Chapter 3 : The Kiss

316 16 0
                                    

"I suggest, we expand the casino so we'd attract more tourist since our target are foreigners and businessmen. What do you think Mr. Syruis?" Nanlaki ang mata niya at napaayos ng upo matapos marinig ang sinabi ko. Tsk, tsk. Sabi na at hindi siya nakikinig dahil kanina pa siya nakatitig sa 'kin habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen. Ngumiti siya ng alanganin bago ilibot ang paningin sa mga taong nakaupo sa mahabang lamesa na ngayon ay inaantay ang sasabihin niya. Lahat sila ay nasa kanya ang atensyon kaya hindi ko maiwasang mapangisi.

"I agree with uhm, Ms. Xedler. That's nice suggestion." Tumango ako bago nagpatuloy. I need to earn their trust as soon as possible. Lahat sila ay nagdadalawang-isip pa sa kakayahan ko pero hindi ko hahayaang maging gano'n lang ang tingin nila sa 'kin sa paglipas ng panahon.

Umupo ako sa swivel chair habang pumipirma ng mga papel na inabot ng secretary ko, hindi pa rin ako kumakain kaya ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy ngunit naagaw ni Styx ang atensyon ko na ngayon ay walang hiyang nakakatitig sa 'kin.

My brows furrowed.

"What?"

"Wala," he mouthed and shook his head. I sighed and continued my business.

Nag-resume ang meeting matapos ang limang minutong break, lalabas na sana ako ng meeting room but someone grabbed my hand and pulled me closer to him, his manly scent reached my nose.

Nilibot ko muna ang paningin sa mga tao ngunit parang wala naman silang pake at may kanya-kanyang ginagawa.

"Styx, ano ba?!" mahinang asik ko.

"Let's talk, please," aniya.

Tumango ako at naunang maglakad papasok ng sarili kong opisina. Kahapon lang ay nakalipat na 'ko rito at inaasahan ko nang mangungulit si Styx lalo na't mapapadalas ang pagkikita namin. Hindi naman problema sa 'kin 'yon because everything was in favor to me.

"5 minutes, Mr. Styx. You have my 5 minutes now," I said casually before sitting at my chair. Ginulo naman niya ang buhok niya maging ang pagkakaayos ng itim na necktie bago itinuon sa 'kin ang mapupungay niyang mata.

"Xhia . . ." He stepped forwad, he was now standing closed to me.

"I-I'm sorry. I didn't know. I swear, pinahanap kita–"

"Forgiven," I cut him off. His eyes grew bigger and his mouth left hanging open. He blinked twice before processing what I've just said.

"W-What?" hindi makapaniwalang usal niya at mas lalong pinaglapit ang distansya namin. Ngumiti ako at tumayo para pantayan siya. Nangingilid ang luha na hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinagdikit ang noo namin.

"That fast?" Hindi pa rin siya makapaniwala.

I nodded "Ayaw mo ba?" natatawa kunwareng saad ko.

"N-No. I'm just surprised. I thought you're mad at me."

"Yes I am." Hinaplos ko ang pisngi niya at agad siyang pumikit na tila ba dinarama ang pagdampi ng balat namin.

"Styx, parang hindi mo naman ako kilala. You know that I easily forgive people." Lies.

Ngumiti siya at akmang ipaglalapit ang labi namin pero mabilis ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

"But I would never forget what they did to me, the reasons why I suffer." I almost choked my words.

Naguguluhang tumingin siya sa 'kin.

"Leave," mariing utos ko pero hindi siya nagpatinag at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Xhia, pinagsisihan ko na lahat. I promised, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo 'ko. I know you suffered . . . a lot." Lumunok siya. Namumula ang mata at may luha sa gilid ng mata.

The Sweet Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now