Brook's POV
Ilang araw naring wala si ate mga 2 days. Hahaha, T_T!!! kamusta na kaya siya. Di namin siya matawagan wala daw siya sa hotel na tinutuluyan nila pati si Mr. Yuan. Kinausap namin si Tito Floyd ang sabi niya samin wag daw kami mag-alala malaki nadaw ang kapatid namin at kasama niya naman si Mr. Yuan. Pero sigurado akong di magkakasundo ang dalawang iyon.
"BROOK??? ANO BA? Kung saan saan ka nagpupunta! Alam mo namang may pupuntahan tayo." Sigaw sakin ni Candy. Hayy!! Oo nga pala aalis nga pala kami. (-_-!)
"Di naman ako kung saan saan pumupunta nandito lang naman ako sa kwarto. Tsk!" Sabi ko kay Candy.
"Ano matagal kapa ba? Bilisan mo naman!" Sabi niya.
"Oo ito na." Sagot ko sa kaniya.
Kanina pa kami nakabihis kaya pababa na kami.
"Oh?! Tara na baka malate tayo." Sabi ni Lester samin.
"Pasensya na. Ang tagal kasi nitong ni Brook." Sabi ni Candy.
"Hala?! Ako daw eh sino ba ang walang sawang makatingin sa salamin na halos mabasag na at sa kakahanap ng damit na halos pareho pareho lang naman?!" Sabi ko naman, nakakainis eh T.T!!
"Hayy itigil niyo na yang dalawa umalis na tayo baka tayo nalang hinihintay sa orientation." Sabi ni Lester.
Kaya ito parang walang nangyayare. Sasakay na kami sa sasakyan si manong Gee ang magdadrive katabi niya si Lester, si Candy naman ang katabi at ito nanaman kami selfie selfie selfie, satingin ko di titigil to kahit mabasag na lahat ng camera at salamin sa kaniya. Malapit narin pala ang pasukan. Kaya mag oorientation na kami sa school. Hindi naman ako dapat kabahan pero kinakabahan ako 😂😂. Ang gulo ko 😵.
After a while...
Nandito na kami sa school.
"Wait lang guys hintayin niyo ko. Punta lang ako CR." Sabi ni Candy.
"Ano ba naman yan tititig ka nanaman sa salamin." Sabi ko sa kaniya.
"Grabe siya! Masiyado ka namang mapanghusga di ba pwedeng naiihi lang." Sabi niya.
"Naku! Pinagtatanggol mo pa sarili mo eh di mo rin naman matitiis tumitig sa salamin." Sabi kopa.
"Alam mo kasi ang kagandahan dapat iniingatan." Sabi niya.
"Psh! Bilisan mo nalang!" Sabi ko. Ang dami pa kasing sinasabi eh.
At umalis na siya. "Mauuna na kami." Pahabol kong sinabi. Mukhang di niya narinig ang sinabi ko. Hayy! hayaan mona may cellphone naman siya at di na bata. "Tayo na Kuya Lester."
"Hindi naba natin hihintayin si Candy?" Sabi ni Kuya.
"Hayy naku kuya! Kaya niya yun tara na!." Sabi ko sa kaniya at nauna na nga kami.
Candy's POV
Papunta nako ngayon sa CR para magretouch. "Hay grabe ang ganda ganda mo talaga Candy <3." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ako baliw maganda lang talaga ako. Tinignan ko ang relong nasa kaliwang kamay ko. Sama maagang matapos tong orientation para makapunta pako kay Nanay.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng...
"Arayyy! Ano ba!? Bat di ka tumitingin sa dinadaanan ....." Hindi ko natuloy ang nasabi ko dahil mukhang anghel na bumaba sa langit ang nakita ko.
"Pasensya na. Di ako tumutingin sa daanan." Sabi niya sabay umalis. Oo, hindi niya ko tinulungan sa pagdampot ng gamit pero who cares ang gwapo niya. T_T! I think I'm inlove <3.
------------------
FOLLOW. VOTE. COMMENT.
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...