PRAEVARICATUS 17

42 1 0
                                    

Waiting is not the hard part, believing is.

They used to say that promises are meant to be broken. I thought that it was a stupid statement. I mean, logically, why would anyone make a promise that he/she can't keep? Hindi ba kung ganoon ang gagawin mo, parang nagbigay ka lang ng false hope? Pinaasa mo lang 'yung tao sa bagay na hindi naman pala talaga mangyayari. Parang gagawin mo lang silang ... tanga.

Kaya nga naisip ko, maling-mali 'yung statement na ýun e. Kasi, sinong matinong tao ang gagawa ng ganoong bagay? Sinong tao ang gustong magpaasa? Sinong tao ang gustong makapanakit ng iba? I know that we are not perfect. We have our flaws. Mayroon tayong mga rason sa paggawa ng bagay-bagay. Gayunpaman, walang sinuman ang naging masaya sa kalbaryo ng iba.

Hanggang sa panahon na ito, naniniwala pa din ako na totoo ngang may kabutihan sa bawat puso ng isang tao. We may have been lost from the right path, but there is still that undying flame of goodness in all of us. Naniniwala pa din ako. Naniniwala ako ... pero, parang hanggang doon na lamang.

Hindi ko alam kung kailan talaga nagsimula. Siya ang una kong pag-ibig. Ilang taon ang aming pinagsamahan. Ilang taon ng kasiyahan. Ilang taon ng pagmamahalan. Hanggang sa ... dumating ang araw na iyon. Nalaman ko na lamang na mayroon na siyang iba.

Parang sampal sa akin lahat ng pinaniniwalaan ko dati. Hindi pala tunay na mapanghahawakan ang isang pangako. Kasi ... mga salita lang iyon. Maaaring itanggi. Maaaring ipagsawalang bahala. Maaaring ibaon na lamang sa nakaraan.

Noong mga panahon na iyon, parang gusto ko nang sumuko. All those years, he's all that I've known. He's all that I have. He's all that I ever wanted. Naisip ko na lamang, paano na ako kung wala siya? I was so lost, then. I didn't know what to do. Until he came. The famous Curt Callant.

I could still remember the first time I saw him. Kidding! Hahahaha. Ang totoo kasi niyan, nalilink siya sa isa sa mga close friends ko. Kaya pawang kaibigan lamang talaga ang turing ko sa kanya. Noong una. Hanggang sa iniwan ako ng ex ko. He stayed by my side.

I have to admit, hindi lang siya ang nandoon sa tabi ko. There were my family. My friends. At saka isa pang ... matalik na kaibigan.

Okay, I know it's somehow a biased point of view but I appreciate Curt's effort the most. Noong una, concern na pangkaibigan lang. Hanggang unti-unti nang naging special ang trato niya sa akin. Then suddenly, we were an item. Hindi na naging 'si Freon at si Curt'. It had been 'si Freon at Curt'.

Hindi ko man masasabing fully healed na ako mula sa break up namin ng ex ko, I would still say that Curt fills my heart with happiness. I started to become vibrant again. My eyes started to have more color. My being filled with more energy. And I felt like I was alive ... again.

Araw-araw walang humpay na pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Palagi niya akong pinapangiti at inaasikaso. Sa mga panahon naman na hindi kami magkasama, hindi pa din siya nagkukulang sa pagpapakita ng concern.

He really made me happy, and I thought whatever we share would last. Subalit isang araw parang nagbago na lamang ang lahat. He suddenly became distant. Noong una ay sinubukan ko siyang intindihin. Priority niya ang pag-aaral kaya't nirespeto ko iyon. Hinayaan ko na dumadaan ang araw na hindi man lamang siya nagpaparamdam. Hanggang naging dalawang araw. Tatlo. Lima. Hanggang naging isang linggo na. And before I knew it, ilang buwan na kaming hindi nakakapag-usap.

Sa mga panahong iyon, naging sandalan ko ang isa sa aking matalik na kaibigan. Okay, aaminin ko na. Hindi lang siya basta kaibigan ko. Matagal na siyang nali-link sa akin. Ilang taon na din iyon. Ramdam ko naman ang kaibahan ng turing niya sa akin sa turing niya sa iba pa naming mga kaibigan, but I just don't want to assume things. Isa pa, isa talaga siya sa mga taong pinaka-close ko.

So somehow, I don't want to ruin our friendship by considering those confusing feelings. I just can't lose him. Lalo na ngayon na gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa amin ni Curt.

Then, one day, he confessed his feelings for me. Naguguluhan pa din ako noong mga panahong iyon kaya hindi ko siya masagot ng diretso. So, I told him to wait. Wait until I told him about my thoughts. And he did.

Matagal siyang nag-antay. Months. Hanggang sa naitanong ko na lamang sa sarili ko, 'Bakit ko nga ba siya pinag-aantay? Para saan? Hindi biro ang maghintay ng ilang buwan para lamang malaman niya ang mga iniisip ko.' Para bang sa ginagawa ko ay binibigyan ko siya ng pag-asa sa bagay na miski ako ay naguguluhan. And isn't it the thing that I hated the most? Those false hopes and promises? And so ... I let him go.

Ngayon, heto ako. Pinakawalan ang taong labis na nagpapahalaga sa akin habang hinihintay ang taong hindi ko alam kung darating pa. Napangiti ako ng mapait. Bakit ko nga ba nakalimutan? Sinabi niya sa akin na titigil na siya. Sinukuan na niya ako. Huminto na siya.

Pero ... ewan ko ba. Hindi ko pa din maiwasang umasa na magbabago pa ang nararamdaman niya. Oo nga't sinabi na niya sa akin na titigil na siya sa panunuyo sa akin. By then, dapat pigilan ko na din kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero parang may maliit na boses sa utak ko ang nagsasabi na huwag akong sumuko. Parang kahit gaano man kami kalayo ngayon, kahit gaano man kami katagal na hindi na nag-uusap, somehow parang nandoon pa din 'yung kakaibang connection.

Naalala ko tuloy bigla 'yung isang beses na nagkausap kami.

Malamig ang simoy ng hangin. Gabi na kasi noon. May kakaunti pa naming tao sa paligid. Maganda kasi magstay dito sa park kapag ganitong oras. Tanaw kasi ang ganda ng kalangitan.

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko at bigla na lamang akong napangiti. Nakakamangha kasi kung paano magreflect sa maalon niyang buhok ang kulay ng ilaw na nagmumula sa iilang poste rito. Makikita kung paano salit salit na nagkukurba ang ilang bahagi ng kanyang buhok. Para tuloy nagkaroon ng bagong anyo ang buhok niya. Nakakamangha talaga.

Ilang sandali pa ay mistulang napansin na niya ang aking pagtitig. Ngunit imbes na mailing ay binigyan lamang niya ako ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos noon ay ibinalik na naman niya ang paningin sa kalangitan.

"Kapag may dumaang shooting star, ano iwi-wish mo?"

Tinignan ko siyang muli bago sinundan ang tinatanaw niya sa langit. Walang gaanong bituin ngayon. "Sana maging mutual ulit 'yung feelings natin."

Naramdaman kong nalipat sa akin ang atensyon ni Curt, pero hindi ko na lamang pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa pagtingin sa malawak na kalangitan. "Bahala ka na mag-isip kung sino ang tutulad kanino," dagdag ko pa habang matipid na nakangiti.

Hindi ko gaano maaninag ang ekspresyon niya ngunit sa hindi malamang dahilan ay parang nababanaag ko sa mga mata niya ang sakit at kalungkutan. Ilang sandali din niya akong tinitigan bago tumawa ng malungkot. "Ang hirap naman nun."

Nakatungo siya at nakapikit nang mariin. Para bang may malalim siyang iniisip. Pagkatapos noon ay narinig ko na naman siyang bumuntong hininga. Tumingala siyang muli sa langit at saka ngumiti. But this time, it was full of hope. "Pero sabi niya, tutupadin nya daw ang wish mo."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon