Warning : R18+
Tahimik akong nag-drive papunta sa bahay ni Styx. Tatlong araw na simula nang hindi siya nagpakita sa 'kin, may pagkakataong pumasok siya ng opisina pero hindi ko rin naabutan. Hindi ko alam kung iniiwasan niya 'ko o pinagtataguan. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko kaya nag-aalala na ako na baka may nangyari.
Nag-doorbell ako ngunit walang sumagot. Ang malaking bahay niya ay tila ba abandonado dahil walang nakabukas na ilaw kahit isa. Pinindot ko ulit 'yon at hindi ako nabigo nang makita ko ang lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Lumabas siya ng pintuan nila nang nakasuot lang ng t-shirt at boxer.
"Xhia?"
Hindi ko alam kung bakit pero mabilis na nangilid ang luha ko nang makita ko kung gaano kalaki ang nagbago sa kanya. Pansin ko ang itim sa ilalim ng mata niya at ang pagbagsak ng timbang ng kanyang katawan.
Kasalanan ko 'to, dahil sa 'kin marami siyang pinoproblema. Akala ko magiging masaya ako kapag nakita ko siyang miserable pero hindi pala dahil mas lamang na ang sakit ngayon.
"Kumusta?" tanong ko nang paupuin niya 'ko sa sofa.
Alanganin siyang ngumiti sa 'kin at tumabi. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan lang siyang ipulupot ang braso sa bewang ko at ilagay ang mukha sa 'king leeg.
Hinaplos ko ang buhok niya at dinig ko kung gaano kabigat ang buntong hininga na pinakawalan niya.
"A-Are you okay, Styx? May problema ba?"
He shook his head and gripped my waist tightly. "I miss you."
Namuo ang luha sa mata ko. "I miss you, too."
Inalis niya ang mukha sa leeg ko at hinarap ako. Namumungay ang mata niya at maliit na napangiti sa 'kin.
"Ilang araw lang tayong hindi nagkita pakiramdam ko ang dami nang nagbago sa 'yo," bulong ko.
"Like what?"
"I know you didn't do that," biglang saad ko.
Ngumiti siya sa 'kin ng mapait at saka hinalikan ang noo ko. "Of course. Why would I steal money from the company."
Hinalikan niyang muli ang noo ko pababa sa ilong bago huminto sa 'king labi.
Ilang beses akong napalunok nang makita ang pagdilim ng mata niya. Naging madiin din ang hawak niya sa bewang ko dahilan para uminit ang paligid.
"S-Styx . . ." bulong ko nang ilapit niya ang labi sa tenga ko at kumagat sa puno ng aking tenga.
"I miss you," he whispered.
I held his arm and tried to push him but he immediately rest my back on the sofa and settled himself on my top. Malakas na kabog ang dibdib ko nang nilapit niya lalo sa 'kin ang mukha.
Magsisinungaling ako kung hindi ako natutuwa sa nangyayari. Alam kong kahit na anong tawag ko sa pangalan niya ay hindi mapagkakailang wala rin akong lakas para tumutol.
Dahan-dahan niyang iniangat ang palad sa pisngi ko at humaplos doon. Magkatagpo ang mata namin at parehas na nagbabaga. Nagsimulang tumulo ang butil ng pawis sa pisngi niya.
"W-What are you doing?" I whispered when he kissed the side of my lips.
He smirked. "What do you think?"
"I-I . . ."
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita nang siniil niya ang labi ko nang isang malalim na halik. I groaned between his kisses like a wounded animal because of its intensity. I could taste my own blood but he didn't budge.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge (COMPLETED)
Narrativa generaleI once felt worthless, unseen-until I met the man who wrapped me in love and gave me a place to call home. Styx Syruis, my first best friend, my first love, my first everything. For a while, we were happy. But soon, I realized I was never truly his...