Prologue

1.2K 5 0
                                    

Naisip mo na ba kung bakit mo naisipan na basahin ang istoryang ito? Na tila ba'y mayroong nagtulak sa iyo na puntahan ang web page na ito. Na tila ba'y mayroong nag-udyok sa iyo na basahin ang kwentong ito ng taong hindi mo naman personal na kilala. Maaaring dulot ito ng kabagutan mo sa buhay. O di kaya'y nais mong gawing distraksyon ang pagbabasa ng lovestory ng iba nang sa gayo'y maniwala ka pa din sa happy ending.

Kung anuman ang rason mo, naniniwala ako na mag-aagree ka kung sasabihin kong may tadhana. Hindi mismo iyong bagay na mahal ka nya at mahal mo sya at nakatadhana kayo para sa isa't isa. Subalit, ito iyong tila kakaibang pwersa na nagdadala sa mga paa mo para tunguhin ang isang bagay na kahit hindi mo pa lubusang alam ay gagawin mo. Isang nakakalitong bagay na nag-uudyok sa iyong lapitan ang isang taong hindi mo lubusang kilala. Ni hindi ka nga sigurado kung holdaper ba sya. Ni hindi ka nga sigurado kung aayawan sya ng mga kaibigan mo. Kung pagpupustahan lang pala ang habol nya sayo.

But the weird part is, lalapitan mo pa din sya. Soon enough, you'll begin to trust that person. Until the time that you'll let yourself believe that you are destined to meet that person. That for whatever decision you'll take, the road will always curve back to that path so the two of you can meet.

I will have to stop you at that. You have to be careful, my friend. I don't want to see you get hurt. For all you know, she is lying.

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon