Steph's POV
"Okay na ba lahat ng dadalhin mo?" Tanong sa akin ni Manang. Aalis kasi ako papuntang ibang bansa para sa meeting. Kasama ko si Yuan dahil sa sabihin na nating siya ang senior ko.
"Ate? Kailangan mo paba talaga umalis?" Sabi ni Brook.
Tinignan ko siya. "We'll babalik naman ako at isa pa kailangan yun." Sabi ko sa kaniya. "Lester! Ikaw na muna ang bahala dito." Sabi ko kay Lester. "Oh Candy, pagpahinga karin ha. Huwag kang mag-alala gagaling din ang nanay mo." Sabi ko kay Candy.
Bumaba na kami sa papunta sa main door dahil nandun narin ang sasakyan ko.
"Oo nga pala, malapit na ang pasukan baka wala pa ako dito. Pagbutihin niyo ang pag-aaral." Sabi ko sa kanila bago ako sumakay sa sasakyan.
"Grabe ka naman magpaalala. Babalik ka pa naman diba?!" Sabi sa akin ni Candy.
"Haha, bakit concern ka?" Pang-asar ko sa kaniya.
"Hindi no! Alis kana nga para masaya." Sabi ni Candy sa akin.
"Haha, oo na sige na. Byeee!" Niyakap ko ang tatlong kapatid ko at umalis narin.
Airport
Nakarating na ako ng Airport at nakita ko doon nakatayo si Yuan. Shocks! Baka galit to. Haha, late nanaman ako eh. Bumaba na ako at nilabas ang bagahe ko. Habang papalapit ako sa kaniya makikita mo ang kunot ng nuo niya. Oh nooooo!
"Bakit ngayon kalang?" Bungad sa akin ni Yuan.
"Pasensya na, traffic." Sabi ko sa kaniya, palusot lang.
"Palusot mo." Sabi niya. "Tara na!" Sabi niya pa.
"Oo napo Boss." Sabi ko sa kaniya, kung makaasta Boss eh. But his just doing his job as my mentor kaya okay lang kaso parang problema niya ata ang buong mundo. Haha!
1 hour Later
Shocks kanina pa kami naghihintay! Bakit ba ang tagal! Nasan naba ung eroplano? Yung kasama ko nakaupo sa tabi ko na parang wala lang.
"Naiinip kana?" Nagulat ako ng nagsalita siya. "Masanay kana ganito talaga dito." Sabi niya pa. Di na ako umimik baka kung ano pang sabihin.
30 minutes Later
"Yasmine! Yasmine! Yasmine!" Paulit-ulit kong naririnig. At may nararamdaman akong pumipindot sa ilong ko.
"Hmmm! Ano ba!" Sabi ko. Sabay mulat ko ng mata ko. Shocks nakatulog pala ako.
"Ayan gising kana, kala ko kailangan kopang magpakuha ng tubig eh yung kumukulo." Sabi sa akin ni Yuan.
"Grabe ang sama mo talaga!" Sabi ko sa kaniya.
"Ano? Baka naman gusto mo nang tumayo dyan?" Sabi niya sa akin. Nangpagkasabi niya nun, dumiretso ba siya doon sa entrance. Shocks! Iiwan niya ba ako?
Hinabol ko siya para makasabay sa kaniya. Ang bilis niyang maglakad kasi ang hahaba ng mga binti niya. We'll nahahabol ko naman siya dahil matangkad din naman ako.
"Di ka naman nagmamadali." Sabi ko sa kaniya.
"Nagmamadali ako!" Sabi niya sa akin. Deneretso talaga ako.
Third Person POV
Perrill's House
"Nakaalis na kaya sila?" Natanong Brook.
"Siguro! kanina pa nakaalis si Steph kaya nasa sa eroplano na yun o baka nga nandun na siya sa Paris eh." Sabi ni Lester.
"Kung sa bagay." Sabi ni Brook.
Nang napansin nila si Candy na aalis.
"Candy? Aalis ka nanaman?" Tanong ni Lester.
"Kailangan kong pumunta sa Hospital, baka hinihintay nako ni Nanay." Sabi ni Candy.
"Gusto mo bang sumama na kami?" Tanong ni Brook.
"Di na. Pero kung gusto niyo naman, sunod nalang kayo wala namang problema." Sabi ni Candy.
"Magpahatid ka kay Manong Gee." Sabi ni Lester.
"Nasabihan ko na si Manong kaya baka hinihintay niya narin ako. Alis na ako byeeeee!" Sabi ni Candy, hindi na nakasagot ang dalawa dahil sa tuloy tuloy na itong lumabas.
"Siguradong pagod siya, dapat di niya rin pinapabayaan ang sarili niya." Sabi ni Brook.
"Ganoon talaga." Sabi naman ni Lester.
Sa loob ng Eroplano
Yuan's POV
Ilang oras nalang pala at lalapag na ang eroplano. Gisingin ko na kaya to. Kanina pa nangangawit ang balikat ko. Pakiramdan ko manhid na ang balikat ko at hindi ko na magagalaw.
Steph's POV
"Ang sarap matulog!" Sabi ko ng naalimpungatan ako. Napakiramdaman ko kasi na bumaba na ang eroplanong sinasakyan ko. Pero medyo masakit ang leeg ko. "Ang sakit ng leeg ko." Sabi ko habang hawak hawak ko ito.
"Musta naman ang balikat ko?" Sabi sa akin ni Yuan. OmG! Nakatulog pala ako sa balikat niya. Nag-peace sign nalang ako sa kaniya, "✌✌" . Inirapan lang ako loko. Satingin ko bakla to. Haha!
Nilibot ko na ang paningin ko habang bumababa ang eroplano. Matagal ko na kasing gustong pumunta dito sa Paris kasama ang magiging asawa ko pero iba ang kasama ko ngayon at nandito kami para sa business. Yun lang!
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...