PRAEVARICATUS 8

102 1 0
                                    

The problem with gravity is that you're most likely to fall.

"Paanong---?" Napasulyap siya sa lalaki at sa kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang braso.

Tinitigan niya ang kaharap sa mata. Kapagkuwa'y nagdudumali itong umiwas ng tingin sa kanya.

"I know what you can do," ani nito. "Don't even try to use it on me."

Sa tinuran ng lalaki ay napaatras si Sham. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya. This guy. How could he have known? "H-hindi ko alam ang sinasabi mo,'" pagtatanggi ng dalaga na nauutal pa. "At sino ka ba talaga?"

Napailing ang kausap. "Talk to me when you're ready to tell the truth, then I'll give you answers," turan nito at saka ay tumalikod. "And follow my advice. He's no good for you."

****************

Splash. Nagtatlong talon ang batong inihagis ni Sham bago ito tuluyang lumubog sa noo'y mapayapa nang dagat. Wala nang taong makikita sa dalampasigan dahil na rin sa kalaliman ng gabi.

Naisip niyang muli ang mga sinabi ni Denim kanina. Maaari ngang may mga pagkakamali si Heave ngunit hindi ito sapat upang sabihin na hindi siya nararapat para sa kanya. Higit na hindi tama ang sabihin nito na itigil na niya ang pagmamahal sa lalaki. If that is even possible.

Tumingala si Sham sa malawak na kadiliman ng langit. Walang mamamasdan na bituin sa gabing iyon. Tila ba'y dinadamayan siya ng gabi sa bigat ng nararamdaman.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya masisi ang mga ideyang pumapasok sa isipan ni Denim. Ganoon lamang ito magsalita dahil wala itong alam tungkol sa kanila. Hindi nito alam ang kanilang istorya.

"Heave!" Sham screamed at the top of her lungs, in the vast darkness of the night. "Hoy, naririnig mo ba 'ko?" Silence. A gust of wind blew and she shivered when she realized she was alone. All alone.

Inihilig ng dalaga ang ulo sa ibabaw ng yakap-yakap niyang mga tuhod. Kapagkuwa'y nalaglag sa kanyang bulsa ang pitaka. Agad naman niya itong pinulot at doo'y namasdan niya ang isang larawan.

"Speaking of the dev," usal ni Sham habang nakatingin sa hawak, at sa pagkakataong iyon ay namutawi sa labi ng dalaga ang isang ngiti--kung dulot ng saya o kalungkutan, walang nakaaalam.

Pagod siyang humiga sa basang buhanginan, hindi inaalis ang paningin sa mukha ng lalaking inosenteng nakangiti sa kanya. "Heave, kamusta ka na ba?" Buntong-hininga. "Alam mo, kahit bwisit ka, kahit ang hilig mo kong inisin, asarin, kahit ang galing mong manira ng araw," she tried to laugh as a tear rolled down her cheeks. "Dammit, namimiss na nga yata talaga kita. Naiiyak na 'ko oh."

Pinunasan niya ang pisngi. "Heave, bakit gano'n?" tanong ng dalaga sa walang kamuang-muang na larawan. "Bakit parang ang bilis mo naman yata akong nakalimutan?" Napabuntong-hininga siyang muli. "'Pag nag-iisa lang ako, katulad ngayon," Sham said as another tear rolled down. Napabangon siya paupo. "Ba yan, naiistorbo pagkukwento ko sa'yo." Inis niyang pinunasan ang pisngi.

"Sorry ha," turan ng dalaga nang mapigilan na ang pag-iyak. Kinuha niyang muli ang larawan at nginitian iyon. "Naaalala ko 'yang ngiting 'yan. 'Yang abot batok na ngiting 'yan. Nako," natatawang wika ni Sham na animo'y kaharap talaga niya ang binata. Tumingala siya na mistulang may inaalala. "Ganyan kasi 'yung ngiti mo nung sinayaw mo 'ko sa practice. Tapos nung araw na nakasalubong ka namin ni Tiebes, binara mo pa nga s'ya no'n eh. With poise pa. Hahaha."

Nagpagulong-gulong siya sa buhanginan nang maalala ang nangyari. "Tska, ganyan din 'yung ngiti mo nung kinukulit mo 'ko na ihahatid mo 'ko pauwi. At saka, 'yung nasa resto tayo, ganyang-ganyan 'yung ngiti mo nung nagtapat ka."

"Heave, bakit gano'n? Bakit ka pa nag-effort ng sobra para yayain akong kumain sa labas? Sa gano'ng ka-espesyal na lugar. Bakit mo pa sinabi sakin 'yung mga katagang 'yun? Bakit mo pa ako pinaasa? Bakit ... bakit hinayaan mo pa akong mahulog samantalang aalis ka naman pala?" Another tear rolled down her cheeks but this time, Sham didn't bother. "Bakit, Heave?"

Tlak. Tlak.

"What--" nagdudumaling tumayo si Sham dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Subalit malayo ang kinaroonan niya kaya't bago pa man siya makarating sa silong ay basang-basa na siya.

She laughed at her own predicament. "Damn naman talaga oh," sambit na lamang niya. Ipinandong niya ang kamay sa ulo at napagtantong hawak pa rin niya ang larawan ni Heave.

Tumikhim siya. Inilapag niya sa buhanginan ang litrato kasabay ng pag-alala niya sa nakasulat sa rule book niya.

Principle #3. The denial of a truth with a lie makes the lie appear as the truth.

"I don't need you anymore," pagdedeklara niya at saka naglakad na paalis.

****************

Beep. Beep.

Hinagilap ni Sham ang cellphone habang nakasubsob sa malaking Pooh bear niya. Para siyang magkakasakit dahil naulanan nga siya kanina. May exam pa naman sila sa Biyernes. Kailangan niyang magpahinga para hindi siya magkasakit. Sumubsob siyang muli at sinubukang matulog.

Beep. Beep.

Pagtunog muli ng cellphone ng dalaga. Pambihira. Sino ba kasi iyon na pangahas na nang-iistorbo sa pagtulog niya?

Sa huli ay nakita nya itong nakapatong sa may lamesa. Natakpan lang pala ito ng unan kanina. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang natanggap na text. Dalawang magkasunod na text iyon na parehong-pareho.

From: Unknown number
Hi. Kamusta na Sham?

Napakunot ng noo ang dalaga. Sino naman kaya ang mangungumusta sa kanya? Si Ginger ay nakabakasyon sa probinsya at nakarehistro naman ang numero nito sa telepono niya. Kung si Tiebes naman ay malabo dahil umalis ulit ito ng bansa. May numero siya ng lahat ng kaibigan niya pamula pa elementarya. Lahat. Maliban sa isa. Hindi kaya …

Nasapo na lamang ni Sham ang ulo. Imposible ang iniisip nya. Halos isa't kalahating taon na ang nakakalipas. Bakit naman siya kukumustahin ng taong iyon ngayon? Ngayon pa na sinusubukan na niyang pakawalan siya.

Gayunpama'y nadala pa din sya ng kuryusidad at nagsimula nang magtype.

To: Unknown number
Sino po sila?

Ilang sandali lamang ay sumagot na ang kausap. Tila ba'y inaantay talaga nito ang text n'ya.

From : Unknown number
Si Heave 'to. Pwede ba tayong mag-usap?

Sa gulat ay halos maibagsak ni Sham ang telepono. She looked shakily at the screen once again. Seryoso ba ito?

Dammit, Sham. Tawagan mo na lang para makasigurado, pangaral niya sa sarili. Inabot niyang muli ang telepono, which suddenly felt like it weighed a ton, and pressed the 'call the sender' button.

Nakalimang ring pero walang sumasagot. Umiling siya sa kawalan at sinubukan muli. Ilang ring din iyon pero wala talagang sumasagot. Sino ba kasi iyon? Si Heave nga kaya talaga? Bakit hindi s'ya nito sinasagot?

Damn this paranoia, Sham muttered as she dialled for the number again.
Nakatatlong ring muna bago, "I surrender! Hahahaha."

Napakunot-noo tuloy siya. "Buset kang walang'ya ka." Umirap siya sa kausap kahit na sa telepono lamang naman. "Leche."

More laughter from the other line. "Yeah, I missed you too." Sham could imagine the caller grinning. "Kaso, wala akong nabiling pasalubong."

Sa sinabi ng kausap ay napasinghap tuloy siya. "Wag mong sabihing---"

"Hi, Babe."

Parang bata niyang dinamba at pinagpapalo ang binata. "Ano ba, kakainis ka," reklamo niya kay Tiebes habang panay ilag naman ito sa mga palo niya. "Sabi ko sayo, gusto ko may airport moment tayo eh." Padabog siyang umupo sa balikbayan box nito. Ang dami sigurong laman, she mused.

Ginulo lamang nito ang buhok niya. "Ayoko nga, baka dalhin na kita pauwi."

Nilingon niya ang lalaki at nginitian ng nakakaloko. "A boyfriend has a right to."

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon