Chapter 101

33 2 0
                                    

Chapter 101: The Hideout

Third Person's PoV

"Because the villain doesn't know how to aim a gun." She said. Grinning like a devil.

Hindi siya mukhang si Mylze na kilala nila. Parang bigla siyang nag-iba pero sa kabila nito, masaya ang kanyang mga kaibigan dahil nakita siyang buhay.

Hindi nakaimik si Jack kaya siya ang muling nagsalita. "Isang araw, naging impostor ako sa lungga mo. Naglagay ako ng recorder para marinig ang mga pinaplano mo at isa na ang tungkol sa mapa. Alam ko na nalaman mo ang tungkol doon dahil nawalan ako ng access sa recorder na nilagay ko, means, nakita mo ang kalapastanganang ginawa ko." Tinaas niya ang dalawang kilay. "Tingin mo, sino ang nauto sa ating dalawa?"

Nawalan sila ng sasabihin lalo na si Yuna. Hindi niya pa rin siya maintindihan. Ano ba talaga ang planong ginawa niya?

"Binanggit mo kung saan mo ilalagay ang mapa na narinig ko kaya ang ginawa mo, nilagay mo ang peke sa likod ng painting. Alam mo rin na si Chloe ang pakukuhanin ko at wala kang pakialam kasi fake naman ang nandoon kaya mo siya hinayaang makatakas, tama? Ang kaso..." Humakbang siya ng isa pa para maging mas malapit sa kanya. "Talo ka. Pinuntahan ko ang opisina mo kanina at kinuha ang totoo bago ako bumalik at iyon ang nilagay sa painting. Ang peke, binalik ko sa dapat nitong lalagyan. Ngayon alam mo na." Ngumisi siyang muli. "The tricker got tricked by a tricker. Nakakahiya."

Naglaho nang mabilis ang kaba nina Yuna. Lumuwag ang kanilang paghinga dahil sa mga sinabi nito. Buti nalang. Buti nalang tama ang mapa na hawak nina Chloe.

"Hayop ka." Kita ang panginginig ng kamay ni Jack habang hawak ang baril. "Hayop ka!"

Mabilis niyang pinaputukan si Mylze pero nailag siya si Andrew. Si Yuna naman ay babaril na sana habang wala pa sa kanya ang atensyon ni Jack pero hindi na naman nangyari dahil sa isa pang pinto sa kabila, may mga tauhang sumulpot at pinagbabaril silang mga nasa loob. Fortunately, they are all okay.

"Boss!" Boses ng isang tauhan bago naghagis ng smoke grenade.

Sumabog ito at talaga namang wala silang makita. Naubo ang lahat sa usok. They also heard their feet running away but unable to chase them. Isang minuto siguro bago nawala nang tuluyan ang usok kaya nakita na nila ang isa't isa pero si Jack, wala na.

They heard a cough from Mylze. Tumulo sa sahig ang dugo mula sa kanyang bibig. Muntik na siyang matumba but thankfully, Andrew is there to catch her.

"Mylze!" Tumakbo si Yuna palapit sa kanila.

Nakita niya sa malapitan ang hirap ng sitwasyon nito. Ibig sabihin, kahit nakagalaw at nakatayo siya kanina, malala pa rin ang sitwasyon niya.

"Mylze." Andrew held her face. "Why did you do this?"

He seemed to want to cry while seeing her in such a serious condition. Even Yuna. Dahil sa kanya, maliligtas ang coast pero kapalit naman nito ay ang kanyang buhay.

"I'm sorry..." Tanging sabi niya habang may namumungay na mga mata.

"Andrew. Take her to the hospital." Lumapit sa kanila si Auxcel. "Tatawagan ko si Arth para sabihin na asikasuhin siya agad. He's a good doctor, trust him."

"P-Pero paano kayo?" Nahihirapang sabi ni Mylze at parang kaunti nalang ay bibigay na ang katawan.

"Shh..." Yuna stepped closer and caressed her hair. "Kami ang bahala. Pangako kapag nagising ka, maayos na ang lahat. Lumaban ka." Tumingin siya kay Andrew. "Sumunod kayo sa akin."

Binuhat niya si Mylze at nagsimula silang maglakad paalis pero biglang nagsalita si Auxcel.

"Susundan ko siya."

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon