Chapter 69: Accident
Yuna's Point of View
"WHAT?!"
Napataas ang boses ko matapos nang sinabi ni X. Nandito kami ngayon sa isang opesina at pinag-uusapan ang gagawin mamaya sa party na gaganapin dito mismo sa hotel.
"How did you know about that?" Tanong ko pa.
"It doesn't matter. Ang mahalaga ay dapat magawa natin ng maayos ang plano."
Pabagsak akong umupo sa couch at hinilot ang sentido.
Nalaman ko lang naman na ang main plan ni Jack ay sirain ang lugar na ito. Hindi lang ito kundi maging ang mga lugar sa labas ng coast. Tamang-tama pala ang pagpunta namin dito dahil ito pala ang pinakatarget na lugar ng hayop na 'yon.
"Okay. Pero sigurado ka bang hindi ka makakasama?"
Tumango ito. "Yeah. May gagawin akong mahalagang bagay. Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang takbo ng plano. May tiwala ako sa 'yo."
I sighed. "Ikaw ang bahala. Ang party ay para sa celebration ng birthday ni Ash hindi ba?"
"Yup."
"I see."
Sa party celebration ni Ash, sigurado pa sa sigurado na pupunta ang dalawang bodyguard na ito. They are planning to ruin the party so I have to make them stop before they do.
"I gotta go." Tumayo na siya. "Good luck and be careful."
"Mmm. Same with you.".
I looked at the paper. Ang babaeng bodyguard ay may maliit na tattoo sa kanyang leeg. Araw ang itsura nito kaya madali ko s'yang makikilala mamaya. Once na mahuli ko ang babaeng ito, madali na sa akin lahat.
Ngumisi ako at tumayo. "I'll end this tonight."
I WORE my black mask before entering the party venue. Hindi alam ni Ash na aattend ako ngayon dahil sinabi kong may importante akong gagawin. Actually si Chloe lang ang nakakaalam ng gagawin ko and of course nasa party s'ya dahil partner n'ya ang birthday boy.
Nakita ko si Chloe na may ibang kausap. Hindi n'ya kasama si Ash siguro ay nasa kung saan lang. Lumapit ako at dumaan sa kanyang likuran pero tumigil muna ako saglit para bulungan s'ya.
"Stay away from the trouble."
Alam kong narinig niya ang sinabi ko kaya lumampas na ako nang tuluyan.
I took a glass of champagne from the walking waiter and went to the empty table. Ngayon nalang ulit ako gagawa ng misyon na hindi kasama si X.
Tumingin ako sa stage at pinanood ang isang babaeng kumakanta doon at iba pang mga tao na tumutugtog ng violin at piano. Maraming tao pero wala pa ang hinahanap ko.
Maya-maya pa, nakita kong pumasok si Ash. Kay Chloe ito agad dumiretso na hanggang ngayon ay may kinakausap pa rin. I wonder kung kailan ang dating nina Bianca. Wala pa rin dito sina Syme baka binalak nilang magsabay-sabay pumarito mamaya.
"Hi, Miss." Biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko.
Ngumiti ako at bumati pabalik. "Hi."
"Don't you have a date tonight?"
"Not interested." I said before sipping the champagne.
"Aww. Lahat ng babae dito may partner. Ikaw lang ang wala." Ewan kung nang-iinis ba s'ya o hindi.
"Then why are you here instead of being with your date?"
He laughed. "I will. Later."
Hindi ko na s'ya pinansin pa at tumingin nalang ulit sa stage pero napalingon din dahil sa tumikhim sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Tale of Coast (Season 2)
RomansaEverything is not yet over. Everything will go back to the way it was before but in a different pathway. This is the beginning of a new beginning. With unsolved case. REMINDER: Please read season 1 first before this.