Eda's POV
"Ang totoo iha, hindi ko alam kung san ko uumpisahan pero naiintindihan naman kita na gusto mo talaga at karapatan mo ring malaman ang mga bagay na ganito. Pero bago ang lahat gusto kong humingi ng tawad at sa una palang talaga ay mali na ang lahat ng nangyari." Sabi ko. Tahimik lang siya habang nagsasalita ako. At tingin ko ay naghihintay pa siya ng susunod kong sasabihin. Kaya umpisahan na natin.
Flashback...
15 years ago ay pumunta ang isang negosyante sa aming baryo. Ang pangalan niya ay Rex Perrill.
"Eda!" Tawag sa akin ng aking tita. Wala narin kasi akong magulang. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ang alam ko lang ay pinamigay nila ako dahil hindi na daw nila akong kayang buhayin pa.
"Bakit po tiya?" Tanong ko sa kaniya. Nangtinignan niya ako ay sinabi niya nanaman ang mga katagang yan...
"Ano bayan Eda kababae mong tao ay ganyan ang mga sinusuot mo. Hindi bagay!" Haist! Diba asaaar lang. Palagi nalang yan ang sinasabi niya sa akin pero dito ako masaya eh.
"Hay naku tiya, kahit ano naman po ang suutin ko eh mahal niyo naman po ako diba?" Sabi ko sa kaniya. Yan lang ang panlaban ko para iwas sermon.
"Hay, palibhasa kasi alam mong mahal kita." Tumawa lang ako at niyakap ko siya. Siya na kasi ang nagpalaki sa akin at tinuring akong tunay na anak. Wala rin kasi siyang pamilya maliban lang sa akin na pamangkin niya.
"Hay tama na ang drama. May pupunta ditong mga business man para tignan yung lupa na ibinebenta natin." Sabi ni tiya. May bibili na pala nun.
"Ano pong gusto niyong gawin ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Samahan mo lang silang maglibot at marami pa akong ginagawa." Sabi niya. Maliit lang ang lupa namin dito pero dahil sa kapos kami sa pera at may interesado sa aming lupa ay napagpasiyahang ibenta na ito. May ipapagawa daw sila sa lupa namin ang totoo marami pang lupa ang binibili nila dito.
"Opo tiya." Naligo at nagbihis na ako ng maayos-ayos para naman hindi ako madungis pagpumunta ang mga yun dito.
Ilang oras pa ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...