PRAEVARICATUS 23

42 1 0
                                    

The other side.

Clink. Clank. Narinig kong tumunog 'yung wind chimes kaya napalingon agad ako sa pintuan ng Starbucks.

"It's been half an hour," reklamo ko sa kanya habang ipinapakita ang oras sa wrist watch ko. Eleven thirty.

He just rolled his eyes on me. "Sorry na. Natutulog kasi ako nung nagtext ka," he said sarcastically. Kunot-noo naman siyang tumingin sa akin. "And please, stop pouting."

I just stuck my tongue out. "Sungit." Hindi ko na napigilan at yumupyop na ako sa mesa. Man, I'm so freaking tired.

He let out an exasperated sigh. Pagkatapos ay inabot niya ang kapeng inorder ko para sa kanya. "Ano ba kasing nangyari sayo at nambubulabog ka ng gwapong nilalang na dapat sana ay natutulog na?" Nang hindi ako nagreact sa humor niya ay ginulo naman niya ang buhok ko. "Hey, are you alright?"

Pagod akong tumingala sa kanya at saka umiling.

Mukhang nag-alala naman siya sa sagot ko. "Did the two of you fight again?" tanong niya.

Humalumbaba na lamang ako. "Hindi," sagot ko sabay iling.

Napa-tss naman siya sa sagot ko. "Care to elaborate? Kung ganyan ka ng ganyan Sham, I swear I'm gonna leave and----"

"Hetoldmehewouldsomedaybemyboyfriend," I said without breathing. It was too intense that I could not muster to say it coherently. Hiningal naman ako sa ginawa ko. Whether it's because of talking so fast or because of the fast beating of my heart, I'm not sure.

"Ano ulit?"

"Chad naman e," reklamo ko. Ipapaulit pa, nakita nang nahihirapan 'yung tao. Bugbugin ko 'tong isang 'to e.

He gave up a laugh. "Joke lang, Ms. Leof. Naintindihan ko na. Gusto lang kitang asarin," saad niya at saka ako kinurot sa pisngi. Ouch naman.

Inis kong tinabing ang kamay niya. Ang sakit kaya! Ikinuwento ko pa sa kanya ang mga nangyari noong party. "So?" tanong ko pagkatapos ko magkwento. Hindi man lang kasi nagrereact sa sinabi ko e. Ganito ba 'to pag gabi? Nawawalan ng sense?

He looked at me, confused. "So ... what?"

I stomped my feet in frustration. "I'm asking you, what am I gonna do?" tanong ko na may pagmomostra pa ng kamay. Ang slow kasi ni Chad ngayon. Arggg.

He tilted his head sideways, like a child would do. "Ahm, just be you?" tanong-mungkahi niya.

I clasped my hands together and pretended to be talking to the sky. "Please po ibalik nyo na si Chad. Kailangan ko lang po ng kaibigang makakausap at magpapayo sa akin."

Tawa naman siya ng tawa sa ginawa ko. "Hahaha. Hindi, kasi, what do you want me to say?" Tanong niya, matter-of-a-fact.

Naihilamos ko na lamang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa inis. "Hay. Ewan ko sayo." Effort ko pa naman din na antayin sya tapos ang gulo naman kausap. Inis!

He chuckled as he reached for my hand massaging my temple. "Sham. Haha. Hey, listen." Inis naman akong tumingin sa kanya. Atleast, I'm obedient! "What I'm trying to say is, it's not a big deal." I tried to open my mouth to complain but he signaled that he's not yet done talking. "I mean, sure he told you he would be your boyfriend someday, but is he serious at that? Did it not cross your mind that he just said that because that guy hurt his ego?"

Napaisip naman ako doon. "Well ..." May possibility nga na sinabi lang nya 'yun kasi ayaw niyang mapahiya dun sa lalaki. Pero kasi ...

"Ikaw talaga," ani Chad at lumapit para guluhin na naman ang buhok ko. "You're stressing yourself over trivial things."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon