****
NAKANGUSO SI CANDY habang nakatingin sa glass door ng ospital. Umuulan ng malakas at wala syang payong. Tapos na ang 72 hours shift nya at ang gusto nya nalang ay matulog
Bakit nga ulit ako hindi nagdala ng kotse? Ahh kasi may pinuntahan ako three days ago. Sandali...ano bang ginawa ko nun?
Hinilot nya ang sentido. Masyado nang masakit ang ulo nya para maalala ang mga bagay bagay
"Ehem!"
Napalingon sya sa gilid nya at napakurap ng makita ang lalaking may pamilyar na mukha. I know him, Leif...
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nya at nginitian ito
"I'm here to fetch you"
Napakurap sya "Fetch me?"
Tumango ito "Have you forgetten? I said, I'll pick you up after your 72 hours shift" sabi nito
Napatango sya nang maalala na may usapan nga sila
"Were you waiting for me?"
Umiling sya "Sa totoo lang, nakalimutan ko na may usapan tayo. Nahihilo na ako sa sobrang antok at pagod"
"I'll take you home then" sabi nito at kinuha ang bag na dala nya "Let's go?"
Tumango sya at nagtungo sila sa parking lot. Tinignan nya ang kotseng dala ni Leif, a new Cadillac. What a car for a fourth year College. Oh well, I drive Hammer and Ducati when I was in highschool
Sinandal ni Candy ng maayos ang likod at sinuot ang seatbelt. This feels so good. Parang ngayon nalang ulit ako nakapagpahinga ng ganito
"Comfortable?"
Tumango sya at bumuntong hininga "It feels nice" sabi nya at sinabi ang address kay Leif
"You live in Count's Village?"
"Yeah" maikling sagot nya
"You must be rich"
Umiling sya "It come from my jobs when I was still studying. Inipon ko kaya nakabili ako ng bahay doon" pagsisinungaling nya. The part of jobs was true though
"The houses are expensive"
"Alam ko pero kinaya ko naman" sabi nya at naghikab
Napatango si Leif "You can sleep if you want"
"No, kapag nakatulog ako. Mahirap na akong gisingin" sabi nya at ngumiti "Ayos pa ako"
"So, you're still up for tomorrow's tutoring right?"
Tango lang ang sinagot nya
"Then I'll pick you up. Is that okay with you?"
"Sure"
"Maybe before lunch? You can eat at my place"
Nilingon ni Candy si Leif "Sige, ayos lang"
Napangisi si Leif nang makitang pumipikit-pikit na si Candy "Anyways, are you free next week, Wednesday?"
"Bakit?"
"My parents are holding an event for their wedding anniversary and I need someone to accompany me. Like a date" sabi nya
Napakurap si Candy at bumuntong hininga "Pag-iisipan ko"
Napangiwi si Leif. Akala ko makakalusot
Lumipas ang halos kalahating oras at nakarating na sila. Minulat ni Candy ang mga mata at tinignan si Leif "Maraming salamat sa paghatid. I'll just see you tomorrow, bye" sabi ni Candy saka lumabas, hindi na nya hinintay na sumagot si Leif
Tinignan ni Leif ang papasok na si Candy sa bahay nito at napangisi. Tomorrow then, Miss Tutor
May munting ngiti sa labi si Leif habang pauwi sa kanyang penthouse. Binuksan nya ang pinto at nakita roon ang mga kaibigan na iniwan nya para sunduin si Candy
"What took you so long?" tanong ni Khairro
"I just fetch something" sabi nya at hinubad ang suot na jacket saka naupo sa couch
"Fetch something or you get laid? I can see that little smile in your face" sabi ni Khairro
Napailing nalang sya at kinapa ang candy sa bulsa nya saka bumuntong hininga "I met someone"
"Ah-huh?"
"Make sure she's the only one" sabi ni Lexxus
"Mr. Romantic, stay out of this. Is she pretty?" tanong ni Khairro "Was she good? What's the score?"
Tinignan nya si Khairro at napailing "We're not like that"
"But you like her right?" tanong ni Lexxus
Tipid syang napangiti "Yeah, I like her"
ININAT NI CANDY ang mga braso at nakangiting bumangon. Magaan na magaan ang pakiramdam nya dahil mahigit sampung oras syang tulog. Tumayo sya at tumalon-talon pa sa gilid ng kama bago pumasok ng banyo
Naligo na sya ng mabilis saka bumaba. Nagluto sya ng simpleng agahan, fried rice, eggs, bacon at eggs. Nagtimpla sya ng juice at umupo sa counter
*ding dong*
Napatingin sya sa kalendaryo at nakitang Sabado ngayon. Delivery ng tubig. Lumabas sya ng bahay at binuksan ang gate. Natigilan sya ng makita ang taong nasa labas ng bahay nya
"Good morning" bati nito sa kanya
Napakurap sya at napatango ng maalala ang usapan nila "Maaga pa"
"I know but I said, I will fetch you" sabi nito
"Okay. Pasok ka muna, nagluto ako ng breakfast" sabi nya at nilakihan ang bukas ng gate para makapasok si Leif "Good morning din"
Ngumiti si Leif at tumango. Sinarado nya ang gate saka ginaya ito papasok ng bahay nya
"You have a nice house" sabi ni Leif at nilibot ang paningin sa bahay nya. Napansin ni Leif ang mga nakasabit na picture frames, puro iyon litrato ni Candy kasama ang mga kaibigan nitong nakasuot din ng doctor's robe
"Thank you" sabi nya at nagtungo sila sa kitchen. Hinandaan nya ito ng plato saka sabay silang kumain
Nang matapos sila ay dumating ang kasambahay ni Candy na si Julie. Nagsabi sya rito na may pupuntahan sya
Agad na nagbihis si Candy ng simpleng jeans at blue na top. Sinuot nya ang sapatos na palagi nyang ginagamit saka kinuha ang gamit at lumabas ng kwarto. Bumaba na sya at nakita si Leif na nakatingin sa litrato nya
Bata pa sya sa litrato na tinitignan nito. Ang graduation picture nya noong elementary
Napangiti sya ng maalala ang nangyari ng araw na iyan. Nilapitan nya si Leif "Tara na?"
Nilingon sya nito at tumango "You're pretty even before"
Tinignan nya muli ang litrato "Bolero. Tara na" sabi nya at nauna ng lumabas ng bahay
Sumakay sila sa kotse nito at agad na sinuot ni Candy ang seatbelt. Napatingin sya sa parating na kotse at napalunok ng makitang tumigil iyon sa tapat ng bahay nya
Tinignan nya ang taong lumabas ng kotse mula sa side mirror ng kotse ni Leif at nakahinga ng maluwag ng bumalik ito sa loob ng kotse saka umalis. Sino ka?
YOU ARE READING
Sweet Badass (AGENT SERIES #17)
Ficción GeneralCandy Celine Antonio, codename Scorpio. Energetic and happy go lucky type of woman. She always wears a smile on her face that make her look kind and sweet in front of others eyes. But behind that happy mask, there's a Badass behind. A Sweet Badass L...