PRAEVARICATUS 18

61 1 0
                                    

In vino veritas.

Mag-aalas siyete na ng gabi nang matapos siya sa kanyang mga gawain. Kinuha niya sa mesa ang nagkalat na mga papel at tinipon iyon. Maingat niyang nilagay ang mga ito sa isang black na clearbook. Aba, dapat lamang, isip niya. Nanakit ang mga kamay niya sa kakaguhit sa mga sketch na iyon. Halos buong araw din niyang pinaghirapang iguhit ang mga iyon. Teka, ito na ba ang tinatawag na workaholic?

Napailing na lamang siya. Sino nga ba ang niloko niya? Alam naman niya sa sarili niya ang dahilan kung bakit siya nagpapakalunod ngayon sa trabaho. He reached for his jean's pocket and fished for his cellphone. Pinindot niya ang power button at ilang segundo lamang ay bumungad sa kanya ang litrato ng isang babae. Nakangiti ito at halos manliit na ang mga mata sa lapad ng pagkakangiti. Mababanaag sa mukha nito ang labis na kasiyahan. Mistulang nahawa naman siya at napangiti na din.

"Creepy."

Sa pagkagulat sa nagsalita ay muntikan na niyang mahulog ang kanyang telepono. "Sh*t, pre. 'Wag kasi nanggugulat," reklamo niya sa kasama. Hindi naman siya pinansin nito at nagpatuloy lamang sa pagbubukas-sara ng mga drawer sa cubicle niya. Kada kasi isang empleyado sa kumpanyang iyon ay may isang cubicle as their working station, at miski silang mga part-time workers ay mayroon. Lumapit siya rito para tulungan dahil mukhang nabubugnot na ito. "Ano ba kasing hinahanap mo?"

"Basta," matipid nitong sagot. Napakamot na lamang tuloy siya sa ulo. Paano kaya siya makakatulong kung ayaw naman sabihin ng isang 'to kung anong hinahanap nila? Hayy. Hindi tuloy niya lubos maisip kung paano niya napagtiyagaang kasama ito. Panay one word answer e. Pakipaalala nga sa kanya kung paano niya naging kaibigan ang isang 'to.

Dahil mukhang wala namang balak sumagot ang kaibigan ay hinayaan na lamang niya iyong maghalungkat sa mga drawer niya. Panatag naman siyang walang mawawala doon e. Oo, hindi man sila madalas mag-usap ay malaki ang tiwala nila sa isa't-isa.

Sh*t, bakit parang ang bading ng sinabi niya? Erase. Erase. Ano baaa. Nakakakilabot lang!

Habang abala siya sa pagbura sa isipan niya ng mga nakakakilabot na eksena ay bigla namang hinablot ng kaibigan ang clearbook na hawak niya. "Ho-hoy! Sketches ko 'yan! 'Wag mo pakialaman. Hoy, Heave!" pilit niyang inaagaw ang clearbook mula sa pagkakahawak ng kaibigan. Hindi naman siya pinapansin nito at nakakunot lamang ang noo habang inililipat ang mga pahina ng clearbook niya.

"Ano nga ba kasing hinahanap mo?" tanong niyang muli rito. Anong oras na. Gusto na niyang umuwi at magpahinga. Pauwi na dapat siya kanina kung hindi lamang biglang dumating ang isang 'to at parang timang na naghalungkat ng drawers niya.

Teka, bakit nga ba kasi inaantay pa niya ito? Nababading na nga kaya talaga siya? Sh*t. Gusto niyang masuka. Sa gandang lalaki niyang iyon? Oo, alam niyang hindi siya kaputian pero aba, wala pang babae ang hindi nahumaling sa kanya.

Natigil siya sa pagmamalaki sa sarili nang padabog na ibinalik sa kanya ng kaibigan ang clearbook niya. "Bakit nasa'yo 'to?" may pag-aakusang tanong nito sa kanya.

Woooow. Three words 'yun a! Improving. Clap, clap. Ayy, leche! Bakit ba 'yun ang naiisip nya? Pinagbibintangan na nga siya dito e. Bakit ba mukhang galit na galit ang isang 'to?

"Teka chill, pre. Hindi ko alam kung paano napunta 'yan jan. Baka nasama lang sa gamit ko. O baka ikaw ang nakaiwan sa mesa ko tapos nung nagligpit ako, naisama ko. Ikaw naman kasi, nag-iiwan ka ng mga gamit sa cubicle ko e."

Totoo naman kasi. May sari-sarili naman silang cubicle pero napapadpad pa din ang mga gamit nito sa working station niya. Palagi tuloy makalat sa area nya. Minsan tuloy nagiging taga-ligpit siya nito. Pakalat-kalat kasi mga gamit.

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon