Third Person POV
"Hindi mo na dapat siya kinausap." Sabi ni Candy kay Steph ng pumasok sa bahay nila.
Hindi siya makapagsalita at nakatitig lang kay Candy.
"Steph?" Sabi naman ni Lester na biglang nagpagising sa realidad na ginagalawan niya. "Ayos ka lang ba?" Sunod naman nitong tanong.
"Oo! Saan ka nag-aaral Lester?" Tanong ni Steph kay Lester. Kaya naiba ang usapan.
"Lucia University." Sagot naman ni Lester. (Lucia Unicersity - school na itinayo ng mga perrill.)
"Hindi ka pa naman nakapag-enroll diba?" Tanong ulit ni Stephanie kay Lester.
"Oo."
"Kapag nag-enroll ka pakisabay nalang si Candy." Sabi ni Steph. At pumunta na sa kaniyang kwarto.
Candy's POV
Umalis na si Steph ng hindi sinasagot ang tanong ko. Satingin ko ayaw niya munang pag-usapan ang mga nangyari.
"Candy? Mauna na kami." Sabi ni Clair ng umalis na si Steph.
"Gusto niyo bang magpahatid?" Tanong ko sa kanila. Kahit naman kasi hindi kami nagkakaintindihan eh, kaibigan ko parin sila.
"Ah! Hindi na, kaya nanamin." Sabi naman ni Clair.
Hindi na ako sumagot at hinayaan silang umalis.
"Satingin ko hindi siya okay." Sabi ni Lester.
"Huh?"
"Nakita mo ba yung mukha niya? Hindi niya inexpect na darating ang nanay mo."
"Kahit ako."
"Pero buhay pa pala ang nanay mo?"
"Oo! Nakita mo naman eh." Tsk! Pogi nga bulag naman ata.
"So bakit ka umalis?"
"Ayaw ko sa kaniya."
"What do you mean?"
"Basta!" Iniwan ko nalang siya kung saan kami nag-usap. Habang naglalakad ako papunta sa room ko. Napadaan ako sa kwarto si Steph.
Kakatok ba ako? Oo o hindi? Ay wag nalang kaya? Waaahhh! Gusto ko rin sana siyang makausap. Alam ko marami siyang gustong itanong pero hay ewan.
Tumuloy na ako papunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Ang Daddy Kong Casanova
AdventureHi! I'm Stephanie Perrill. 23 years old. Single. Short hair. Nakatira ako sa U.S. dahil ayaw kong nakikita ang Daddy ko na may kasamang ibang babae. Wala na kasi ang Mommy ko. Maayos na ang buhay ko dito sa U.S.. I have my career and everything is f...