Steph's POV
Nakauwi narin sa wakas, nakakalokang araw toooooooo..... Pinabukas ko Na ang gate ng bahay para makapasok kami ng sasakyan. Ng maiparada Kona ang sasakyan ay agad agad din akong bumaba para pumunta sa kwarto ko.
"Ma'am kakain po kayo?" sabi kasabay ng pagsalubong sakin ni Manang.
"Hindi napo, salamat. Manang ilang kwarto po ang nandito?" Tanong ko sa kaniya.
"Lima po. Yung unang kwarto, yun po ang kwarto ng daddy niyo. Yung pangalawa po kwarto ninyo. Yung pangatlo, pang-apat at lima guest rooms po. Pero isa lang ang kama dun sa pangatlo, dalawa naman po sa pang-apat at tatlo po sa pang-lima." Sabi niya.
"Ang dami naman po palang kwarto dito. Sige paki-ayos nalang yun pangatlo." Sabi ko.
"Ah! Sige po." Sabi niya.
Umakyat na ako. Medyo nakakatakot naman dito, madadaanan mo ang kwarto ng daddy.
Nasa harap nako ng kwarto ko. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako bigla. Haist! Ano bang mga pinag-iisip ko.
Pumasok na ako at parang nag-iba ang aura. Napaka-peace ng kwartong ito. Kulay puti ang lahat na may halong pink at green. Nahiga na ako sa kama, nakaramdam ako ng antok at pagod kaya pinikit ko ang mata ko.
Lester's POV
"Nandito na tayo sa bahay niyo." Sabi ni Tito. "Manang?" Pagtawag nito.
"Sir Flyod?" Sabi naman nung mga matanda na maganda pumustura.
Nangnakalapit na si manang."Paki ayos naman yung pangatlong kwarto." Sabi pa ni Tito.
"Ah! Pina-ayos napo ni Ma'am Steph. May bisita po ba tayo?" Sabi ni Manang.
"Ah! Ito si Lester, anak din siya ni Rex. Lester ito naman si Manang siya ang mayordoma dito." Sabi ni Tito.
"Ah ganun po ba. Sige po, Inday!" Pag tawag ni Manang doon sa Inday.
"Yes Manang?" Sabi naman nung inday.
"Paki hatid naman si Sir Lester sa pangatlong kwarto." Sabi ni Manang.
"Okay, no Prob. Dito po tayo Sir." Sabi nung inday. "Ah Sir, ito po palang unang kwarto sa daddy niyo." Madadaanan ko pala ang kwartong yan. "Ito naman po ang sa Ma'am Steph. Alam niyo po kamukha niyo ang daddy niyo. Parehas kayong gwapo." Napatingin ako sa kaniya. "Ah Sir, wag kang ganyan makatingin, hindi ako babae ng Daddy niyo. We'll aminado akong gwapo siya pero di ko po siya type." Wow ah, ibang klase to. Ang chussy. "Hindi naman po sa chussy ako pero ang mga type ko yung mga katulad niyo. Hahaha!" Pano niya nabasa ang iniisip ko O_O??
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
PertualanganHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...