PRAEVARICATUS 1

609 2 0
                                    

A glass is only proven brittle once it is broken.

“Heto, sa'yo na,” pag-aabot ng lalaki ng isang pinunit na bahagi ng kwaderno sa babaeng kanina pa siya pinagmamasdan. Natatawa siya rito dahil sa hindi maitagong pagkamangha ng babae sa bagay na kanina pa niya ginagawa.

"A-akin?" pautal na tugon ng babae na tila ba'y nagulat pa sa nangyayari samantalang silang dalawa lamang naman ang magkatabi. Wala nang ibang pagbibigyan noon ang lalaking kausap niya.

Tinitigan niya ang lalaking nakapaling paharap sa kanya. Nakangiti ang mga labi nito at tila may aliw na naglalaro sa kulay-kape nitong mga mata. Kayumanggi ang balat nito at ‘di hamak naman na mas matangkad ito sa kanya.

"Oo, Sham. Ikaw lang naman ang katabi ko d’yan sa kaliwa, 'di ba?" sagot ng lalaki na halatang pinipigilan ang tawa. Nakabusangot na kasi ang kausap niya. Gustung-gusto niyang asarin palagi ang babae. Tila ba'y ‘di nakukumpleto ang araw niya kapag hindi niya ito nabubwisit. It had become some sort of a hobby that he can't take off his system.

"Heave naman e!" Pagrereklamo ng dalaga sabay pabirong hampas sa lalaki. Tatawa-tawa namang sinalo ng lalaki ang kamay niya. And as if on cue, her body jolted away.

Kunot-noo tuloy siyang tinignan ni Heave, malamang na nagtataka na sa kawirduhan niya. “Bakit?”

She waved her hands to dismiss the sudden awkward aura. “Wa-wala. May naalala lang ako bigla,” pagdadahilan niya. Lame, her conscience almost rolled her eyes on her. Napahinga siya ng malalim. Kailan nga ba siya masasanay sa kakaibang epekto ng lalaki sa kanya?

Samantala, mukhang wala namang balak si Heave na tantanan siya. “Share,” pag-uudyok nito, at mistulang interesado talaga sa isasagot niya. Umisod pa ito nang kaunti patungo sa kanya na animo’y isang malaking sikreto ang pag-uusapan nilang dalawa at walang sinuman ang dapat makaalam.

He was looking at her intently, that she had to swallow hard to get ahold of herself. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa lalim ng mga titig nito. Goodness, Heave! Your stares are not making this any easier. She wanted to practically yell at him, but thought against it. She’ll reserve it for another situation. “Ayaw,” tugon na lamang niya. Dumila siya sa kausap. Okay, that’s childish.

A grin spread across Heave’s face. “What else can I expect from Samantha Leof?” Pagkatapos ay inabot siya nito upang guluhin ang kulay-abo niyang buhok.

Napasinghap na naman siya nang maramdaman ang init ng kamay ng lalaki. Get a grip of yourself, Sham, she scolded herself.

Bakit nga ba ganoon? Sa tuwing tatanungin siya ng matalik na kaibigan na si Ginger ay wala rin siyang maisagot. Ewan ba niya sa sarili. Tuwing magkakadaop kasi ang kanilang mga kamay o miski maglapat lamang ang kanilang mga balat ay nararamdaman niya ang bagay na iyon.

It wasn’t the cliché feeling of electricity run through my body when we touched. No, it was something different. When they touch, she could feel the warmth that emanates from his skin to hers. Na para bang …

She shook her head to dismiss the thought. Inabot na lamang niya ang kapirasong papel na kanina pa iniaabot ng kausap. Then suddenly, she found herself smiling. Iilan lamang kasi sa paaralang iyon ang talagang nagbibigay ng importansya sa pag-iral niya. Which is why, she’s easily overwhelmed with this kind of instances.

I'd Rather Lie (Watty Awards 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon