Stephanie's POV
Ilang araw narin ang nakalipas simula nung pumunta kami kayla Edward. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nung mga panahong yun pero nagustuhan ko ang pagyakap sa kaniya at pagyakap niya sa akin, siguro kasi namimiss ko ang mommy ko. Lahat din ng sinabi niya ay tama at masaya ako dahil naging totoo siya sa akin. At ito na nga kami ngayon back to abnormal, I mean normal life. Dito narin sa amin nakatira si Brook pero syempre pwede rin siyang bumisita sa kanila at ganun din naman ang magulang niya sa kaniya dito sa amin.
"Lester?" Tawag ko kay Lester.
"Yes?" Sabi niya naman.
"Isabay mona mamaya si Candy at Brook para makapag-enroll narin pati rin pala si Kristina." Sabi ko sa kaniya.
"Ah! Sige." Sabi niya.
"Alis na ako." Sabi ko naman, papasok pa kasi ako sa opisina.
Minaneho ko na ang sasakyan hanggang sa nakaabot na ako sa kompaniya.
Naabutan ko doon si Yuan na naghihintay sa akin. Patay strike 2 nako sa pagiging late.
"Your late." Sabi niya.
"Wala manlang Good Morning?" Sabi ko. Strikto kasi siya.
"Ang mabuting leader hindi dapat nalelate." Sabi niya.
"Nasabi mo na sa akin yan eh." Sabi ko.
"Ma'am Steph, oo nga po sinabi ko yun sa inyo pero obviously hindi ka nakinig kaya late ka nanaman ngayon." Sabi niya, naku magsesermon nanaman siya.
"Okay i'm sorry may natitira pa naman diba?" Sabi ko sa kaniya, you know naka strike 1 and 2 na ako kaya may pang 3 pa.
"Ah so papaabutin mopa ng 3?" Sabi niya.
"Ito naman. Joke lang, san naba tayo?"
"Well si Mr. Lim gusto kang makausap." By the way nasa loob na pala kami ng office ko na dating office ni daddy.
"Why daw?" Tanong ko.
"Gusto mong malaman?" Sabi niya.
"Yup." Nakangiti ko pang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...