Chapter 38 : Sweet Goodbyes

164 4 0
                                    

"Where are you going?" Nanigas ako sa kinatatayuan nang biglang may nagsalita sa likod ko. I was about to get into the car that would take me to the airport.
 
Dahan-dahan kong nilingon siya at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. They are tears forming at the corner of his eyes at namumula rin ang mukha niya.
 
"Iiwan mo na naman ba ako?" Nabasag ang boses niya. Tumulo rin ang mga luha niya at mahinang humikbi. Sumikip ang dibdib ko at lumapit sa kanya para sana punasan ang luha sa pisngi niya ngunit tinaboy niya lang ang kamay ko at bahagyang umatras.
 
"You promised me that you would never leave me, pero heto ka, nagplano na naman na umalis nang hindi sinasabi sa akin. Tell me, Xhia. Do you really love me?" Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. I need to stay away from them. Hindi ako makatulog knowing na lahat sila nasaktan ko, kailangan ko munang matutunan na patawarin ang sarili bago bumalik at ibuhos ang pagmamahal sa kanila.
 
I stepped closer to him and slowly held his cheek. Napapikit siya nang maramdaman ang kamay ko sa pisngi niya. "Pwede ka naman lumayo sa 'kin pero 'wag naman ganito na hindi ko na naman alam kung saan ka hahanapin," tila nakikiusap na saad niya. Pareho kaming umiiyak at tila ba walang pakialam sa kung sino man ang makakakita.
 
"I-I can distance myself from you, hindi na ako bibisita sa inyo ni Zenith. H'wag lang ganito, Xhia . . . ayaw ko nang hindi ka na naman makita. Mangangapa na naman ako sa lahat kasi hindi ko alam kung saan ka hahanapin."
 
Bumuhos muli ang mga luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. Hearing him tell me how much he would suffer after learning that I'm leaving, I want to cancel my plans and stay with him.
 
"Mahal na mahal kita, Styx. I love you so much that I'm willing to forget everything bad that happened between us and start my life with you, but 'yung puso ko kasi . . . ang hindi handa. S-Siguro maghiwalay muna tayo ngayon? Pangako, babalik naman ako kapag okay na." Binaon ko ang mukha sa dibdiya at patuloy na tumangis. Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya tanda ng pag-iyak niya.
 
We're both hurting. Alam kong maaring pagbalik ko ay wala na siya, maari siyang makahanap ng iba na mas hindi komplikado mahalin.
 
"P-Paano ang mga anak natin?"
 
Lumayo ako sa kanya nag-angat ng tingin para makita ang luhaan niyang mata. His lips were quivering, and I could sense that he was about to burst again. "N-Nakausap ko na si Zenith, alam niyang magbabakasyon lang ako. K-Kung o-okay lang sa 'yo gusto niya na ikaw muna ang mag-alaga sa kan—"
 
"Kahit hindi mo sabihin sa akin siya maiiwan," malamig ang boses na saad niya. Napaiyak ako nang makita kung gaano na kadilim ang mata niya ngayon. "I wanted to just kidnap you and lock you up in my house so you wouldn't escape from me; I'm not that selfish," bulong niya.
 
"Just take care of yourself and our baby; you know how much I wanted to take care of you while you were carrying our baby, but it seemed like you had already decided to leave me," dagdag niya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit umatras siya palayo sa akin at puno ng hinanakit ang mata na tinitigan ako. I bit my lower lip and cried. I held my chest when it tightened.
 
"A-Ayaw kong gawin 'to pero para rin naman sa atin 'to, hmm?"
 
"A-Ang daya mo naman," mahinang bulong niya at ngumiti ng mapait. "H'wag mo naman ipamukha sa 'kin na mas kaya mong mabuhay nang wala ako."
 
"Styx hindi gano' n . . ." Tuluyan na akong napahagulhol sa kinatatayuan. Nahihirapan na akong huminga, pero pinilit kong magsalita. "M-Mahal na mahal kita."
 
"Hindi mo naman ako iiwan kung mahal mo 'ko talaga,' di ba?"
 
"We both have traumas; hindi naman pwede na umasa lang tayo sa isa't isa para mag-heal."
 
"At ang paraan ng 'tanginang healing na 'yan ay lumayo na naman sa 'kin?" putol niya sa sasabihin ko at napahikbi.
 
"I fucking love you so much, Xhia. I could sacrifice everything I have just to make you stay . . . please don't leave me, love. a-ayaw k-kong umalis ka. Pakiusap, magbabago na a-ako, hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa 'yo huwag ka lang umalis. Mahal na mahal kita, Xhia." Tinulak ko siya at lumuhod din sa harapan niya. I hugged his body and cried on his chest.
 
"Please, h'wag ka nang lumayo."
 
"Mahal na mahal kita, I'm sorry, Styx," mahinang usal ko at hinalikan siya. He held my hand and deepened the kiss. I gripped his shirt tighter and opened my mouth to give him access as he explored my mouth. Pareho kaming naghabol ng hininga nang tumigil.
 
"I love you so much." Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at binuksan ang kotse na kanina pa naghihintay sa akin. I heard Styx calling my name desperately. I covered my mouth with my hand to stifle my sob.
 
"Kuya, alis na po tayo." Nakasarado ang bintana at naka-lock. Styx kept tapping the window until we left the place. Sumilip ako sa likod at mas napahagulhol nang makitang nakaluhod siyang umiiyak.
 
"Xhia!" sigaw niya na nakarating sa tenga ko. I cried harder and hugged myself. Kahit nanghihina ay pinilit kong umayos ng upo at pinigilan ang sarili na tignan siya ulit.
 
 
 
 
 
 
"You told me last time na hindi na bumabalik ang mga nightmares mo at madalas ay nakakatulog ka na ng maayos sa gabi?" tanong ni Doctora Ash habang nakangiti sa akin.
 
I slowly nodded my head, kinurot ko ang sariling daliri dahil sa sobrang kaba. Dalawang buwan na akong nagpapabalik-balik sa clinic ni Doctora para sa therapy dahil nang umalis ako ay mas napadalas ang mga masamang panaginip ko. Kinailangan ko rin na uminom ulit ng sleeping pills ngunit matapos ang ilang linggo na therapyb ay umayos naman ang lagay ko. Paminsan-minsan ko rin na palihim na binibisita ang anak ko at si Styx at masaya ako na na-e-enjoy nila ang isa't isa kahit wala ako.
 
"You don't need to go here for weekly therapy, Ms. Xedler. I would have suggested that you visit me at least twice every two months, para ma-monitor nating ang kalagayan mo."
 
Kahit nang makalabas ng clinic ay nakangiti ako habang hawak ang may kalakihan ko nang tiyan. I was already 7 months pregnant. Tanging mag-isa lang ako ngayon dito sa Laguna nakatira at binubuhos ang oras para magamot ang sarili at kalimutan ang lahat.
 
Matapos mamili ng pagkain para sa isang linggo ay sumakay ako ng cab pauwi. Mabait naman ang driver dahil tinulungan niya akong ilagay sa bakuran ng bahay ko ang mga pinamili ko. I thanked him and gave him a tip. Pinasok ko na ang lahat ng pinamili at maayos sinalansan sa kusina.
 
I am now living in a two-story house with a few things and furniture. Hanggang ngayon nangangapa pa ako dahil hindi ko nakikita ang anak ko. I wanted to give them time to bond with each other. Mas matagal kong nakasama si Zenith, mas mabuti na bigyan ko muna sila ng oras pansamantala . .  .  bago ako bumalik.
 
Noong isang buwan lang ay nag-celebrate si Styx ng kanyang birthday. I was there for their celebration, and he was clueless about it. Nag-iwan din ako ng regalo para sa kanya ngunit hindi ko na pinaalam na sa akin galing 'yon. I am happy somehow; even though we're apart, we're healing.
 
Nang umabot ng walong buwan ang pinagbubuntis ko ay mas lalo akong naging maselan. Madalas akong umiiyak tuwing gabi tuwing naalala ko ang anak ko at si Styx. Every night I wanted to go to them and tell them that I needed them, but I chose to become like this: Pili kong mamuhay ng pansamantala habang mag-isa.
 
Hindi ko na rin alam kung anong buhay ang maabutan ko kapag bumalik ako. Duex and Silver are surely mad at me for leaving them without notice.
 
Kaaalukuyan akong nagwawalis sa bakuran nang may tumawag sa akin sa labas. It was Aling Nene; she lived just in front of my house, and she was a housewife.
 
"Magandang umaga, Zyxhiaxy!" bati nito sa akin, napansin kong may hawak pa siyang plato ng pagkain. Pinagbuksan ko siya ng gate at pinatuloy sa loob ng bahay. For two months, she was good to me. W-in-elcome niya ako rito sa baranggay nila ng buong-buo.
 
"Kumusta? Hindi naman ba sumasakit ang mga paa mo kakatayo? Malapit ka nang manganak . . ." Kinuha ko sa kamay niya ang pancit at inamoy 'yon. "Ang bango nito, sinong may birthday?" I asked.
 
"Ay, naku. Ang anak ko may top sa school, kaya naisipan kong mag-pancit."
 
Ngumiti ako sa kanya at inalalayan naman niya ako umupo nang makarating kami sa kusina. "Congratulations po! Matatalino po kasi ang mga anak mo mana sa 'yo."
 
"Naku! H'wag mo akong bolahin, libre 'yang pancit!"
 
I giggled. "Thank you, po talaga, mukhang masarap."
 
Siya na ang bisita ngunit ako pa ang pinagsilbihan niya. She got another plate for me and a glass. She poured water into it and prepared the pancit for me.
 
"Kumain ka ng marami, ubusin mo 'yan, ah?"
 
"Opo." 
 
Matapos ubusin ay siya rin ang naghugas ng plato. Alam kong ginagawa niya lang ito dahil nag-aalala siya sa akin.
 
"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, ah?" nakangiting bilin niya.
 
"Opo, maraming salamat po sa pancit. Nabusog kami ni baby."
 
Buong araw ay nasa bakuran lang ako at inalagaan ang mga halaman na tinanim at binili ko para sa bahay na ito. May mga dumadaan na kabaranggay ko at pare-pareho nila akong binabate. Matapos mag-ayos ay pumasok na ako sa bahay ngunit natigilan ako nang maramdaman kong humilab ang tiyan ko.
 
Napaawang ang labi ko sa sakit. Sinubukan kong haplusin ang malaki kong tiyan sa pag-aakalang makakabawas sa sakit, but I screamed when it became painful.
 
"Ahhhh!" sigaw ko sa sakit at halos matumba na. I automatically held the door and screamed more. Narinig ko na sumigaw din si Aling Nene, mayamaya ay narinig ko ang nagkakagulong tao sa labas ng bahay ko.
 
"Si Zyxhiaxy, manganganak na!"
 
"Akala ko ba may isang buwan pa?"
 
"Tulungan niyo!" 
 
Nanlalabo ang mata ko at naramdaman na lang na lumutang sa kinatatayuan. I continued caressing my belly while crying.
 
Baby, pakiusap 'wag mo masyadong pahirapan si Mommy. 
 
Naiyak ako nang maramdaman na mas sumakit ang ibabang parte ko. Mas lalong lumakas ang ingay ng mga kapitbahay. Hindi ko na rin alam kung sino ang bumubuhat sa akin sa sobrang sakit.
 
Naramdaman ko na lang na may matigas na bagay sa likod ko at ang pag-andar ng sasakyan.
 
"Ahhh!" 
 
"Shh, kapit lang. Malapit lang ang hospital dito," narinig kong hulong ni Aling Nene ngunit hindi maproseso ng utak ko.
 
Buong oras sa sasakyan ay umiiyak lang ako sa sakit. Pilit akong pinapakalma ni Aling Nene ngunit hindi ko maiwasang halos magwala sa sakit. Hindi ko 'to nasaransan noon kay Zenith kaya wala akong kaalam-alam na ganito pala kasakit.
 
When we arrived at the hospital, my eyes were tightly closed as I floated in the air while someone carried me in bridal style. I just found myself screaming while pushing my baby out.
 
"Congratulations, Ms. Xedler. You just gave birth to a baby girl."
 
Matapos marinig ang sinabi ng doctor ay tuluyan na ako nawalan ng malay habang pinapakinggan din ang iyak ng aking anak. After all these years, I would be able to smile while letting oblivion carry me. My chest heaved a sigh, and a sob slowly escaped my lips.
 
Nakarinig ako nang mahinang kaluskos at mahinang bulungan. I slowly opened my eyes and weakly raised my hand. Nabungaran ko ang mata ng lalaking matagal ko nang gustong makita. I admit that I was a coward at that time because I chose to run away from him, hoping that I could heal, pero madalas ko pa rin siyang iniisip.
 
I saw his black orb gaze at me with shock. "X-Xhia . . ."
 
"Nasaan ang baby ko?" nanghihina kong tanong. He sighed and held my hand. Naramdaman kong nanginginig 'yon. Nasa loob ako ng isang kwarto sa ospital. It was a big room, and I already got the hint that Styx must have admitted me here.
 
"She's safe, love. You're so tough; I admire you." Hinalikan niya ang noo ko. My eyes instantly watered upon hearing him say it.
 
"T-Talaga?" Pumiyok ako.
 
He nodded and kissed my cheek. "I'm so proud of you. Thank you for bringing our princess into this world."
 
Sinabi sa akin ni Styx na under monitoring pa raw ang anak ko dahil kulang siya ng ilang linggo. Styx assured me that she's safe and being taken care of.
 
"May gusto ka bang kainin?" malambing na tanong niya. I noticed he was wearing formal attire, so I creased my forehead. "Paano mo pala nalaman na manganganak na ako?"
 
Tumayo siya at kumuha ng isang apple. Nagsimula siyang hatiin 'yon habang naghihitay ang ng sagot niya. "I still have my ways, Xhia."
 
"So, all along, alam mo kung nasaan ako?" Tanong ko, umaasang magsasabi siya ng totoo. Natigilan siya at napatingin sa akin.
 
"Do you want me to answer that question honestly, or is it a favour to you?" mahinang tanong niya.
 
I gulped. "Answer me honestly, Styx."
 
Tinapos niya munang hiwain ang apple at nilagay sa isang plato bago ipatong sa side table malapit sa akin. He sat on the bed near me and held my hands again. He planted a kiss there, and I almost cried when I remembered the last time we met. He begged me not to leave, but I chose myself and went away.
 
"Yes, nakabantay lang kami sa 'yo simula noong una."
 
"Kami?" Nagsalubong ang kilay ko.
 
He smiled at me. "Kami ng anak mo," bulong niya at hinalikan ang pisngi ko. I felt my face burn in embarrassment nang magtangka siyang halikan ang labi ko. "Hindi ako nag-toothbrush, Styx."
 
I heard his soft chuckles na para bang hindi ko siya nasaktan noon. 
 
"Wala naman sa akin 'yon, Xhia."
 
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at bahagyang tinulak ang dibdib niya. I subtly gasped when I felt his stoned chest. Parang mas nagkaroon nang muscle.
 
"N-Nasaan pala si Zenith?" tanong ko na lang at pinaglaruan ang dulo ng swelas ko. Styx cleared his throat and began playing with the tip of my hair. Nakasandal pa rin ako sa kama dahil sa panghihina.
 
"Pasunod na, kasama niya ang kanyang mga uncles."
 
Tumango ako. "Styx, " I called him.
 
He was not looking at me but still listening. "Are you mad at me for leaving?"
 
Matagal siyang natahimik bago nag-angat ng tingin sa akin. I saw a hint of sadness pass through his eyes. He cleared his throat and avoided my gaze, but I saw tears forming at the corner of his eyes. "I was," pag-amin niya.
 
"But after knowing that you attended t-therapy because you couldn't sleep without drinking sleeping pills and waking up because of nightmares, I understand you."
 
"Everyone around us triggers you, kaya k-kinailangan mong lumayo at magpagaling."
 
"I did that so once I came back, I could love you whole," bulong ko at namasa ang mata. Naramdaman ko ang braso niya sa balikat ko, at hinatak ako papalapit sa kanya. Kahit nanghihina ay pinilit kong ilapat ang kamay sa tiyan niya para yakapin din siya.
 
"It wasn't easy for me to act like normal around you while I'm suffering inside. N-Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa inyo hindi niyo ko paniwalaan," nanginginig ang labi na saad ko. "Takot na takot ako sa putok ng baril, Styx . . . kasi naalala ko lahat ng nangyari bago ako nawala sa inyo sa tuwing makakarinig ako no'n." And I chose to overcome my fear by fighting for you and our kids. I almost killed Antonio that time.
 
"Pero mas nakakatakot pala kapag kayo ang nawala." Humiwalay ako sa kanya at umiiyak na tinitigan siya. "Mas masakit pala 'yung umiiyak ka dahil sa akin at magmamakaawang mag-stay ako pero hindi ko maibigay. I'm so sorry, Styx. I didn't stay, I didn't fight for you; I was a coward."
 
Niyakap niya ako ulit. Naramdaman ko ang pagpatak niya ng halik sa sentido ko, kaya mas lalo akong umiiyak. How could he still make me feel his love for me without uttering it?
 
"I understand you. It was painful seeing you leave me, but alam mo kung anong nagpa-realise sa akin na tama lang ang ginawa mo?" He tucked some strands of my hair and smiled at me while tears were still streaming down his cheeks. "It is seeing you slowly building yourself again and healing from the trauma. I talked to your doctor, and she told me that you're improving. Aling Nene also told me that you were trying to open yourself again to others despite having a hard time trusting someone again."
 
"You're not alone in this battle, kasama mo ako at ang babies natin. Kung kailangan mo pa ng space para—"
 
"A-Ayaw ko na u-umalis, mas kailangan ko kayo, Styx," umiiyak na saad ko at binaon ang mukha sa dibdib niya.
 
"I'm so proud of what you have become; I'm so proud that you were able to overcome everything that you've been through. Nandito lang ako palagi sa tabi mo, Xhia. I will wait for you until you heal yourself and become ready again."
 
I pushed him a little, and with my trembling hands, I slowly reached for his cheeks. I cupped his face and kissed his lips. He immediately responded to my kiss and held my nape to deepen our bond. I could feel his other hand slowly caressing my arms. I gripped his shirt and kissed him more. I bit his lower lip, causing him to open his mouth. I heard him grumble when I invaded his mouth with my tongue.
 
"The last time I told you once I came back I wouldn't longer leave and set you free. Wether you like it or not, it was all part of my plan to make you mine again," hinihingal na saad ko at hinalakin muli ang labi niya.
 
"I know, hindi na rin ako papayag na makakatakbo ka mula sa akin. You're mine, Ms. Xedler. You're officially mine at sa oras na subukan mo ulit na tumakas, ikakadena na kita sa kama natin. Naiintindihan mo?"
 
I chuckled at his remark and buried my face in his chest. I missed him so much. "I understand, Daddy."
 
 
 

The Sweet Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now