Chapter 59

19 2 0
                                    

Chapter 59: Family lunch

Yuna's Point of View

"Few weeks later

Mag-isa akong naglalakad sa park habang dinadama ang malakas na hangin. Tanghali ngayon at wala masyadong tao kaya payapa akong nakakapaglakad mag-isa. Nang makaramdam ng pagod, umupo ako sa isang bench na walang nakaupo. Ang sarap mag-isa dito sa labas. Wala akong iniintinding misyon at mga problemang iniisip.

Humalukipkip ako at sinandal ang ulo sa sandalan ng bench saka pumikit. I was just enjoying my nice rest nang may tumawag bigla na bata sa harapan ko.

"Ate."

Naimulat ko ang mga mata at napatingin sa kanya na nakatayo ngayon sa harapan ko. Isa s'yang batang babae at parang nasa pitong taong gulang pababa lang ang edad.

"Oh, hi." Bati ko at umayos ng upo. "Bakit?"

"Para sa inyo po." Inabot nito ang isang maliit na kahon na mabilis kong ipinagtaka.

"Para sa akin?"

Bakit naman ako bibigyan ng batang ito ng kahon eh hindi ko naman s'ya kilala? Baka trip lang?

"Opo."

Kahit na nagtataka ay kinuha ko pa rin iyon. Hmm...I wonder what's inside.

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam. May isang lalaki lang po ang nag-abot niyan sa akin tapos ibigay ko daw po sa inyo."

Mas nagtaka naman ako sa sinabi niyang iyon. Don't tell me my secret admirer ako? Yuck ang corny.

"Ah ganon ba? Sige salamat."

"Sige po aalis na po ako." Tumalikod na siya at tumakbo paalis.

Tiningnan ko ang isang kulay pink na box na hawak ko. Magaan lang ito at halos parang walang laman sa loob.

"Ano naman kaya ito?" Naibulong ko sa sarili.

Pinatong ko ito sa lap ko at unang inalis ang dark pink na ribbon. Matapos makalag, hinanda ko na itong buksan sa pamamagitan nang pag-alis ng taklob. Pero nang kaunti palang ang kawang ng taklob, nagulat ako sa biglang lumabas na isang ipis mula sa loob. Dahil dito, napatili ako at tinulak nang malakas ang kahon. Ngunit sa ginawa ko, tuluyang naalis ang taklob ng kahon at tumambad sa akin ang laman nito.

"What the..."

I covered my mouth as I looked at the box that was now on the ground near my front and there were cockroaches coming out of it. As in sobrang daming ipis hindi ako makapaniwala. Paunti-unti silang lumalabas hanggang sa kakaunti na ang natira sa loob. Pagkatapos, nakita ko ang isang pirasong papel na parang may mahalagang nakasulat. Tumayo ako at lumapit doon. Hindi naman ako takot sa ipis. Nagulat lang talaga ako kanina kaya walang takot kong kinuha ang papel sa loob at binasa ang nakasulat.

"Your death will be coming soon."

Matapos itong mabasa, nanumbalik sa isipan ko ang text mula sa isang unknown number noon. Pareho lang sila nang sinabi kaya doon palang, halata nang sa kanya galing ang bagay at sulat na ito.

"Bullshit."

Binalik ko sa loob ang papel at kinuha ang kahon na may mga kaunting ipis pa rin. I approached a trash can and threw it there before walking to leave.

My death will be coming soon? Is she talking about herself?

She's the one who is about to die out of the two of us because I will kill her once I find out who she is. Siguro hindi n'ya pa ako lubusang kilala kaya malakas ang loob niyang pagbantaan ako. Let's see kung sino sa aming dalawa ang mauuna sa hukay.

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon