PRAEVARICATUS 3

216 2 0
                                    

A telescope enables the intensive focus on one thing, and ignorance of all the others.

"Sham!" sigaw ni Ginger sa tainga niya. Napabalikwas tuloy siya paharap sa kaibigan, only to realize that she was holding a cup of coffee. A hot cup of coffee.

"Damn!" she cussed as she sprinted to the sink to wet her now coffee-stained top. Dammit. Puti pa naman. She glared at Ginger. "Ba't kasi bigla-biglang nanggugulat eh."

Ginger just continued on chewing her  tuna sandwich, as if she hadn't said anything. Aba't!

Sa inis ay binato niya ito ng face towel na pinapamunas niya sa damit kanina. "The hell!" Ginger shrieked.

It was so hilarious, she can't stop herself from giggling. "Kainis ka kasi e," usal niya habang kinukuha ang towel sa kaibigan na noo'y nakakunot na ang noo sa kanya. "Hilig manggulat."

Inirapan lamang siya ng kausap. "Mas nakakainis ka," tugon naman ni Ginger at saka inabot ang naiwang tuna sandwich.

Ang sinabi ng kaibigan ang dahilan upang magsalubong ang kilay niya. "What did I do?"

Ginger mimicked her in pure annoyance. Somebody stop me. Baka makalimutan kong kaibigan ko 'to, her inner bitch poised for attack. Itinuro ni Ginger sa kanya ang tinidor na hawak. "You're spacing out because you're thinking about him again," akusa nito sa kanya.

"Wha-what?" Halos mapasigaw siya sa gulat sa tinuran ni Ginger. Nang mapansing medyo sobra sa normal ang reaksyon niya ay napainom siya ng kape. Err. Wrong move. Mas lalo lang s'yang kakabahan nito. "You're crazy," sambit na lamang niya at saka nagkunwaring tumitig sa hawak niya. Nakakamangha kaya ang pagkakaayos ng LBT sandwich n'ya.

"Right," tugon ni Ginger, with full sarcasm. "Kaya pala kung hindi kita sigawan sa tenga, 'di mo ko mapapansin." Tinusok nito ang huling slice ng bacon strip at parang nagmamaktol pang ngumuya.

If this was an ordinary conversation, she would've reconciled with her with "Aww. Nagtatampo ang bestfriend kong cute" alongside with a pinch on the cheeks. Again, if this was ordinary, which is unfortunately not.

"Eh ... kasi," She searched for words, but failed. Natatanga na naman s'ya. She blew up her cheeks in frustration. Damn Heave and all these confusion. "Mag-review na kaya tayo!" ani Sham at saka nagdudumaling nagligpit ng pinagkainan.

Ginger just rolled her eyes. "Next time, 'di na ko magpapauto ah," turan nito na ngingiti-ngiti. Alam na alam talaga nito kapag natataranta na s'ya. 'Di naman kasi n'ya mapigilan palobohin ang pisngi kapag natataranta e. Childish as damn, asar pa ng inner bitch n'ya. Goodness!

****************

"O, 'nak. Bakit 'di ka pa natutulog?" It was her mom standing at her doorway. Siguro'y napansin nitong maliwanag pa rin sa kwarto niya. Her mom motioned to the wall clock. "Anong oras na ah."

Nilingon niya ang ina. "Matutulog na rin po maya-maya," tugon niya at saka ngumiti. "Goodnight, Ma."

"Goodnight, 'nak," turan nito pagkatapos siyang hagkan sa noo. Nang lumabas sa kwarto niya ay nakita niyang naghikab ito. Pagod siguro sa trabaho. "'Wag na magpupuyat ha," pahabol pa nito.

Tumango siya rito. "Opo."

Matapos ihatid ang ina sa kwarto ay sumalampak siya sa kama. Inabot niya ang libro sa Kapnayan at sinimulan muling basahin ang kabanatang pinababasa ng guro.

The Law of Conservation of Energy (and Mass) states that energy can neither be created *"You can't deny. I could tell."* nor destroyed. It just undergo processes *"I could hear it in your heartbeat."* like energy transformations with heat as the end product for most *"And I like the sound of it."* processes concerning---

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon