Chapter 62

25 3 0
                                    

Chapter 62: Quarrel

Yuna's Point of View

Tapos na ang weekdays.

Pumasok ako sa madilim kong kwarto at pumunta sa right side ng kama malapit sa lamp shade. Alas onse na ng gabi kaya tulog na ang iba at kahit hindi inaantok, pumunta nalang din ako dito sa kwarto. Dahil hindi pa ako inaantok, tumitig nalang ako sa bukas na bintana sa aking bandang harapan.

"The day is over again." Wala sa sariling bulong ko habang tinitingnan ang kabilugan ng buwan na kitang-kita sa pwesto ko.

*Phone Rings~

Naputol ang aking pagkatulala nang tumunog ang cellphone ko sa tabi ng lamp shade. Kinuha ko ito at nakitang si X ang tumatawag. Medyo nagtaka ako.

"Hello, X? Napatawag ka gabi na ah?"

"[Ibabalita ko lang sa 'yo kung kailan ang alis natin.]"

Napalunok ako. "K-Kailan?"

"[Sa isang araw kaya maghanda ka na. Gusto mo bang sunduin kita tapos sabay tayong umalis?]"

"U-Uh..." Napahawak ako sa ulo. "Huwag na. Kasama ko ang mga kaibigan ko dahil gusto nilang sumama para magbakasyon saglit. Hindi naman siguro bawal 'di ba?"

"[Oo naman. Sige, uuna na ako sa inyo. Aalis ako bukas dahil may aasikasuhin pa rin ako doon pagdating ko.]"

Tumango-tango ako. "Mmm. Mag-iingat ka."

Matapos ng tawag, pinatong ko ang cellphone sa tabi ko at pansamantalang tumulala muli bago tumayo at pumunta sa tapat ng bedside table. Binuksan ko ang pinakaunang drawer at kinuha ang isang kwintas na nasa pinakaibabaw lang. Matapos makuha, bumalik ako sa parte ng kama kung saan ako nakaupo kanina at muling umupo. Tumungo ako at tiningnan ang hawak na kwintas na kumikinang dahil sa liwanag na tumatama dito mula sa buwan. While staring at it, tears suddenly dripped from my eyes. I could see my tears falling on my palm so I clenched it.

"Sa loob ng sampung taon, magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi na kita mahal." Pag-amin ko sa aking sarili.

Since that night happened and since I left that place, I can count on my fingers the nights I haven't cried. Ang mga sayang nararamdaman ko sa araw-araw ay totoo at hindi pilit pero kapag mag-isa na ako sa loob ng madilim kong kwarto, bumabaliktad ang lahat. Sinubukan ko namang kalimutan ang lahat pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang hindi s'ya mahalin dahil nasasaktan lang ako lalo kapag sinusubukan ko.

Binuka ko ang aking kamay at tiningnan ang kwintas. Bumalik sa isipan ko ang araw na binigay n'ya ito sa akin. To this day, I still remember every detail of it at walang kahit isang alaala naming dalawa ang kinalimutan ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya ay mas lalong lumalala habang tumatagal kahit hindi ko s'ya nakikita.

Fuck. I want to stab my own heart to make it stop beating for him.

Napasabunot na ako sa sariling buhok at napapikit nang mariin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. I want to quit this mission dahil baka mamatay lang ako sa sobrang katangahan para sarili kong nararamdaman hindi ko kayang pigilan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya para mabaliw ako ng ganito. Hindi ko naman s'ya ganoon katagal na nakasama at nakilala pero bakit ganito? Bakit ang rupok-rupok ko pagdating sa kanya?

It's been 10 years Yuna! Stop torturing yourself and wake up! He cheated on you please put that in your stupid mind!

"Amor?"

Unti-unting lumuwag ang pagsabunot ko sa aking buhok nang marinig ang boses n'ya pero hindi ko s'ya tiningnan hanggang sa naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon