PRAEVARICATUS 5

190 2 0
                                    

The greedy pays more than the item's worth.

"Ano shinushulat mo?" mula sa kanan ay sumulpot ang isang batang lalaki, chocolate smudged on the corners of his mouth.

Iniwas naman ng batang babae ang maliit na kwaderno mula sa mapang-usyosong tingin ng nagtanong. "Nothing that concerns you," matatas sa Ingles na pagtataray nito.

Dahil sa narinig na tugon ay sumimangot ang nagtanong. "Ba't ba ang shunget-shunget mo shaken a?"

Nagkunot ng noo ang kausap na wari ba'y itinatanong ng batang lalaki kung lumilipad ba ang mga baka. "Whatever," sambit na lamang nito at saka dumila.

Inis na nagpapadyak ang tinukso. "Shamanta naman eh!" reklamo nito na hirap na hirap sa pagbigkas ng una at huling pantig ng pangalan ng nang-asar. "Shumbong kita sha mommy mo!"

Nakapamewang siyang hinarap ng batang babae. "Subukan mo!" hamon nito pabalik sa batang lalaki. Tila natakot naman ang huli at napaatras ng hakbang. "And please," ani ng nagtataray na may pagmomostra pa ng hintuturo. "My name is Samantha. Sa-man-tha," pagsisilabiko pa nito.

"Whatever," sagot ng kausap na ginaya pa ang himig ni Samantha kanina.

Annoyed, the little girl almost shrieked. "Tiebes!" Ibinaba nito ang tangan na kwaderno at akmang hahatawin ang batang lalaki nang bigla na lamang itong kumaripas ng takbo. At dahil si Samantha ay si Samantha, hindi ito nagpatalo't hinabol ang kinaiinisan.

Ngunit dahil nga si Samantha ang pinag-uusapan, likas ang pagiging sports noob ng bata kaya't ilang sandali lamang ay nadapa ito. Hindi na nakapagtataka pa.

Sniff. Sniff. Mariin ang pagpipigil ng batang babae sa nangingilid na luha. Damn, don't cry, pagalit nito sa sarili na nabigkas pa ang salitang naririnig nito sa mga internasyunal na serye na pinanunuod kapag nagagalit ang mga karakter doon. Don't freaking cry. Just because ...

"Waaahh," iyak na lamang bigla ng kalaro. Lumapit ito sa nadapa na parang awang-awa ito roon. "Nadapa ka, Shamanta."

The little girl grimaced when she heard her name being mispronounced again. "Tahimik nga!" saway nito sa batang lalaki." Gasgas lang o." Ipinakita pa nito ang tuhod na nagasgasan.

Pupungas-pungas naman na sumunod si Tiebes at tinignan ang sugat ng kalaro. "Ay, oo nga." Hahawakan sana nito ang sugat ngunit agad na tinabing ng batang babae ang kamay niyon. "Nag-aalala lang ako," usal niya.

"Th-thank you." Nahihiya man si Samantha ay gusto nitong suklian ng kabaitan ang concern ni Tiebes. "Bestfriend," sambit nito at saka nginitian ng tipid ang kausap. Magkaibigan ang mga ina ng dalawang bata at kapag mag-uusap ang mga iyon ay silang dalawa lamang ang maiiwang magkasama. Naaalala ni Samantha na palagi siyang kinukulit ng batang lalaki na maging magbestfriend na lamang din sila.

Napamulagat si Tiebes sa narinig. Totoo ba talaga? Hindi ba 'to imagination? Gayunpaman ay napangiti na din ito. "Shamanta ..." The little boy is so overwhelmed, he could only utter the name of the little girl, whom he would now call his bestfriend.

Samantha grunted. "Samantha nga kasi," reklamo nito sa bestfr---Err. Ang weird talaga pakinggan, komento ng batang Sham sa isip.

"Shhhamanta." Hirap na hirap sa pagbigkas si Tiebes sa pangalan ng bestfriend. Bestfriend. Lihim itong napangiti. Ang sarap talaga pakinggan, hindi niya maiwasang ikomento.

Samantha rolled her eyes in annoyance. Sandali pa lamang ay mistulang pinagsisisihan na nito ang bestfriend spiel kanina. The little girl leaned back, as if in surrender. "Sham na nga lang."

Tiebes grinned at Samantha's suggestion. Finally! the little boy rejoiced thoughtfully. "Thanksh, beshfrien," wika nito ngunit agad napakunot ng noo sa reaksyon ng kaibigan. "Baket?" tanong niya.

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon