"Mommy, where's Daddy?" Natigil ang pagtutupi ko ng mga damit nang magsalita si Zenith, nakaupo siya sa dulo ng kama habang pinaglalaruan ang kanyang mga paa na nakataas sa kama.
"Hindi ko alam, anak." Ngumuso siya at umismid. Hindi ko naman talaga alam, pagkahatid sa 'min ni Styx sa bahay matapos ma-discharge sa hospital si Zenith ay nagpaalam muna siyang aalis. Wala namang kaso sa 'kin 'yon, wala akong paki kahit na hindi na siya bumalik.
"I want to see Daddy," he whispered like he didn't want me to hear it. I sighed and rolled the clothes. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang malulusog niyang pisngi. Ang maamo niyang mata ay tumitig sa 'kin. Malungkot 'yon na para bang nangungulila siya sa presensya ng kanyang ama.
"Galit ka ba kay Mommy, anak?" I asked softly. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya nang hindi siya sumagot pero agad napawi 'yon nang ngumiti siya sa 'kin.
He shook his head. "No, mommy."
Nakahinga ako ng maluwag. "Bakit? Hindi ka ba galit kay Mommy kasi hindi ko sa 'yo agad sinabi na Daddy mo siya?" tanong ko pa.
He smiled and pinched my cheeks. "Mommy, I know you have reasons po and Tito Duex said that you are hiding me from my real Dad because you just want to protect me from bad guys." Ngumuso siya.
"H-Hindi naman sa gano'n anak," mahinang saad ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba dahil sa salitang binibitawan niya.
"But, Mommy, 'di ba mas better kung nandito sa atin si Dad? He can protect us!"
I looked away and chewed my bottom lip to ease my nervousness. Paano ko sasabihin sa kaniya na mismong ang tatay niya ay ang tunay na delikado?
He can kill us in his own bare hand, walang pagkurap niya akong tinutukan ng baril noon kaya alam kong kaya niya uling gawin sa amin 'yon.
"Magpahinga ka muna. H'wag na maraming tanong, anak at baka mabinat ka niyan."
"But I want to see Daddy," he said slowly.
I sighed and kissed his forehead. "Babalik si Daddy mo kaya magpahinga ka na kasi hindi niya magugustuhan kung matigas ka na naman ng ulo," ani ko at hiniga siya sa kama. Wala naman siyang nagawa at pumikit na lang.
Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Inang, naabutan ko siyang nagluluto sa kusina kaya tinulungan ko na lang siya.
"Inang, si Len-Len po?" tanong ko dahil kanina lang ay nandito 'yon pero biglang nawala.
"Grabe ka na, sis, saglit lang akong nawala hinaanap mo na 'ko agad!" Tinaasan ko ng kilay si Len-Len nang bigla siyang pumasok ng kusina. Umupo siya sa lamesa at nakangising tumitig sa 'kin.
"Nasa'n na si Daddy?"
"Daddy?" kunot noong tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.
Itinaas-taas niya ang kanyang kilay at ngumisi. "Si Daddy Styx," aniya at humagikgik na para bang may kumikiliti.
Tinarayan ko siya at marahang hinalo na lang ang sabaw ng tinola, umupo na rin si Inang sa tabi niya at nakipagkwentuhan. Wala akong balak sagutin ang tanong niya dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan ang lalaki.
"Good afternoon po." Napalingon kaming lahat nang may magsalita. Hindi ko pa man nakikita ay alam ko na kung sino 'yon. Tinapunan ko lang siya ng tingin bago pinatay ang kalan at takpan ang kaldero.
"Good afternoon, hijo. Buti nandito ka na, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa 'min. Si Xhi-Xhi rin ang nagluto baka magustuhan mo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Inang at naglagay na lang ng mga plato sa lamesa. Nanatili namang nakatayo si Styx sa hamba ng pinto ng kusina, kahit na malayo kami sa isa't isa ay amoy ko ang kanyang pabango, mukhang kakaligo lang din dahil malakas din ang amoy ng kanyang body soap at shampoo.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge (COMPLETED)
General FictionI once felt worthless, unseen-until I met the man who wrapped me in love and gave me a place to call home. Styx Syruis, my first best friend, my first love, my first everything. For a while, we were happy. But soon, I realized I was never truly his...