Who would have thought that Styx will love me more than I expected?Inaasahan kong sa oras na malaman niyang suicidal ako ay iiwan niyo ako but I was wrong when he doubled the time and attention he gave to me.
Matagal na nang huling beses ko 'yong ginawa pero kita ko pa rin ang galit at pagkahabag sa mata niya nang sabihin kong minsan na akong muntik sumuko sa buhay.
Masisisi niya ba ako? Kailanman ay hindi ko naranasan na mahalin ng mga taong nakapaligid sa 'kin. May mga taong darating pero tulad ng inaasahan ko ay umaalis din sila.
Maging ang Ina ko ay hindi ako mahal kaya ano pa bang punto para mabuhay? But I woke up one day and I realized that I should live for myself. Ano naman kung hindi nila ko gusto sa buhay nila? Ano naman kung hindi nila ako mahal at ang tingin nila sa 'kin ay isang malaking pagkakamali?
Inisip ko noon na wala nang saysay ang mabuhay dahil walang taong handang mahalin ako but upon healing myself, I realized that there is someone I could lean on whenever I couldn't take the pain. He listened to me and hugged me everytime I cry. Tuwing nagbe-breakdown ako ay tahimik lang akong nagdarasal at iniisip na siya ang malamig na hanging yumayakap sa 'kin tuwing nasa harapan ako ng isang tulay.
It may sound shallow but He saved me when no one else did. I was about to drown but He held my hand and helped me reach the shore. He offered his hands to me in times that I couldn't stand anymore.
"Saan tayo bukas? May naisip ka na ba?" I asked to Styx while playing with his huge hand. Magkasama kami ngayong hapon habang nakatambay sa likuran ng school. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang lalaking katabi ko.
Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri at pinagsiklop ang kamay namin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kiliting naramdaman mo sa 'king tiyan nang mapansing sakto lang ang kamay ko sa kanya.
"Since it's our first anniversary, gusto ko sanang mag bakasyon tayo this weekend but I don't think that you're Mom will allow us."
Kumurap-kurap ako bago humarap sa kanya. "A-Ano?!"
Hindi ko in-e-xpect na yayayain niya ako sa gano'n. Madalas ay lumalabas lang kami para magtanghalin tuwing nagce-celebrate kami ng monthsary pero iba ngayon. Bakas ang pagiging seryoso sa mata niya kaya napanguso ako.
"I'm serious, Xhia. Gusto ko na rin magpakilala sa Mom mo."
I bit my lower lip and lowered my gaze. Na-guilty ako bigla dahil nameet ko na ang parents niya samantalang hindi niya pa nakikita si Mama at nagpakilala ng pormal.
Ilang beses akong lumunok at kinuha ang isa pa niyang kamay. Marahan kong hinaplos 'yon at ngumiti sa kanya.
Siguro ito na rin ang tamang oras para ipakilala siya? Mama doesn't want me to have a boyfriend while studying. Ang iniisip niya kasi agad, kapag may nobyo ka ay mabubuntis kaagad.
Hindi ko rin siya masisisi, sixteen years old siya nang mabuntis at ako ang naging bunga no'n.
Hindi niya alam kung sino ang aking ama pero duda ako dahil halatang may tinatago siya, hindi ko na rin naungkat ang tungkol sa Tatay ko dahil alam kong kung gusto niya akong makita ay gagawa siya ng paraan para makita ako, ang anak niya.
Simula nang ipanganak ako ni Mama ay hindi naging maganda ang trato niya sa 'kin. Madalas ay sinasaktan niya ko kaya napilitan si Lola na kuhanin ako kay Mama pero nang tumuntong ako ng highschool ay pumanaw siya. Kahit hindi gusto ni Mama ay pinatira niya ako sa kanyang bahay at pinakain. Hindi ko man maramdaman na may ina ako pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi niya 'ko pinabayaan.
She may not love me as her daughter but she cares for me. I loved her but there's a part of me that couldn't look at her with so much love and care like what other daughters do to their Mom. Masyado nang malalim ang sakit at patuloy na lumalalim habang patagal nang patagal.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge (COMPLETED)
General FictionI once felt worthless, unseen-until I met the man who wrapped me in love and gave me a place to call home. Styx Syruis, my first best friend, my first love, my first everything. For a while, we were happy. But soon, I realized I was never truly his...