Third Person POV
Nabitawan ni Candy ang kaniyang Cellphone ng marinig ang sinabi ni Leslie. Bumagsak ang Cellphone sa sahig at narinig ito ni Lester.
"Candy? Bakit?" Sabi ni Lester. Hindi makapagsalita si Candy ng may Tubig na lumabas kaniyang mata. "Candy? Ayos ka lang ba?" Sabi pa ni Lester.
Dumating naman si Brook at Steph.
"Anong nangyayari?" Sabi ng dalawa.
"Steph! Pakiusap dalhin mo ako sa Gerix Hospital. Nakikiusap-usap ako." Pakiusap ni Candy. Gulat naman ang naging reaction ni Steph dahil basang basa na ang mukha ni Candy. "Pakiusap." Sabi ni Candy.
"Tara na!" Umalis na si Sila sa Mall at pumunta sa Gerix Hospital.
Ng makarating doon. Nakita ni Candy ang magulang ni Leslie kasama rin si Leslie.
"Leslie?" Sabi ni Candy.
"Asan siya? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni Candy. Hindi muna sinagot ni Leslie ang mga tanong ni Candy sapagkat niyakap niya ito.
"Nasa ICU siya. Bigla nalang siyang nahimatay tapos may lumabas ba dugo sa ilong, mata at nagsusuka rin siya ng dugo." Sabi ni Leslie. "Hindi namin alam kug anong mangyayari pero sana maging handa ka." Sabi pa niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ni Candy.
"Ang hula namin ay leukemia." Sabi ni Leslie. Mas lalong naluha ang dalagang si Candy.
Ilang oras ang nakalipas. Halos walang lumalabas sa ICU.
"Candy? Uuwi muna kami. Tawag kalang kung may kailangan ka." Sabi ni Leslie.
"Salamat Leslie." Sabi ni Candy. Umalis na si Leslie at ang magulang niya.
"Hindi paba kayo aalis?" Tanong nu Candy sa kaniyang mga kapatid.
"Hindi ka namin iiwan dito." Sabi ni Brook. Hindi na nagsalita si Candy.
"Mag-ccr lang ako." Sabi pa niya."Gusto mo ba samagan na kita?" Tanong ni Brook.
"Hindi na kaya ko na to." Sabi ni Candy.
Pumunta ba si Candy sa CR. Sinigurado niya ba walang tao sa Ct nayun. Pumunta siya sa cubicle at dun umiyak ng umiyak.
Candy's POV
"Lord? Nandyan kaba? Alam ko hindi ako mabait. Alam ko na wala akong karapatang huningi sayo pero please, ako nalang wag lang ang nanay ko. Siya nalang ang meron ako. Wag mo siyang kunin sa akin. Marami akong pangarap na gustong mangyari at kasama ko siya sa pangarap nayun. Lord! Nakikiusap ako. Please, kung totoo ka. Iligtas mo siya. Lord please!."
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...