-6 YEARS AGO-
****
"CAN WE TALK?" tanong ng isang babae na nasa tapat ng gate ng bahay ni Candy
"Para saan ho?"
"About what happened in my son's condo" sabi nito
Tumango sya at binuksan ng malaki ang pinto. Pumasok ang babae at agad nyang sinarado ang gate. Nang makapasok sila sa bahay ay agad na niligpit ni Candy ang mga libro na nakakalat sa sala
"Masipag ka pala, Miss Antonio" sabi nito habang nakatingin sa achievements nya na nakasabit sa pader
"Paprangkahin ko na ho kayo. Bakit ho kayo naparito?" tanong nya sa ina ni Leif
Bumuntong hininga ito at tinignan sya "I want to make sure that you won't tell anyone about what you saw in my son's condo. I've been calling you but you're not answering"
Kumunot ang noo ni Candy at naalala ang unknown number na tumatawag sa kanya kanina saka napatango "Kayo ho pala yung tumatawag" sabi nya at tinignan ang babae "Hindi ko ipagsasabi ang nakita ko, huwag kayo mag-alala"
"I'm not just here for that" sabi nito at biglang naglabas ng envelope saka nilapag sa center table "that's 20 million. That's for you"
Uminit ang dugo nya at tinignan ang babae "Hindi ko ho kailangan ng pera" sabi nya
"I want you to stay away from Leif. I heard that he's been following you around these past few days. He seem interested in you..." sabi nito at ngumiti "pinaimbestigahan na kita, Miss Antonio. I'm impressed with your educational achievements, you're smart. Maybe that's why my son is interested"
Tinignan sya ng babae "But I don't want my son to be involved with someone like you, Miss Antonio. So take the money and leave us alone"
"Gaya ng sabi nyo, sya ang sumusunod sakin. Wala akong kontrol sa mga gawain ng anak nyo" sabi nya at kinuha ang envelope na may lamang pera saka iyon binato sa paanan ng ina ni Leif "Hindi ko tatanggapin yan, dalhin nyo nalang ho yan at umalis na kayo"
Ngumiti ito saka umalis. Kunot noo nyang pinulot ang envelope saka sinundan ang babae. Pasakay na ito ng kotse kaya mabibilis ang hakbang na sinaboy nya ang pera sa kotse nito
"Paki-usap, huwag na ho kayong babalik" sabi nya at nilock ang gate. Pumasok sya sa bahay at pabatong sinarado ang pinto
Niyukom nya ang kamao sa sobrang inis at sinandal ang ulo sa pintuan
NAKANGITING HINARAP NI Candy si Felix, Ace at Evelyn na naghihintay sa kanya kanina pa. Nakangiting nilapitan ni Candy ang tatlo at pinakita ang diploma nya "Tapos na ako!"
Niyakap sya ng mahigpit ni Felix "I'm so proud of you, baby girl"
Yumakap din sya ng mahigpit kay Felix at tinignan ang dalawa na masayang nakangiti sa kanya. Kumalas sya kay Felix at niyakap ang dalawa "Thank you kasi sinamahan nyo ako rito"
"You're welcome, Candy. I'm proud of you" sabi ni Evelyn
"Sana naman, mabawasan na ang kaka-punta mo sa presinto ngayong tapos ka na"
Natatawa syang kumalas at tinignan si Ace "Akala mo ganun ka kadaling makakawala?"
Napailing nalang si Ace at inakbayan sya "Where do you want to celebrate?"
"Kain tayo! Kahit saan!"
Natigilan si Candy ng makita ang taong nakaharang sa daraanan nila "Leif..."
![](https://img.wattpad.com/cover/312876149-288-k612989.jpg)
YOU ARE READING
Sweet Badass (AGENT SERIES #17)
Fiksi UmumCandy Celine Antonio, codename Scorpio. Energetic and happy go lucky type of woman. She always wears a smile on her face that make her look kind and sweet in front of others eyes. But behind that happy mask, there's a Badass behind. A Sweet Badass L...