PRAEVARICATUS 26

32 1 0
                                    

The patches of puzzles are jigged still.

Ipinagdaop ko ang aking mga palad, pilit na pinapakalma ang sarili, pilit na inuunawa ang nangyayari. Subalit sa ilang ulit kong pagsubok ay hindi ko mahagilap ang kasagutan sa aking tanong. Bakit?

Lima. Anim. Sampu. Sa bawat segundong lumilipas ay hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan. Ang ningning sa kaniyang mga mata. Ang pagdampi ng kanyang balat. Ang init ng kanyang yakap.

Ang ...

Ang surprise debut party. Ang pag-alay ko ng kanta. Ang pagluhod ko sa entablado. Ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang tanggapin ang katotohanang wala akong magagawa kundi ang panuorin ang likod niya habang tumatakbo siya . . . palayo sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago muling iminulat ang aking mga mata. Ilang kurap pa ang aking ginawa bago ako nakuntento, bago ko mapaniwala ang aking sarili na nandito nga siya. Sa loob ng aking bahay. Sa loob ng aking sala. Sa upuan sa aking harap.

"Ma-magsalita ka naman o," pakiusap niya, nakakunot ang noo at alalang-alala.

Napapikit akong muli. Ewan. Parang gusto kong maiyak. She felt so real, it makes me afraid that it was just my imagination tricking me. Ganoon ko na ba sya ka-miss para maghalusinasyon ako?

I could feel the muscles in my neck tire as I try to refrain from crying. Nanunuyo ang aking lalamunan at sa gayon ay para bang may pumipigil sa akin na magsalita. Ngunit, ano nga ba ang dapat kong sabihin?

"Uhm, napadalaw ka ata," panimula ko sa medyo garalgal na boses. I tried clearing up my throat to sound more casual. "Anong meron?"

A weak smile was her response. Ang ngiting iyon. Nakangiti nga siya ngunit ramdam ko na nasasaktan siya. For the nth time that night, I felt my heart break.

"Wala naman." She bit her lower lip, and bowed her head to focus on her entertwined hands. Parang ang lungkot-lungkot niya. Parang pakiramdam niya ay nag-iisa siya. I want to hold her so badly.

Napabuntong-hininga akong muli, pinipigilan ang sariling yakapin siya sa aking mga bisig.

Tumingin siya sa akin ng mataman. "Babe."

Kinailangan kong pigilan ang aking sarili na umiyak nang tawagin niya ako sa dati naming tawagan. Hindi sa naging kami, pero iba kasi 'yung malaman mong espesyal ka. Ikaw lang ang tinatawag niyang ganoon. Ikaw lang . . . kahit na kaibigan ka lamang.

"Hmm?" turan ko nang hindi niya dugtungan ang sinasabi. Nakatitig lamang siya sa akin, lips slightly parted, na parang may gustong sabihin na hindi naman niya masabi-sabi.

Nginitian niya akong muli. "I can't believe I missed you."

Sh*t, Samantha. Always the sadist.

Hindi ko napigilang matawa na lamang sa tinuran niya. "Wow," pabalang kong tugon.

Para naman siyang nabigla, (at sandali, nasasaktan ba siya?) sa aking winika. "Excuse me?"

Napasinghal ako habang nakangisi. "You're so good at joking now, Babe." Wala na akong pakialam sa iisipin niya. Yes, I'm bitter. Crap dammit. "Nakakatawa."

Lumitaw ang mga gitla sa kanyang noo nang dahil sa aking sinabi. She looked offended. "What's so funny?" tanong niya.

I shifted in my seat, trying to ease out the anger that is starting to explode. "Everything," sagot ko. "Nakakatawa kasi bigla ka na lang sumulpot ngayon dito."

"Sorry kung di ako nagpasabi kas-"

Umiling ako sa kanya. "Bigla ka na lang sumulpot na parang wala lang nangyari. Na parang normal lang ang lahat."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon