PRAEVARICATUS 20

44 1 0
                                    

Even when most of the petals have fallen, it is still called a flower. Ruined flower.

"Bakit *hik bakiiit tatlo ka naaaaa ? Hahahahahaha *hik Hahahaha" Tss. Sobrang wasted naman ng isang 'to. Usapan, iinom lang para makalimot sa problema. Sukat ba namang magpakalunod ang kumag. Kung bakit pa kasi siya nagprisintang bumili ng alak. Tss.

"Ay p*tangina!" inis na inis na sigaw ni Curt sa pagkabigla sa humaharurot na kotse, dahilan para mabasa silang dalawa ng tubig mula sa kalsada.

Napakunot ang noo ni Heave. Hindi niya malaman kung saan ba siya maaasar. Sa balasubas na bibig nitong lasing na akay-akay niya o sa walang modong driver na hindi marunong tumingin kung may tao pa sa sidewalk.

Gigil namang umakma ang kasama niya na sundan ang kotse. "G*gooong 'yuuun! *hik Ginaganun laaaang *hik Ginaganun lang tayo, pareee! *hik Alam mo, alam mo, 'wag kang pumayaaag *hik 'wag na 'wag kang pumayag na ganunin lang nila tayooooo! 'Di ba nila alam kung sino tayoooo? Tayooo ang mga hmgnsdfgr-" Tinakpan na niya ang bibig ng kaibigan. Tss. Ang daldal.

"Ano ba. pareeee! 'Wag mo *hik 'wag mo ngaaa ako *hik pigilaaan!" reklamo ni Curt sa kaniya nang maalis na nito ang takip sa bibig. "This is a free *hik countrryyy! *hik May karapataaan akooo *hik may karapatang magsalitaaa. *hik Umibiiig. Hahahahaha. *hik Haha. Ang kesoo ko *hik Ikaw kasi, hindi kaaaa marunong nun e. Hahahaha."

Bigla na lamang siyang napatigil sa paglalakad. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Hindi dahil sa sinabi ni Curt. Oo nga't naiinis siya sa sinabi nito. Pero mamaya na lamang sila magtutuos.

Ang dahilan talaga ng paghinto niya ang nakalagpas na sasakyan. Ang nagmamaneho ...

"Sa-Samantha ?" At ... bakit kasama niya ang lalaking iyon? Bakit kasama niya si Denim?

********************

Doink. Doink.

Ano ba 'yan. Kanina pa 'yang pumipindot sa pisngi ko a. Nakita nang natutulog 'yung tao e. Pag ako nainis!

"Huli ka!" Hinablot ko ang kamay nung kung sinuman 'yung umiistorbo sa pagtulog ko kanina, dahilan para madausdos siya papunta sa kama. Kung saan ako nakahiga. At ang posisyon namin ...

Nakatingin lamang sa akin ang mga mata niyang nanlalaki sa gulat. Miski ako ay nagulat din. Muntikan na siyang sumubsob sa akin. Buti na lang at nasalo ko siya. 'Yun nga lang, napayakap ako sa kanya.

Walang nagsasalita sa amin. Hindi pa din ako makapagreact. Konting galaw lang kasi, baka mahalikan ko siya. Ang hirap din naman kasi pigilin! Ang lapit-lapit nya tapos ang pula pa ng labi. Ano ba, Samantha! Sadista ka talaga! "A-ahm so---"

"Goodmorning, Shammy! Rise and---Ohmygoshwalaakongnakitangmayginagawakayongmasamapromise!"

Napatayo ako bigla mula sa posisyon namin. Sa pag-iwas ko ay muntikan ko pang maitulak si Sham. Buti na lang at nakakapit siya sa bedside table.

"Gi-Ginger, ma-mali ang iniisip mo," pagpapaliwanag ko. Sh*t. Bakit ba ako nauutal? Para tuloy akong guilty nito. Tumingin ako kay Sham para sana suportahan niya ang sinabi ko, pero nakatungo lang siya. Namumula pa rin siya.

Nakatakip ang matang lumapit sa amin si Ginger. "Wala nga sinabi akong nakita!"

Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng aking pantalon. Tss. Nakakahiya talaga. "Ma-mabuti naman."

Sa sinabi kong iyon ay pinukulan niya ako ng masamang tingin. Pagkatapos ay lumapit siya kay Sham. "Shammy, nakapagluto ka na ba?"

Para namang nabalik sa reyalidad si Sham. "Ha? A-ah, oo. Teka, maghahain na ako." At saka nagdudumaling pumunta sa kusina.

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon