Chapter 4: Claudia Assuncion

396 12 3
                                    

Candy's POV


Maaga palang ay tinawagan ko na ang mga kaibigan ko si Leslie at Clair. Mga kababata ko sila.


"Hello, Leslie!!!??" Sabi ko habang nasakabilang linya naman sila.


"Oh? Candy? Bakit ka napatawag ang aga pa ah." Sabi niya naman sa akin ng naghihikab.


"Ah ! Eh ! Punta na kayo ngayon sa bahay." Masayang sabi ko sa kanila.


"Ngayon naba?" Sabi niya pero halatang inaantok pa.


"We'll kung gusto niyo. Kita nalang tayo sa mall." Sabi ko naman.


"Sige." Yun lang ang sinabi niya at binaba niya na ang telepono.


Bumaba narin ako. Nakahanda na ang almusal. Nandun na si Steph at Lester.


"Oh? Candy. Gising kana pala." Hindi sleep walk lang to. Pero kailangan kong magpakabait.


"Ah! Eh! Pwede bang pumunta ang mga kaibigan ko dito?" Tanong ko. Nagtinginan naman sila Lester at Steph. "Wag kayong mag-alala mababait sila." Sabi ko, kainis naman to.


"Sige!" Sabi ni Steph. Yessss!!!


"Salamat." Nakangiti kong sabi.


"Aalis na ako. Lester ikaw na muna ang bahala dito. Kung may kailangan kayo mag sabi lang kayo kay manang." Sabi ni Steph.


"Saan ka pala pupunta?" Tanong ko.


"Sa Office." Maikling sagot niya. Tumango nalang ako at umalis na siya. Naiwan nalang kami ni Lester.


"Sila ba ang pupunta dito?" Tanong ni Lester.


"Ha?" Sabi ko.


"Yung mga kaibigan mo? Didiretso ba sila dito?" Sabi niya pa.


"Ah! Hindi sa mall na kami magkikita." Sabi ko.


"Magpasama ka nalang kay Manong Gee." Sabi niya.


"Manong Gee?" Tanong ko.


"Head Driver siya. Nasa kwarto ka kasi kagabi kaya hindi mo siya nakilala. Pinakilala siya ni Steph." Sabi niya pa.


"Ah! Sige." Sabi ko na may ngiti.


Umalis narin siya kaya ako na ang naiwan at halos wala ata silang ginalaw sa pagkain. Alam ba nila na maraming nagugutom? Tsk! Tsk! Tsk. Makakain na nga lang.

Ang Daddy Kong CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon