PRAEVARICATUS 12

41 1 0
                                    

When your heart tells you something your mind can't comprehend.

Blink. Blink. What is that irritating light just now?

I moved a little and felt the soft cushion against my back. Hmm. That was comforting, Denim thought. Only that, his temples are pounding. Instinctively, he reached for his temples. But he failed.

"Sham?" Denim blurted out, but immediately stopped himself. He found her at his bedside, weighing on his arm. Nakayupyop ito at mahimbing na natutulog. Siguro'y napagod ito sa pagbabantay sa kanya.

He looked at her face. Mapayapa ang mukha nito at bahagyang nakangiti. Animo'y wala itong pinagdaanang mabibigat na problema. Well, what do you expect from a Samantha Leof? Hindi basta basta nagpapatalo 'yan. Competitive 'yang babaeng 'yan e.

"Hmmm." himig ng dalaga sa pagtulog. Umisod pa ito at hinigit lalo ang kamay ni Denim para gawing unan.

Na-conscious naman bigla ang lalaki at tuluyan nang napa-blush. "Sham. Hey. Oy, Sham," panggigising ni Denim sa dalaga, kasabay ng marahang pagyugyog dito.

"Natutulog pa," pagrereklamo ni Sham at saka tinabig ang kamay ng binata. "Go away."

Bigla namang napatawa si Denim sa inakto ng dalaga. Bakit ba ang sungit ng babaeng 'to sa kanya? Pero siya naman ang palaging tinatakbuhan kapag may problema.

Napailing na lamang siya. Maingat siyang umayos paupo at inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap ng dalaga. Kumuha siya ng unan para dito. "You're becoming more and more interesting." Iyon lamang at naglakad na siya palabas.

*******************

Nagising si Sham sa sakit ng kanyang braso. Nangalay ito marahil sa pagtuon niya rito habang natutulog.

Ipinaling niya ang ulo pataas at tumingin sa paligid. Nasaan nga ba siya?

Tumayo siya at umupo sa kama. Mula sa kinauupuan ay nakita niya ang first aid box. This must be a clinic. Napatango-tango siya nang mapagtanto iyon. Oo nga pala. Dinala nga pala niya dito si Denim matapos itong mahimatay nang paluin niya sa ulo. Wait, --- what?!

Napabalikwas si Sham patayo. "Denim!" tawag niya kahit na siya lang naman ang nasa loob ng silid. Nasaan ba ang lalaking iyon? Baka kung mapano iyon. Kanina lamang ay nandito iyon at natutulog. Well, that's atleast before she fell asleep herself.

She suddenly felt guilty. Una, sinusungitan nya ang binata. Halos itaboy na nga niya. Nang magkabati naman sila, naubos naman ang pasensya niya rito at nahampas ito sa ulo. Pagkatapos ngayon, nakatulugan niya pa imbes na dapat ay binabantayan niya ito.

Kasi naman 'yung lalaking 'yun e. Sabihan ba naman daw siya na ... na ... halik-- Argghh. Nakakaloko ka talaga, Denim, isip ni Sham.

Pero, hindi rin niya maitatanggi na nag-alala siya nang mawalan ito ng malay. Ewan ba niya. Para siyang maiiyak isipin lamang na maaaring may masamang mangyari sa binata.

Saglit pa lang naman sila nagkakasama, pero bakit ganito na lamang siya mag-alala? Hindi na niya maintindihan ang sarili. Ah, basta. Ang mahalaga ngayon ay malaman niyang okay ito.

Hay. Denim, nasaan ka na ba?

"Ouch! Mag-inga---Sham? A-aray! Aray!" Panay ang ilag ni Denim kay Sham. Simula kasi ng makita siya nito ay pinaulanan na siya ng palo sa braso. "Aray, Samantha. Ano bang problema mo?"

Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo naman siyang pinagpapalo ng dalaga. "Anong problema? Ha?! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Nakatulog lang ako ng saglit, nawala ka na! Nakakainis ka! Nakakainis k--huk."

"Sa-samantha ... Are you ... ?" Sinubukang lapitan ni Denim ang dalaga na noo'y nakatungo na. "Samantha ..."

"Nakaka *huk nakakainis ka *sniff Nakatulog lang *sniff nakatulog lang ako ng saglit tapos *huk nawala ka na. Nakakainis ka *sniff Naiinis ako----"

"Ssshhh. It's okay. It's okay," pagpapatahan ni Denim sa dalaga habang yakap-yakap ito. "It will all be alright."

Parang natigilan naman si Sham sa biglaang pagyakap sa kanya ng binata. She felt the comforting warmth that radiates from his skin to hers. Parang ...

Nang hindi sumagot ang kausap ay hinaplos-haplos ni Denim ang buhok nito. "Hindi naman ako lumayo, Mochi. Bumili lang ako ng breakfast natin. I'm sorry."

Pinakawalan ni Denim ang dalaga mula sa kanyang mga bisig. Tinitigan niya ito sa mga mata. "I will never leave you again."

Napatingin naman si Sham sa mga mata ng binata. Animo'y hinihigop siya ng malamlam nitong mga mata. "Promise?"

"Promise," tugon ni Denim at saka ngumiti.

That was the most reassuring smile she'd ever seen in her life.

*******************

"Ba-bakit?" Naiilang si Sham nang mahuli niyang nakatingin sa kanya si Denim habang nakangiti. Nakabalik na sila sa kwarto sa clinic. Ipinagtatalop niya ang lalaki ng mansanas nang bigla niyang mapansing nakatingin ito.

Hindi mapigilan ni Denim ang mapangiti. Again. "Wala. Masaya lang ako. Ang sweet sweet kasi ng Mochi ko." Muli ay nginitian siya nito ng nakakaloko.

Namula naman agad si Sham sa sinabi ng binata. "Bahala ka nga jan. Ikaw magbalat ng mansanas mo!" Padabog na nilapag ni Sham ang mangkok ng mansanas sa bedside table. Kung bakit naman kasi sobra siyang mag-alala kanina. Nakakahiya tuloy. Napaka-conceited pa naman ng lalaking 'to, isip ni Sham. Mamaya, kung anong isipin n'yan. Nako.

"Hahahaha. Nagtampo ka na naman." Tumayo si Denim mula sa kama at inabot ang pisngi ni Sham. "Ang cute mo tuloy lalo." Saka pinisil-pisil ang pisngi ng dalaga.

Pinipilit naman ni Sham na kumawala. "Aaaray. Pisngi ko." Minasahe pa ni Sham ang mga pisngi at tumingin ng masama sa kausap. "Di na tayo bati. Psh."

Denim leaned back and smirked. "Sayang. Ipapakita ko na sana powers ko." Tinignan niya ang dalaga. Nanlaki ang mga nito.

Principle #5. Curiosity is a sweet little bait.

Tinitigan ni Sham ang binata. Ibinuka nito ang bibig na para bang may sasabihin pero itinikom niyang muli iyon. Sa halip ay bumuntong hininga ito at ipinagpatuloy ang pagtatalop ng mansanas.

Natawa naman si Denim sa inakto ng kausap. "Hahaha. What, hindi ka ba naniniwala?"

Tinignan lamang siya ng saglit ng dalaga at saka nagbalik muli sa ginagawa. "You're just bluffing." Inilahad niya ang mangkok sa lalaki. "Kumain ka na nga lang."

Ang laking tao, ang kulit naman, puna niya sa binata.

Sumunod naman si Denim at kumuha ng mansanas mula sa iniaalok sa kanya. "Mas makulit ka kaya sakin," usal ni Denim nang nakangisi.

Napatakip naman ng bibig si Sham sa gulat. "You ... did it again." Lumapit siya rito at manghang-mangha itong tinitigan. "You really did it again."

Denim snickered. Nakakatuwa namang magpasikat dito kay Sham, isip niya. Para kasing bata e. "Oh well," pagmamayabang pa niya na may aksyon pa ng kamay.

Hindi na lamang iyon pinansin ng babae. Sa halip ay lumapit siya rito at hinala ito patayo. "Dali."

Wala namang nagawa ang binata dahil sa napaka-persistent ng humihila sa kanya. Sumunod na lamang sya. "San tayo pupunta?"

Nilingon naman ni Sham ang nagtanong at saka nginitian. "You'll see."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon