Chapter 98

73 2 0
                                    

Chapter 98: Bonding

Yuna's Point of View

"I'm home, honey."

Narinig ko ang pagbubukas ng pinto kasabay ng boses ni Auxcel na kararating lang galing sa trabaho. Nandito ako ngayon sa kusina saktong katatapos lang magluto nang dumating siya.

"Hi." Tinanggap ko ang halik niya sa aking noo. "Kumain ka na katatapos ko lang magluto."

Naghayin ako. Nagpaalam muna siyang magpapalit ng damit habang nag-aayos ako ng mga pagkain sa lamesa. Pagkatapos ay umupo na ako at hinintay siyang makabalik.

Bumalik siya at parang mabigat ang katawang umupo sa tapat ko. "I performed almost 9 hours HIPEC surgery. Damn. I'm exhausted."

Nalukot ang mukha ko. I feel bad for him but I can't blame his work. Tumayo ako at lumapit sa kanya na hinihilot ang sentido. I stopped behind him and wrapped my arms around his neck.

"Eat. I'll massage you later until you fall asleep." Dinikit ko ang pisngi sa kanya at mas niyakap siya.

Humarap siya sa akin. "Really?"

"Mmm. Promise." Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi bago bumalik sa tapat niya.

Gulay ang niluto ko para sa kanya tapos syempre karne ang akin. Pinagmamasdan ko siya paminsan-minsan at talagang nakikita ko ang pagod sa kanya. Gusto ko siyang hilahin na sa kwarto at pagpahingahin pero syempre, kailangan niya munang kumain.

Sinimulan kong ligpitin ang mga pinagkainan matapos naming kumain. "Magpahinga ka na sa kwarto may trabaho ka pa bukas."

Nang ilagay ko ang mga huhugasan sa lababo, naramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran.

"I want your massage. And you especially." Naglalambing niyang tinago ang mukha sa leeg ko.

Natatawa akong umiling. "Pumunta ka na sa kwarto natin. Hintayin mo ako."

"Okay. Bilisan mo." Hinalikan niya ang buhok ko bago umalis.

Tinapos ko ang mga dapat imisin. Sinigurado kong malinis ang kusina maging ang living room bago pumunta sa kwarto. Nadatnan ko si Auxcel na nakadapa at ewan kung tulog kasi sa kabilang side nakaharap. Nilagay ko ang damit niya sa tamang lagayan ng mga damit na hindi pa nalalabhan para malabhan ko bukas tapos tinabi ko rin ang kanyang mga gamit.

Sa wakas. Tapos na ang mga gawain. Lumapit ako kay Auxcel na hindi pa rin nagbabago ang posisyon sa kama.

"Auxcel?" Medyo dumagan ako sa kanya para silipin ang kanyang mukha.

Nakapikit siya.

"Honey. Psst. Tulog ka na ba?" I poked his cheek to check if he was still awake pero,

Narinig ko bigla ang kanyang mahinang paghilik.

Natawa ako nang kusa. Sayang wala siyang masahe kasi hindi na ako nahintay. Tulog na tulog na habang nakadantay pa ang isang binti sa unan.

Hinila ko ang comforter para kumutan siya dahil malamig ang air conditioning dito sa kwarto. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng halik sa noo.

"Goodnight honey. I love you."

Tumabi ako sa kanya at sumiksik. Umibo naman siya palapit sa akin kaso tulog pa rin.

"After our fight with Jack, I promise," I put my left hand to his face and brushed my thumb over it gently. "I'll quit my job and have a peaceful life with you forever."

Alam ko na hindi ako magaling tumupad ng pangako pero pipilitin kong tuparin kahit mahirap at walang kasiguraduhan. Basta hangga't kaya ko, hindi ko siya iiwan.

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon