakangusong pumila si Felix at nilingon nya si Phoenix "You should pay, may kasalanan ka"

Irap lang ang sinagot ni Phoenix saka pumila narin. Nang makaorder sila ay nagtungo na sila sa bakanteng table, si Phoenix ang nagbayad ng pagkain

"Food trip, penge" sabi ni Kyleen at umalis sa tabi nya

Nakisama rin si Lorelei sa table nila na mukhang wala pang tulog pati na rin si Lia at Kristoff na mga wala sa sarili

"What happened to Lia?"

"She met someone. Nagdadalaga" sabi ni Felix

"Chismoso ka talaga" sabi ni Maris na kadarating lang at umupo sa tabi ni Kristoff "Eh dito, anong nangyari?" tanong ni Maris at tinuro si Kristoff

"He's tired. Duty yan kagabi pa" sabi ni Felix

Nagumpisang kumain si Candy at tinignan si Felix "Ikaw rin duty kagabi diba?"

"Yeah, but I slept for three hours that why I look fresh" nakangising sabi nito

"Tapos? Kailan pa nasira ang gitara?"

Agad na sumama ang mukha ni Felix at masama ang tingin na nilingon si Phoenix "Last night before I left my house. He crash into my place and ruined my baby"

Napairap sya at sinubuan ng mamon sa bibig si Felix bago pa ito ngumawa

"Kumain ka nalang. Manahimik ka. Nilibre ka na, bayad na 'yon"

"Candy!"

Natigilan si Candy sa narinig at napalingon sa paligid. Nakita nya sa entrace ang lalaking nakabangga sa kotse nya, masamang masama ang tingin nito sa kanya

Tinaasan nya ito ng isang kilay at nginisian saka tumayo "Bakit? You like my gift, Mr. Martinez?"

Naglakad ito palapit sa kanya at ganun din ang ginawa nya. Tumigil sya ng ilang metro nalang ang layo nila. Pinanatili nya ang ngisi at pinagkrus ang braso

"You ruined my car!"

"You ruined my car too! Edi quits" sabi nya

"What you did was way worst, Candy. That's not nice"

Natawa sya ng mahina "You should've known that I'm not nice from the very start, Mr. Martinez" sabi nya

"Yeah, I know that very well. And I hate you for ruining my car" sabi nito

"I hate you too for bumping my car, asshole" sabi nya at inirapan ito

Biglang hinuli ni Leif ang likod ng leeg nya saka sya pinaharap. Nanlaki ang mata nya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila saka sya hinalikan sa labi. Natigilan si Candy sa ginawa ni Leif at tila napako sya sa kinatatayuan. He's angry...damn!

Sweet Badass (AGENT SERIES #17)Where stories live. Discover now