Steph's POV
Pumunta ako ng kwarto, at di ko inaasahan ang madadatnan ko.
"Gusto ko ang kwartong to. Dito nako ah." Sabi ni Candy ng nakangiti at papaalis na.
"Pasensya na, kwarto ko na to hindi pako pinapanganak." Mahinahong sabi ko sa kaniya kahit, inis na inis na ako.
"Ah, ganon. Okay parang kwarto lang. Hmmmp!" Sabunutan ko kaya ang babaeng ito.
"Pupunta ako sa Chapel. Sumama ka." Sabi ko.
"Anong gagawin natin dun?" Tanong niya.
"Doon nakaburol ang Daddy." Sagot ko.
"Okay." Masungit niyang sabi at sinarado ang pinto ko ng malakas. Haist!!. Pero imbis na magalit. Kinuha ang Cellphone ko at tinawagan ang kaibigan kong doctor.
"Steph?" Sabi niya sa akin.
"Sintia!" Sabi ko naman.
"Napatawag ka?" Tanong niya.
"We'll may ipapa-asikaso lang kasi ako, kung pwede bukas ko na makukuha."
"Okay no prob. Ano ba yun?"
"May ipapadala akong sample blood. Gusto kong malaman kung match ba sila ni Daddy."
"Ow! Okay yun lang ba?"
"Oo."
"Sige, ipadala mo lang at aasikasuhin ko agad."
"Salamat :). Bye!"
"Bye."
Hay! Grabe ang sakit ng ulo ko!!!!!. Nahiga lang ako sa kama at pinikit ang mata.
Candy's POV
"Candy?" Sabi ng kaibigan ko na kausap ko sa Cellphone. "Nasan kana ba? Alam mobang nag-aalala na sayo ang nanay mo?" Sabi niya pa.
"Sinabi mo bang nag-punta ako dito?" Tanong ko.
"Balak palang namin ni Leslie."
"Wag, wag niyong sabihin na nandito ako. Papauwiin lang ako niyan."
"Pero Candy, halos mamatay na siya kakahanap sayo."
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...