Chapter 74: Elivans Family
Yuna's Point of View
Early in the morning, my sleep was distracted by the loud sound of my phone's ringtone. Kinapa ko iyon sa tabi ng unan ko at nakapikit na sinagot kasi inaantok pa ako.
"Hello?"
"[This is your brother. Didn't you check your phone screen before answering the call?]"
There he goes again. Palagi nalang umagang-umaga kung tumawag. Panira ng tulog.
Naghikab ako. "Ang aga mong tumawag eh. Inaantok pa ako. Bakit ba?"
"[Nalaman ko na nasa coast ka. Totoo ba?]"
"Oo. Sorry hindi ko nasabi sa 'yo."
Nakalimutan ko palang magpaalam muna kay kuya bago umalis saka hindi ko nasabi sa kanya ang rason ko kung bakit ako nandito. Hayai na. Busy din naman s'ya palagi.
"[It's okay. Wait for us. Papunta na kami ni Aira d'yan ngayon.]"
Mabilis na nawala ang antok ko sa narinig. "What? Bakit?"
"[I'm going to meet her family.]"
"Huh? Dito nakatira si ate Aira?"
"[Yes. Do you want to come with us to meet her family too?]"
Mabilis akong natuwa. "Of course. Gusto kong sumama."
Ang gandang bungad naman nito sa umaga. Na-excite ako agad kaya hindi na ako inaantok.
"[Okay. Go to sleep again, I'll hang up.]"
"Bye kuya. Ingat kayo."
Nang ibaba n'ya ang tawag, tuwang-tuwa akong bumangon sa kama. 8 AM palang naman maaga pa. Maingat kong inalis ang braso ni Jasmine na nakayakap sa akin. Gumalaw naman ito at doon humarap sa kaliwang bahagi. Dito ang pwesto ko sa pinakagilid ng kama sa kaliwa habang si Yvonne ay doon sa kabila. Ito namang dalawa ang nasa gitna. Malikot matulog si Chloe hindi s'ya pwede sa dulo dahil baka mahulog.
Sa baba ako kumain ng breakfast kasama si X. Nagpasama s'ya sa akin dahil gusto raw n'ya ng may kasabay kumain. Tulog pa kasi si Jasmine.
"Saan ka ba nananatili ngayon X? May bahay ka ba dito?" Tanong ko.
Simula noong pumunta kami dito, hindi ko pa rin alam kung saan s'ya namamalagi. Para naman kasing hindi dito sa hotel.
"May bahay ako dito. Sa tabi nina Ash."
"Eh?" Bigla akong napaisip.
Ang natatandaan ko ay sa iisang bahay lang nakatira sina Ash at Auxcel noon.
Ngayon kaya? Magkasama pa rin kaya sila?"Magkasama pa rin ba sa iisang bahay sina Ash at Auxcel?" Ayan tinanong ko na. Curious ako eh.
"Hmm...oo."
I gasped. "Wow. Ang astig. Ikaw? Bakit hindi ka nila kasama?"
"Ayoko. Gusto kong magsolo. Katabi lang naman ng bahay ko ang bahay nila."
Tumango-tango ako. Ang tagal na nilang nandito tapos housemates pa rin sila. Ayaw ba nilang maghiwalay?
"I see. Pero congrats nga pala ah? Congratulations sa inyo ni Jasmine."
Ngumiti siya. "Thanks. Ikaw ba? Kailan mo balak balikan si Auxcel--I mean kailan mo balak magkaron ng boyfriend?"
Sinubo ko ang bacon sa tinidor. "Wala. Bahala na. Basta huwag mong sasaktan ang kaibigan ko ah? Kahit makakita ka ng mas maganda, huwag mo s'yang ipagpapalit."
BINABASA MO ANG
Tale of Coast (Season 2)
RomansaEverything is not yet over. Everything will go back to the way it was before but in a different pathway. This is the beginning of a new beginning. With unsolved case. REMINDER: Please read season 1 first before this.