PRAEVARICATUS 7

131 1 0
                                    

The taste of the water varies with the kind of substance it is mixed with.

"So, dito lang pala kita mahahanap, Miss Memo Pad," pagbati ng lalaki sa babaeng nasa harap niya. Nakatungo ito at abala sa pagbabasa ng makapal na libro. Nang mapagtanto na siya ang kausap ay tumingin ito sa kanya.

"A-ikaw?" Familiarity sparked in the eyes of Sham. Nakita na nga niya ang lalaking iyon. Although, she can't remember his name.

"Ako nga," Nakangiting turan ng lalaki at saka ngumiti pa ng nakakaloko. "I'm flattered you remembered."

Hindi napigilan ni Sham ang matawa. "The truth is I can't remember your name. Sorry."

Natawa na din ang lalaki. "Ouch," tugon nito at umakto pa na nasasaktan ang puso. Pagkatapos ay ngumiti ito at iniabot ang kamay. "The name is Denim. Denim Callant."

Inabot naman ng dalaga ang kamay ng kausap at ngumiti. "Now I remember. Pero ang hindi ko matandaan ay yung Miss Memo Pad," Sham said and stifled a laugh. Napaka-ridiculous kasi ng nickname na 'yun. Nakakatawa talaga ang lalaking 'to, isip niya.

Natawa naman si Denim sa tinuran ng kausap. Sa isip-isip niya'y napakamalilimutin naman ng babaeng ito. "That's just because of that piece of memo." Napangisi ang lalaki nang muling maalala kung paano niya hinabol-habol ang lumipad na papel. Tumingin siya sa dalaga at nakitang pati ito ay natatawa na. "And then, I don't know your name. So."

Hindi maalis sa mukha ni Sham ang ngiti. Talaga naman kasing nakakaaliw kausap ang binata. "That is totally a cute story. But my name sounds a lot better than Miss Memo Pad," pang-aalaska pa niya sa lalaki. "Samantha Leof."

"That sounds like a really unique family name," wika ni Denim habang sinusundan ang dalaga na nagsimula nang maglakad muli. Naroon kasi sila sa Powerbooks at kahit ilang minuto pa lamang niya itong kilala ay masasabi niyang mahilig ito sa mga libro. Her eyes are twinkling with so much excitement. Such a splendor to watch.

"Yours isn't ordinary either," sagot naman ni Sham na parang bata pang dumila sa kausap.

Namula si Denim sa inasal ng babae. Simpleng akto lang iyon pero bakit nakaka-attract kapag siya na ang gumawa? Tumungo na lamang siya at napahawak sa batok. "I mean, hindi kasi tunog Pilipino. Are you an American?"

Umiling ang dalaga. "Not American. But, yeah, may lahi ako. Half-French." Isinauli ni Sham sa book shelf ang librong binabasa niya kanina. Pretty Little Liars. "Pero proud Cebuana din ako," tugon niya at ngumiti.

"I see." Napatango pa ang binata sa pagsang-ayon. "Ako naman, Half-Columbian. Pero sa Batangas na ako lumaki. Minsan may punto na nga ako magsalita eh. Hahaha."

"Try mo nga dali. Dali," pag-uudyok niya sa binata at saka ay tinapik-tapik pa ito sa braso.

Natawa naman si Denim sa sobrang excitement ng dalaga. Para talaga itong bata. Gayunpaman ay umayos na siya. He cleared his throat and then, "Ala eh!"

Sabay nagtawanan ang dalawa. Napatingin na nga sa kanila ang ibang namimili. Pero patuloy pa rin sila sa pagtawa.

"Ang high pitch mo pala. Hahahaha," komento nya sa lalaki at pabiro itong hinampas.

"Hahaha. Grabe. Nakakahiya na 'ko," turan nito at umakto pa na nagtatago sa mga tao. "'Wag mong ideny na kasama mo 'ko ah," natatawa pa nitong sabi.

"Bahala ka d'yan." Hindi maubusan ng pang-aasar si Sham. Parang timang lang silang dalawa roon na tawa ng tawa.

"Grabe. Haha. Ikaw na naman nga ang magkwento." Kinuha niya ang ilan sa mga librong hawak ng dalaga.

"Salamat," wika ni Sham, referring to the books. Naupo sila sa maliit na sofa sa likod ng mga book shelves. Inilaan talaga ang pwestong iyon para sa mga gustong magbasa sa loob ng store. Libre iyon at ipinagbabawal lamang ang pagkuha ng litrato o video sa loob. "Ano namang ikukwento ko?"

Napahawak sa baba ang lalaki at tila nag-iisip ng malalim. "I don't know. Simple stuff? Gaya nang kung bket Sham ang nickname mo imbes na Sam."

Hindi mapigilan ni Sham ang mapahagikgik. Napaka-ridiculous kasi ng mga tanong ng kausap. Halatang kabado pa rin ito. Siguro'y naiintimidate sa kanya. Can't blame him, she thought giddily.

"May problema ka ba sa mga nicknames?" pagbibiro niya sa lalaki sabay tawa ng mahina. Ayaw naman niyang makaistorbo sa mga taong nagbabasa roon. Kapag siya rin kasi ang nagbabasa ay naiinis siya sa mga nag-iingay.

"Hahaha. Sorry, obsession ko 'yan e. Joke!" Tawa din ng tawa si Denim sa babae. Napakagaan nitong kausap. Although, he can't help but feel intimidated by her aura. The look on her face. It is like … she knows everything.

"Loko ka talaga. Haha." Unti-unti ay nagiging kumportable si Sham sa binata. Hindi naman pala ito mayabang tulad ng inaasahan niya. "Sam naman talaga dapat ang palayaw ko. Eh kaso yung kalaro ko dati bulol. Kapag tinatawag n'ya ako, 'Sham, Sham'. Haha. Kaya 'yun. The name sticked."

"I didn't know that."

Nagitla si Sham sa narinig. That voice. It is too familiar to be mistaken. Hindi siya maaring magkamali.

Hinanap niya ang pinaggalingan ng boses. Sa paglilinga-linga niya ay napagtanto niya na wala na si Denim sa kanyang tabi. Walang kahit isang tao sa paligid.

Sham felt a sense of nostalgia. After having so many visions, she found out that she could talk to Heave this way. Only if he would answer. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Para bang mahina talaga siya sa ganitong mga uri ng bagay.

"Heave." Nanginginig ang boses ng dalaga sa pagsambit ng pangalan ng lalaking matagal na niyang iniibig. "Magpakita ka na sakin. Kailangan ko ng mga sagot."

Katahimikan. Paggalaw lamang ng mga dahon ang ingay na pumupuno sa nakakabinginging katahimikan ng lugar. Napahikbi ang dalaga. "Please," Sham said in almost a whisper.

Ilang minuto pa ang lumipas sa katahimikan na iyon. Nang walang ano-ano'y naramdaman niya ang pamilyar na init. "I can't."

Nagitla ang dalaga nang marinig muli ang boses na iyon. Puno man ng galit at kalungkutan ang kanyang puso ay hindi niya maitatanggi na nagalak siya na sinagot siya nito. Nag-uumapaw ang pananabik niya rito. Subalit, mistulang siya lamang ang nakakaramdam noon.

"I want to see you. I need to see you, Heave." There is a desperation in her voice. But she doesn't care. Lulunukin niya ang pride, makita lamang ang mahal.

"I'm sorry."

Tila gumuho ang mundo ni Sham sa narinig. Napakalapit na niya sa lalaking iniibig niya. Siguradong nandito lamang iyon sa paligid at pinagmamasdan siya. Bakit natitiis nitong makita siyang tumatangis? Wala na ba itong kahit katiting na pagmamahal para sa kanya? Ganoon na lamang bang kadali itapon ang lahat? Sham sighed angrily as she thought of another item in her rule book.

Principle #2. When hatred fills the heart, there is less room for even the slightest emotion - sympathy.

Huminga siya ng malalim. She doesn't want to be a prisoner of this stupid feeling. "I finally get it. You don't love me anymore. But don't worry. I don't love you, either. I hate you. No, I despise you."

Iyon lamang at bigla na siyang nakabalik.

"Sham. Okay ka lang ba ?" Nakakunot ang noo ng lalaking kausap. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

I just told the man I love that I don't love him. I even expressed my emotion greater than hatred. And he didn't even bothered to comfort me. He just watched me suffer. He didn't even answered me. Instead, he transported me back here. Who would be okay? Sham thought, annoyed.

However, Sham reminded herself how she have changed. She is perfect now. And she should not care about anybody else. So, I'd rather lie, she thought.

"Okay lang. Salamat," sagot niya kay Denim. She plastered a fake smile across her face. Pagkatapos noon ay kinuha niya ang isa sa mga libro sa sofa. "Halika na. Babayaran ko na 'to sa counter."

Tumalikod si Sham. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay naramdaman na lamang niya bigla ang kamay ng binata sa kanyang braso.

"Itigil mo na ang pagmamahal kay Heave."

Napabalikwas paharap si Sham. Who is this guy?

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon