Chapter 84

122 2 0
                                    

Chapter 84: Parents

Yuna's Point of View

"Illegally obtaining information is a crime, right?"

"Yep." Sagot ko kay Ash.

Nandito ako ngayon sa office ni Ash. Nanggugulo. Ang kasama ko dito ay of course ang may-ari. Si Ash. Tapos nandito rin ang girlfriend niya at boyfriend ko. Trip ko lang talaga na pumunta dito para manggulo hindi ko inaasahan na nandito pala si Auxcel.

Nakaupo ako sa swivel chair ni Ash. Feeling CEO kahit mahina ang utak sa business.

"Bakit espiya ang napili mong trabaho?" Tanong pa niya.

"Hmm..." Ginalaw-galaw ko ang swivel chair. "Hindi ko rin alam."

It's true. Hindi ko talaga alam. Basta iyon ang gusto ko kahit alam kong delikado at ilegal.

"Si Yuna ba naman? Puro kapahamakan ang gusto." Si Chloe na nakaupo sa pang-isahang couch.

"Ako pa." I winked and clicked my tongue.

"Nako Auxcel. Bantayan mo iyang girlfriend mo. Puro katarantaduhan ang alam niyan." Sabi pa nito kay Auxcel na nakasandal sa likod ng couch.

Natawa ako. "Sus. Hindi na kailangan dahil magaling naman ang girlfriend niya. 'Di ba babe?"

Nagtawanan itong mga kasama ko. Siya naman ay napailing habang bahagyang nakangisi.

"Ganda ng tandem nyo. Espiya at doctor. Kapag naging 50/50 ka, si Auxcel ang bahala na gawin kang 100."

"Ganyan talaga kapag destiny." Tumayo ako at lumapit kay Auxcel. After kong makalapit, niyakap ko siya. "Wala ka bang planong i-date ako?"

"I planned it already. Hinihintay ko lang ang free time mo."

"Ikaw lang naman ang wala masyadong free time sa ating dalawa."

"Someone's clingy." Pagpaparinig ni Chloe.

Tumingin ako sa kaniya. "Syempre. Miss ko s'ya eh. Pasalamat ka malimit kayong magkasama niyang si Ash."

Natawa ang boyfriend niya. "Good point."

Tiningala ko si Auxcel. "Tara na. Iwan na natin sila."

"Alright. Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para umalis.

Nilingon ko ang dalawa upang magpaalam. "Bye guys! See yah!"

"Bye! Have a nice date!"

Hawak-kamay kaming lumabas hanggang sa makarating kami sa nakaparada niyang kotse. Una niya akong pinapasok bago siya umikot at pumasok sa kabila. 

Excited akong humarap sa kanya. "Saan mo ako balak dalhin?"

"Secret."

I pouted. "Pa-secret-secret ka pa ah? Okay. Kahit saan mo ako dalhin, sasama ako."

Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan. "Nothing makes me happier than being with you."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. "Same with me."

Nilapit niya ang mukha sa akin. "Don't you dare find someone else. If you do, I'll kill him."

Natawa ako at pinisil ang kanyang pisngi. "Hindi ka lang gwapo. Cute ka rin. Alam mo, kahit hindi mo sabihin, hindi ako maghahanap ng iba. Bakit pa ako maghahanap kung meron na akong gwapong boyfriend na mahal na mahal ko? Walang ibang lalaki sa mundo ang mas lalamang pa sa 'yo sa puso ko dahil nag-iisa ka lang. Nag-iisa lang ang Auxcel James Elivans na kahit kamukha mo, hindi nag-eexist sa mundo kaya huwag ka nang mangamba at i-date mo na ako. Kanina pa kitang gustong makasama ng ikaw lang."

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon