Chapter 20

104 2 0
                                        

-4 YEARS AGO-

****

"I'M NOT SURPRISED to know that my son is dating someone but I was surprised to know that it's you. I told you to stay away from him, right?"

Tinignan ni Candy ang ina ni Leif na bigla nalang umupo sa tapat nya "Ma'am, ayoko ng gulo"

"Break up with him now"

"Hindi ko po magagawa 'yan. Hindi ko po hihiwalayan si Leif." matigas na sabi nya

Biglang pinulot ng ginang ang baso ng tubig sa harapan nito at tinapon sa mukha nya. Nanatiling nakatingin si Candy sa ina ni Leif

"Mom!"

"Candy!"

Nakita ni Candy si Leif na mabilis na tumakbo sa direksyon nila "Why did you do that?"

"Candy, are you okay?" tanong ni Ace sa kanya at inabutan sya ng panyo

Napalunok si Candy at kinuha ang panyo ni Ace saka pinunasan sa mukha nya

"You see that, Leif? This woman is nothing but a bitch!" sabi ng ina ni Leif at dinuro sya

Agad namang binaba ni Leif ang daliri ng ina "She's not like that, Mom. Candy is the most amazing woman I met"

"Hindi sya bagay sayo! I will never accept her!"

Hindi makapaniwalang napatitig si Leif sa ina "Mom, she's my girlfriend"

"I don't care if she is. Ayoko sa kanya at hihiwalayan mo sya ngayon" sabi nito

Tumayo si Candy at kinuha ang bag. Napatingin sa kanya ang mag-ina

"Candy..."

Tipid na ngumiti si Candy sa kasintahan "May duty pa ako. I need to go" sabi nya at umalis sa restaurant

"Candy, wait!"

"Don't you dare run after her, Leif"

"Mom, I'm not a kid anymore. Don't tell me what to do" sabi ni Leif at agad na tumakbo palabas ng restaurant

Bumuntong hininga si Candy at nilagay ang gamit sa backseat

"Candy..."

Tinignan ni Candy si Leif "Ayos lang ako. Ayusin mo muna yung sa inyo ng Mama mo"

Pinunasan ni Leif ang pisngi ni Candy. Natigilan si Candy at naramdaman na umiiyak na pala sya "You're hurting, Candy"

"Normal lang naman siguro 'to...masakit yung sinabi ng Mama mo eh" sabi nya at napayuko

Niyakap ni Leif si Candy at hinagod ang likod nito "I'm sorry. I promise I'll fix this"

Kinagat ni Candy ang pang-ibabang labi at sinubsob ang mukha sa leeg ni Leif. Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Candy sa hindi nya malaman na dahilan. Parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib nya, nahihirapan syang huminga

"I'll take you home, Candy"

"Leif!"

"Ako na, pre"

Kumalas si Leif kay Candy at hinalikan ang noo ng kasintahan "Candy, look at me"

Dahan-dahang inangat ni Candy ang tingin kay Leif "N-nandyan na yung Mommy mo, k-kausapin mo na sya"

"I love you, Candy"

Tumango sya at pumasok sa kotse. Agad iyong umandar at hindi parin tumitigil sa pagluha si Candy

"Tears won't do anything, you know" sabi ni Ace habang nagmamaneho

"I know..." mahinang sabi nya at pinunasan ang luha gamit ang mga daliri ngunit patuloy parin iyon sa pagtulo "I can take you home if you want"

"Yes, please"

Bumuntong hininga si Ace "You really love Martinez" sabi ni Ace

"I fell, sadly" sabi nya at napayuko

"That's why it hurts, Candy" sabi ni Ace. Looks like you have no chance twin-bro, she fall in love with someone

"It hurts so much. Masakit na masakit kasi mahal ko sya" sabi ni Candy. Mas lumakas ang pag-iyak nito at tila ayaw nang huminto ng luha nya sa pagtulo

Tinignan ni Ace si Candy na patuloy lang sa pag-iyak saka tinigil ang kotse "We're here, Candy"

"Thank you" sabi nito at akmang aalis nang hawakan nya ito sa braso

Napatingin si Candy sa kanya. Kinuha nya ang matamis na candy sa kanyang bulsa at nilagay sa palad nito "Here, I hope it could add a little bit of sweetness in your bitter day"

Napatitig si Candy sa nasa kamay nya at napayakap kay Ace. Hinagod ni Ace ang likod ng kaibigan


"MOM, HOW COULD you do that?!"

"What did I do?" patay malisyang tanong ng ina ni Leif na si Angelica

"Candy is my girlfriend. How could you embarrass her in front of so many people?!" galit na tanong ni Leif sa ina

"I keep on telling you, son. That girl is no good. She's slut, a bitch and harlot"

"My Candy is not like that. Stop calling her names"

"Stop speaking like you know that woman, Leif. Alam kong peperahan ka lang ng babaeng 'yon para umangat sya sa buhay. She's just after your money" sabi nito

"Mom, how could say that? You don't know Candy personally--"

"And you do?"

"Yes! I know her! She's the one I want to spend my whole life with! She's that special for me!"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Leif "Break up with that girl, Leif or I'll make her life miserable"

"Drop the threat, Mom. That won't work on me anymore"

"Why don't you listen to me, Leif? I run a background check on that woman. She has police records, she was convicted, she's nothing but trouble. She's no good!"

"I know that already! But I don't care, Mom!"

Natigilan si Angelica at napatitig sa anak na pinagtaasan sya ng boses

"She changed me, Mom. For the better. She gave me so many reasons to change. And if you can't accept her, it's fine with me. Just don't stop me from loving the woman who changed me"

"That love will just hurt you, Leif"

"It's not love if it won't hurt, Mom. I don't care if I got hurt by loving her. I love her, Mom. I love Candy" sabi ni Leif saka umalis


PINIKIT NI CANDY ang mga mata at niyakap ang sarili. Nilalamig sya kahit balot na balot na sya ng kumot. Mabigat na mabigat ang pakiramdam nya at masakit ang mga mata nya dahil sa matinding pag-iyak

*ding dong*

Kumunot ang noo ni Candy at tinignan ang oras sa wall clock. Sinong matinong tao ang dadalaw ng alas-onse?

Inis na bumangon sya at sinuot ang jacket nya saka bumaba. Tumigil sya sa pagbaba nang makita na walang kotse sa tapat ng bahay nya mula sa salamin

Biglang bumukas ang pinto at mabilis syang bumalik sa kwarto. Inulan sya ng sunod-sunod na bala at napangiwi sya ng dumaplis sa braso nya ang isa. Tumalon sya sa balkonahe at napangiwi ng bumagsak sya sa damuhan

Sinapo nya ang braso saka mabilis na pinaputukan ng bala ang dalawang taong tinutukan sya ng baril. Lumabas sya ng backdoor saka mabilis na sumakay sa motorsiklo nyang naroon

Agad nyang pinaharurot ang motor at nagtungo sa ospital. Pumasok sya sa headquarters

"What happened?" tanong ni Devon sa kanya ng makasalubong nya ito

"Daplis lang. May gustong pumatay sakin"

Sweet Badass (AGENT SERIES #17)Where stories live. Discover now