Stephanie's POV
Nandito ako ngayon sa pinakaharap na upuan at nakaupo. Tinatamad na akong tumayo eh.
"Sino yun?"
"Kilala niyo ba yun?"
Bulong-bulungan na Sabi nung mga bisita. Galing no? Nagbubulungan sila pero rinig naman. Pero Sino naman kaya ang tinutukoy nila. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking papalapit sa kabaong ng Daddy. Dahan dahan akong tumayo para salubungin siya.
"Excuse me! Sino po sila?" Sabi ko. Nagtataka ang mga bisita kaya ibig sabihin hindi nila kilala ang lalaking ito. Gwapo siya at medyo bata bata pa.
"Lester Perrill, anak ni Rex Perrill." malumanay niyang sagot. Wait WHHHAAAATTT?????.
"Wait, i'm sorry pero ako lang ang nag-iisang anak ng Daddy." Gulat kong sabi. Yun naman kasi ang totoo o yun ang alam ko???
"Sa Legal oo." malamig niyang sagot sakin habang nakatingin sa kabaong ng daddy.
"Sandali I need to go to the bathroom." Sabi ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi lang siya nambabae nag-anak pa siya?
Lester's POV
"Lester?" Tawag sa akin ni Tito Floyd.
"Tito?" Sabi ko naman.
"Bakit hindi mo ako hinintay? Nakita ka naba ni Steph?"
"Opo."
"Nasan siya?" Tanong niya sa akin.
"Pumunta siyang CR."
"Aytss!"
Kausap ko si Tito ng dali daling lumabas si Steph sa CR.
"Steph?" tawag ni Tito Floyd sa kaniya.
"Tito? Kilala mo ba siya?" Sabay turo sa akin.
"Yes Steph!" Sabi ni Tito Floyd. Mukhang naghihintay pa siya ng susunog na sasabihin ni Tito. "Anak siya ng Daddy mo at ng Tita Bae mo?" Pahabol ni Tito.
"Wait? What? How? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong ni Steph.
"Don't worry pagkakamali lang ang lahat." Sabi ko. Ewan pero nakakairita nandito lang kaya ako oh. Tapos kung makapag-usap sila parang wala lang ako.
"Pagkakamali? Sabihin mo nga pinagkatiwalaan ng Mommy ko ang Mommy mo tapos, Pagkakamali LANG ang LAHAT." Sabi niya ng nakanoot ang noo. Asar!! Ba't pa kasi ako pumayag kay Tito na pumunta dito.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako manggugulo. Isa pa si Tito lang naman ang nagpumilit sa akin na pumunta dito." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman kasi pwedeng ganito, wala akong ginagawang masama.
"Steph, let me explain." Sabi ni Tito. Pero wala ata siyang balak makinig.
"Satingin ko Tito. Kailangan ko munang umuwi. Excuse me." sabi ni Steph at Umalis.
"Wait Steph." Sabi ni Tito.
"What?" Tanong ni Stephanie.
"Sa inyo na uuwi si Lester. Yun ang gusto ng Daddy mo." Sabi ni Tito. Oo, sa bahay nanga ako ni daddy titira. Hindi niyo ko masisisisi yan din ang gusto ng mommy ko. Hindi ko man gusto ng gulo eh wala naman akong magagawa, gulo ang talagang gustong lumapit sakin.
Hindi na siya nagsalita at umalis.
Stephanie's POV
Pumasok ako sa sasakyan at sumigaw..... "AAAAAAHHHH. Hindi kapa nakuntento sa mga babae mo!."
Asar talaga... Makakasama ko pa ang isang anak sa labas? Asar talaga!!!!!! Pumunta nga ako ng ibang bansa noon para makaiwas sa gulo pero ano to, Asar! Gulo na mismo gustong lumapit sakin. BAHALA NA.
Inumpisahan ko ng i-drive yung sasakyan.
Lester's POV
"Pagpasensyahan mona ang kapatid mo. Nagulat lang siya sa mga nangyayari." Sabi ni Tito. Habang hawak ang balikat ko.
"Pwede naman kasi akong wag nang sa bahay nila tumira." Sabi ko. Kung hindi lang para sayo mommy.
"Pero yun ang gusto ng Daddy mo."
"Para ano? Para laitin ng babaeng yun?" gusto kong sumigaw.
"Mabait si Steph. Hindi niya lang inaasahan ang mga nangyayari."
"Pano naman yung nararamdaman ko? Parehas lang naman kami. Walang ina, walang ama."
"Lester?"
"Ah! Oo nga pala, siya legal ako sampid lang."
"Lester humi—-"
"Okay lang Tito. Nangako rin naman ako kay Mommy na maging matapang at intindihin ang sitwasyon bago niya ako iniwan."
Hindi na nagsalita si Tito. Tumahimik narin ako.
Parehas lang kaming nawalan, parehas lang kami.
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...