Chapter 97

67 2 0
                                    

Chapter 97: Pretending

Yuna's Point of View

Bumalik ako sa higaan at tumabi sa kanya na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Dahil nakaharap siya sa gawi ko, pinagmasdan ko ang kanyang mukha.

Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang nakita ko. Magpapanggap muna akong walang alam dahil wala naman talaga. Gusto ko munang makasiguro kung wala siyang ginagawang kakaiba pero kapag nalaman kong meron, I won't hesitate to confront him about it.

Kinabukasan habang nasa ospital si Auxcel, nagpunta ako sa lalaking alam kong hindi marunong magsinungaling tungkol sa kaibigan niya. Bandang tanghali, inakyat ko ang gate pero dahil nagpapagaling pa ako, hindi ko muna sinipa ang pinto.

Naghintay lang ako saglit ng maikling segundo bago bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Chloe na may hawak na mop. Nakamaid-style pa.

"Yuna! Ikaw pala." Masaya niyang bati at niyakap ako. "What brings you here? Naglilinis ako ng bahay ngayon."

"Kakausapin ko lang sana si Ash. Nandito ba siya?" Sumilip ako sa loob. Parang wala siyang kasama.

"Oo pero naliligo siya. Hintayin mo nalang patapos na 'yon."

Pumasok ako sa loob at umupo sa living room. Siya naman ay pinagpatuloy ang pagmo-mop ng sahig.

I crossed my arms and raised my eyebrows. "Kailan ka pa naging katulong?"

Tumigil siya saglit bago natawa nang kaunti. "Ako ang nagpresinta na maglinis ng bahay. Ayaw nga ni Ash pero gusto ko dahil wala akong ginagawa."

"Great." Pumalakpak ako. "Iba talaga ang epekto ng love. Dati-rati pagpapatas lang ng plato sa lamesa nakakabasag ka pa pero ngayon, pwede ka nang mag-asawa."

"Talaga ba? Pero Amor," tumigil ito sa ginagawa at tumabi sa akin. "Balak akong ipakilala ni Ash next month sa parents niya. Tingin mo tatanggapin nila ako para sa kanya?"

Kita ko ang pangamba sa kanyang mukha at nararamdaman ko rin iyon.

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. "Of course. Sino ba ang hindi tatanggap sa isang magandang babaeng tulad mo?" I lifted her chin slightly using my other hand. "Bahala sila. Mawawalan sila ng magandang manugang at mga apo kapag nag-inarte pa sila."

Kahit papaano ay nawala ang pangamba niya at natawa. "Thank you. You're boosting my confidence."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Pero wala pa bang lamang bata 'yan?" Nginuso ko ang tyan niya.

Inikot niya ang mga mata. "Hay nako. Mas excited ka pa sa amin ni Ash. Wala pa. Napag-usapan namin na saka kami gagawa ng baby kapag legal na kaming dalawa sa both parents namin."

Ay? Ganun? Sayang.

"I see. Nasaan ba ang parents niya?"

"Nasa Manila. Pero uunahin muna namin na i-meet ang parents ko." Bumuntong hininga siya at sumandal sa akin. "Kinakabahan ako."

"Don't be." I put my arms around her. "Tanggap man nila o hindi, ang mahalaga ay mahal nyo ang isa't isa at walang makakahadlang sa inyo kahit pamilya nyo pa. At nandito lang kami lalung-lalo na ako. Hindi kita pababayaan."

Kahit ako ay medyo kinakabahan. Kilala ko ang parents ni Ash. Sikat ang apelyido nila hindi lamang sa Pilipinas pero napag-alaman ko accidentally na medyo may iba silang ugali. Hindi ako sigurado pero sana naman tanggapin nila si Chloe dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Ash.

"Thank you talaga Amor. Buti nalang nandito ka para sa akin."

"Tss. It's nothing. Your happiness is more important." Pinisil ko ang pisngi niya.

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon