As expected, nagulat si Tita Isabel nang sabihin ko sa kanyang isasama ko sa pag-uwi sa Pilipinas si Zenith. Noong una ay hindi niya 'ko pinayagan dahil baka raw kuhanin ng ama ni Zenith ang anak ko pero nang sinabi kong titira kami sa bahay ni Duex ay napapayag din namin siya.
Ngayon ang araw ng alis namin at kanina pa iyak nang iyak si Tita Isabel dahil mami-miss niya raw ang anak ko.
My son was also crying while kissing Tita Isabel's cheeks. Matagal din silang magkasamang dalawa kaya hindi ko masisisi ang anak ko kung gano'n kahirap para sa kanya na mahiwalay kay Tita.
Tinanong ko rin naman si Zenith kung gusto niyang sumama pauwi at walang alinlangan siyang pumayag. I couldn't afford leaving him here again. Kahit na sabihin kong nasa mabuting kamay si Zenith ay iba pa rin kung kasama ko siya.
"Are you ready, baby?" I asked as I arranged his seatbelt.
He nodded innocently. "But I'm a bit nervous because we're going to ride a plane."
I smiled at him. "Yes, but Mommy and Tito Duex are here so don't be nervous because we'll keep you safe, okay?"
Buong biyahe ay natulog lang si Zenith. Paminsan-minsan ay nagigising siya para umihi pero nakakatulog din naman.
"Mommy, it's so hot," reklamo ni Zenith nang makalabas kami ng airport. Humalakhak si Duex at saka binuhat si Zenith. "Sosyal talaga 'tong anak mo, sanayin mo kaya sa kulambo."
Pasimple kong kinurot si Duex at nginitian ang anak ko. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo niya at saka pinatakan ng halik. "Ganito talaga sa Pilipinas, anak. "
Habang papunta sa bahay ni Duex ay nakatulog lang ulit sa biyahe si Zenith. Binuhat na lang siya ni Duex para ihiga sa kama at saka kami bumaba para mag-usap. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil nasa iisang bansa na sila ngayon ng ama niya. Natatakot ako na baka makuha siya sa 'kin pero at the same time ay may saya sa puso ko dahil hindi na 'ko matutulog nang hindi siya katabi.
Styx doesn't have any clue about our child. Hindi niya rin naman deserve na malaman 'yon at wala akong balak na ipaalam sa kanya.
Dalawang taon si Zenith nang magtanong siya tungkol sa kanyang ama. He didn't asked me directly about where his Dad is but I'm sure kapag lumaki na siya ay mas lalo niyang hahanapin ang kanyang ama.
"So, anong plano? I can lend you my bodyguards. Hindi ko rin hahayaang makita ng gagong 'yon ang anak niya kaya 'wag kang mag-alala, hindi niya makukuha sa 'tin si Zenith."
"Pa'no ka nakakasiguro?"
"Para ko na ring anak si Zen, at bilang ama niya hindi ko hahayaang masaktan siya at ang kanyang ina."
Mahimbing ang tulog ko nang magising ako sa mahinang kaluskos. Pupungas-pungas pa ang mata ko at halos manigas sa kinahihigaan nang maramdamang wala sa tabi ko ang anak ko.
Bumangon ako at agad kinuha ang baril na nakatabi sa side table. Malakas ang karambola ng dibdib ko at nangingilid ang luha dahil sa pag-aalala. Muling nasundan ang kaluskos at hindi ko alam kung saan papaling.
Kanina lang bago makatulog ay bukas ang ilaw sa kwarto pero ngayon ay walang nakabukas kahit isang ilaw. Binuksan ko ang pinto ng kwarto para lumabas. Mabagal ang aking paglakad at puno ng pag-iingat. Nag sumilip ako sa baba ay nakita kong may ilaw na nanggagaling sa kusina. I slowly walked downstairs as I tried not to make any noise.
"Oh my gosh, Duex!" Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Duex sa dilim. Kasama niya si Zenith at may nakalagay pang kutsara sa bibig. Nakasuot ang anak ko ng kulay asul na pantulog at inosenteng nakatingin sa gulat kong mukha.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge (COMPLETED)
General FictionI once felt worthless, unseen-until I met the man who wrapped me in love and gave me a place to call home. Styx Syruis, my first best friend, my first love, my first everything. For a while, we were happy. But soon, I realized I was never truly his...