****
NAKANGITING LUMULUKSO si Candy habang napatungo sa pasyente nyang babae. Pumasok sya sa loob ng silid nito at napangiti ng makitang gising si Olivia "Good morning, Olivia"
"Good morning, doc" nakangiting bati nito sa kanya
Nakita nya ang nurse na katatapos lang icheck ang vitals ni Olivia. Tinignan nya ang chart at ngumiti. Tinignan nya si Olivia "Uminom ka na ba ng gamot mo?"
"Yes po, doc"
"Good girl. Gaya ng promise ko, papayagan kitang lumabas pero hanggang garden lang ah" sabi nya at ngumiti
"Bukas po, pwede rin?"
Napaisip sya "Hmm pwedeng pag-usapan muna namin ng Mommy mo?"
"Okay po" nakangiting sabi ng bata
Lumabas sila at napakamot si Candy sa noo. Tinignan nya ang Mommy ni Olivia "She needs to undergo another therapy, Mrs. Cordero"
"Kailan, doc?"
"After three months"
Nanghihinang napahawak ang ina ni Olivia sa pader at bumuntong hininga saka tumingin sa kanya "Magiging maayos na ba ang lagay ng anak ko kapag nagpatherapy sya ulit?"
"There's a high chance that she will survive, Mrs. Cordero. Olivia is fighter, she can do this" sabi nya
"Natatakot ako, Doc"
"That's normal but you have to be strong for her, Mrs. Cordero. The doctor who will do the therapy is coming here. He's a good doctor"
Nang matapos silang mag-usap ay bumuntong hininga si Candy at sinilip si Olivia. Napalingon ito sa kanya at kumaway. Ngumiti sya at kumaway din sa bata saka nagtungo sa nurse station
Tinignan nya ni Nurse Missy at napanguso "Kailan daw darating si Doctor Portman from Spain?"
"Two weeks from now, Doc"
Tumango sya at kumuha ng candy sa bulsa nya saka iyong kinain. Tinignan nya si Nurse Missy na nakangiti sa kanya "Gusto mo ng candy?"
"Pwede ba, Doc?"
Naglabas sya ng isa saka binigay kay Nurse Missy
"Hindi kaya redundant ka na nito, Doc?"
Ngumiwi sya "Inaasar mo ba ako?"
"Ang cute lang kasi. Your name is Candy and you always bring candy"
Bumuntong hininga sya at tinapik ang balikat ni Nurse Missy "Try harder to be funny next time" sabi nya saka umalis
Sumakay sya ng elevator at nagtungo sa emergency area. The busiest place in the hospital. Agad syang tumulong sa pag-assist sa mga pasyente lalo na sa mga matatanda at bata
"Working so hard huh, Doc?"
Nilingon nya si Felix at binigayan ito ng chocolate candy "Mukha kang kulang sa sugar. Kainin mo muna 'yan"
Tinignan nya ang batang nasa harapan "Anong nararamdaman mo?"
"Medyo hirap po akong huminga" sabi nito
Tinawag nya ang Nurse na naroon saka pinacheck ang bata
"We need more employees" sabi nya at pinaglapat ang labi
"Yeah, so don't just stand there and do something"
Napatalon sya sa gulat ng may magsalita sa gilid nya "Kuya Justine naman ginulat mo ako"
![](https://img.wattpad.com/cover/312876149-288-k612989.jpg)
YOU ARE READING
Sweet Badass (AGENT SERIES #17)
General FictionCandy Celine Antonio, codename Scorpio. Energetic and happy go lucky type of woman. She always wears a smile on her face that make her look kind and sweet in front of others eyes. But behind that happy mask, there's a Badass behind. A Sweet Badass L...