Prologue
Copyright @ Pachucheng 2018
Plagiarism is Crime.
Don't claim my work or else you will be rot in hell.
This chapter is dedicated for making my book cover. Thank you in advance.
🍁🍁🍁
Prologue
“Pumunta na naman si Lucky doon kala Lola Syrene.” saad ni Meira habang nakasimangot na naglalakad. Patungo kami ngayon sa may kakahuyan dahil doon nagtungo ang alagang aso ni Meira at doon din kase nakatira si Lola Syrene.
Nakilala namin dito lang din sa kakahuyan dahil minsan kaming naligaw kakahanap sa aso ni Meira. Mahilig kase ito mag liwaliw at kung saan saan pumupunta. Doon namn nakita na kasama ni Lucky si Lola Syrene na nakikipag laro sa aso.
Pangalawang beses na ito nangyare kaya alam na namin kung saan matatagpuan si Lucky dahil kung wala doon sa syudad na kung saan kami nakatira ay panigurado nandito lamang iyon.
“Nakikita ko ang isang malapit na malaling mansion. Baka nandyan nakatira si Lola Syrene?” tanong ni Meira sa akin habang kami ay naglalakad patungo doon.
“Maari, ito lamang ang nakita natin na bahay dito sa kakahuyan. Kaya posible na kay Lola Syrene ang bahay na yan o posible ding hindi.” saad ko sa kanya habang pinahid ko ang aking pawis na nasa noo. Pasado alas dos pa lang kase ng hapon kaya mainit pa.
Nagkibit balikat lang sya. Huminto na kami sa tapat ng bahay ni Lola Syrene. Mayroong gate dito na mataas ang laki. Kung tuusin nasa modernong taon na ang lahatahigit 20** na ang taon ngayon pero ang astig lang ng desenyo ng kanilang malaking bahay.
“Medieval Classic ang design ng bahay nila. Pero kung para sa bahay natin mas doble ang laki ng bahay nila Lola Syrene. Tyaka ibang klase may ganito pa pala na nakatayo sa ngayong henerasyon?” wikang saad ko na nagpatawa kay Meira
“Siguro matagal na itong nakatayo. Panahon ni Rizal? O mas higit pa ata.” wika ni Meira habang umiling iling. Pero agad napahinto ito ng lumapit si Meira sa tapat ng malaking bakal na gate at tila may nadiskubre ito. “Halika dito Vanya. Dali!” saad nya sa akin kung kaya't sa aking kakuryosodad ay pumunta ako sa tinitignam nya.
“Since 1800...”
Nagkatinginan kami ni Meira. Napakunot kami parehas ngunit tumawa na lang di kalaunan ang kaibigan ko na si Meira. “Ang galing no? Mas nauna pa itong bahay kesa ipanganak yung mga bayani natin noon.”
BINABASA MO ANG
Ferocious Battle [On Going]
Spiritual"Hindi ako naniniwala sa pagibig." the young man said "Maniniwala ka, kapag nakita mo na sya.." the old man said (Credit sa quotes by A T T I C U S) Sa nagdaang taon ang batang lalaki ay hindi naniniwala sa pag ibig hanggang sa paglaki nito. Ngunit...