PRAEVARICATUS 13

41 1 0
                                    

When trust came over reason.

Tinignan ni Denim ang babaeng nasa harap. Kanina pa ito ngumunguya ng fries at parang may hinahanap. Inilapag niya ang iniinom niyang soda. Nangangalahati na iyon pero wala pa ding sinasabi ang dalaga sa gagawin nila. He drummed his fingers on the table. Bored na naman agad siya.

Napasulyap naman si Sham sa lalaki. "Bored ka na naman."

Nanlaki naman ang mata ng kausap. "Kaya mo din?"

Umiling-iling ang dalaga na para bang natatawa pa. "Don't need to have powers to know." She reached across the table and touched his forehead. "Ang dami mo na wrinkles o. Hahahaha."

Na-conscious naman bigla si Denim. "Grabe ka. Wala naman e," tutol nito habang tinitignan ang sariling repleksyon sa kutsara.

Napaka-conceited talaga, isip ni Sham.

Ibinaba din nito ang kutsarang hawak. "E kasi kanina ka pa walang imik jan. 'Di ako sanay na di ka makulit." Nginitian nya ang dalaga saka kinindatan.

Tinulak-tulak ni Sham ang lalaki sa mukha. Baliw talaga. Napa-blush tuloy siya sa bigla. "Ewan ko sayo. Manahimik ka nga."

Pilit namang inaalis ni Denim ang kamay ni Sham. "Hahahaha. Sungit mo talaga, Mochi," sabi nito na tumatawa pa nang mapang-asar. "Ano na kasi gagawin natin?"

"Ssshh," pagpapatigil ni Sham sa kausap. Nakakunot pa ang noo ng dalaga na para bang nagcoconcentrate.

Sumunod na lamang si Denim. Ano ba kasing hinahanap ng babaeng 'to?

"Bingo!" Muntikan nang masamid si Denim sa gulat nang bigla na lamang sumigaw si Sham. Humarap ito sa kanya at saka siya sinenyasan na lumapit. "Nakikita mo ba 'yung babaeng 'yun? 'Yung kumakain ng pizza?"

Ipinaling naman ni Denim ang tingin sa itinuturo ng dalaga. "'Yun bang morena na may kulay ang buhok?"

"Exactly," sagot ni Sham na tumango-tango pa. "I like her story."

Napangiti naman si Denim. Okay, here we go. "You're saying ..."

Hindi na pinatapos pa ni Sham ang kausap at nginitian ito nang malaki. She's so excited. At last, makikita na din niya kung paano gumagana ang kakanyahan ni Denim. Ngayon pa lamang kasi ulit siya nakatagpo ng katulad niya.

Sinuklian naman din siya ng ngiti ng binata. Pagkatapos ay umayos ito ng upo at inilahad ang palad sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Sham. "Ano 'yan?"

Tinitigan siya ng lalaki nang seryoso. "Hold my hand. That's how it works."

"Pero ..."

Bumuntong hininga naman si Denim na wari ba'y naiinis. "Gusto mo ba talaga makita?"

Napa-tss na lamang si Sham. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong nabibitin siya sa kuryusidad niya. Kapag naging interesado siya sa isang bagay, hindi siya tumitigil hangga't hindi niya nalalaman ang lahat ng impormasyon tungkol dito. She's always craving for knowledge. However way she put it, curiosity is one of her weakness.

Inilapat niya ang kamay sa nakalahad na palad ni Denim at saka pumikit. Ilang minuto din silang ganoon. Nag-aantay kung may mangyayaring kakaiba. Nang hindi na makatiis ay iminulat na niya ang mata. Isang nakangiting Denim ang bumungad sa kaniya.

Nagulat naman sya at agad namula. Umikot tuloy siya para takpan ang mukha. Nakakahiya. Bakit kasi ang gwapo ng lalaking 'to? "Nginingiti-ngiti mo jan?" mataray niyang sita kay Denim.

"Ewan. Ang cute mo kasi pala talaga," sagot nito na medyo namumula pa.

Nagblush na naman si Sham. Nakakainis. Pinagtitripan na naman siya ng kaibigan. "Tss."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon