Chapter 99

61 2 0
                                    

Chapter 99: Manipulate

Chloe's Point of View

Kanina pa akong naiinis dito. May dumukot sa akin at pagkagising ko, nandito na ako sa hindi ko alam kung saan. Kulay abo lang na pader, sahig at kisame ang nakikita ko. Nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan tapos alam ko na may nagbabantay sa akin sa labas ng pintuan.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki pero ang akala ko ay siya lang. Hindi pala. Dahil mula sa kanyang likuran, lumabas ang isang babae na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Mylze?"

I can't believe it. Hindi naman siya mukhang nakidnap. In fact, mukha silang magkakamping dalawa.

"What's the meaning of this?" Naguguluhan ko siyang tiningnan sunod ay ang hindi ko kilalang lalaki na kasama niya. "Sino ka?"

Lumapit sa akin ang lalaki at tumigil sa harapan ko. "Jack. At your service." Ngumiti pa siya na akala mo ay close kami.

"Fuck you. Bakit mo ako dinala dito ha? Hindi naman kita kilala." Pilit kong kinakawala ang sarili para sapakin siya.

"Alam ko. Pero gusto mo bang malaman kung bakit ka nandito? Iyon ay dahil," naglakad-lakad siya sa unahan ko. "Kasama si Ash sa paghihiganti ko. Isa rin siya sa mga taong naging hadlang sa mga plano ko. Ayoko siyang saktan gamit ang mga kamay ko kaya ikaw nalang ang gagamitin ko. Mas masakit 'yon kumpara sa pisikal na pananakit."

Mas lalo akong nagalit sa mga sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang lalaking ito ang target nina Yuna at ang lalaking bumugbog sa kanya. Mas nakakadagdag pa sa galit ko ang ginawa niya sa kaibigan ko.

"Mylze!" Sigaw ko kay Mylze na nakatayo lang sa may pinto. "Ano ang ibig sabihin nito ha? Kakampi ka niya? Hindi ba't siya ang dahilan kung bakit nabugbog si Yuna? Ano 'to? Bakit parang kumakampi ka sa kanya?"

Sa halip na magpaliwanag, tanging "I'm sorry" lang ang narinig ko.

"Anong I'm sorry? Sagutin mo ang tanong ko!" Nanggagalaiti na ako sa galit.

Ano? Ako naman ngayon ang gagamitin nila para saktan si Ash? Ganoon ba? Then fuck them all. Once na makatakas ako dito, papatayin ko silang lahat.

Hindi na siya nagsalita pa at itong Jack naman ang muling umimik. "Huwag kang mainip, Ms. Guzman. Darating na ang kaibigan mo maging ang boyfriend mo."

"Fuck you." I gave him the most deadly glare I have. "Ang ibig sabihin lang nitong ginagawa mo ay mahina ka. Bakit? Kasi kinakailangan mo pang kumuha ng ibang tao para papuntahin dito si Yuna. See? Sa laki ng katawan mo, natatalo ka pa ng babae. Napakahina mo."

Napangiwi ako at napapikit sa sakit nang malakas na dumapo ang likod ng palad niya sa aking kaliwang pisngi. Grabe ang sakit. Namanhid ang pisngi ko.

Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko sa bandang likod at marahas na hinila. Kita ko ang galit sa kanyang mukha matapos ng mga sinabi ko. It triggered him. "Watch your words. Baka gusto mong ikaw ang pahirapan ko sa harap ni Ash?"

I spit on his face. "I'm not afraid of you, asshole."

Pinunasan niya ang mukha at binalak muli akong sampalin dahil naman sa ginawa ko. "You bitch!"

But before the back of his palm landed on my face again, "Jack, stop!" Mylze stopped her.

His hand stayed on air.

"Pakawalan mo siya at sasabihin ko sa 'yo ang kailangan mo." May awtoridad niyang utos dito.

He turned around. "Akala ko ba kaya ka pumunta dito ay para sabihin sa akin ang totoo kapalit ng kaligtasan ni Yuna?"

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon