Chapter 75

55 2 0
                                    

Chapter 75: Tolerance

Mylze's Point of View

Leaning against a palm tree with my hands inside the pocket of my pants, I heard all their conversations.

Hindi nila ako kita dahil nakatago ako. Nang malaman kong umalis na si Bianca, ngumiti ako kahit na nasasaktan dahil sa mga narinig ko. That's when I decided to leave.

Kinagabihan, tumambay ako sa balcony para dito ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit marinig sa bibig ng taong gusto mo na hindi ka n'ya gusto. Naniniwala akong totoo ang nararamdaman ni Syme para kay Bianca dahil matagal ko nang halata. Nakikita ko ang mga tingin niya sa kaibigan ko and I swear, he looks at other women he's with differently than he looks at Bianca.

"Am I a second lead in a drama?" I whispered to myself while looking at the stars in the sky.

I waited for 10 years to confess my feelings but all my patience went to nothing because the person that he liked was none other than my best friend. And it hurts a lot.

"Bakit sa dinami-dami? Sa kaibigan ko pa?" pinunasan ko ang luha ko at yumuko.

Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ako gusto dahil alam kong ako lang ang masasaktan sa huli. Wala akong ibang magagawa kundi ang magparaya dahil doon naman ako magaling.

Lumayo ako sa railing ng balcony at muling tiningala ang mga bituin sa langit.

"I will let you all be happy." I smiled painfully and closed my eyes. "Even if I'm not."




NAGLALAKAD ako upang hanapin s'ya and I quickly smiled when I saw him sitting alone on a big rock in front of the blue sea. I approached him and saw him staring into nothing and didn't even feel my presence.

"Ah..." Marahan kong tinapik ang kanyang balikat. "Syme."

Doon palang s'ya tumingin sa akin. I saw how lonely he is and I know the reason why.

He smiled. "Ikaw pala Mylze."

"Can I sit next to you?" Paalam ko.

Tumingin muna siya sa kanyang tabi para tingnan kung may space pa ba bago muling tumingin sa akin at tumango.

"Sure."

Napangiti ako. "Thank you."

Umupo ako sa kanyang tabi. Hindi siya nagsasalita kaya tumingin ako sa kanya. Here he is. Staring into nothing again. It's sad that he thinks about a different person while I'm with him. Pero wala akong magagawa. This is the reality.

"Thinking about something?" I asked.

"Yeah."

"May I know what's on your mind?"

Nagmumukha akong tanga dito. Tinatanong ko pa kahit alam ko na naman ang sagot. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

"You know..." Tumingin na siya sa akin. "I have a girl I like."

Bumuntong hininga ako para labanan ang sakit na mabilis kong naramdaman at pinilit na ngumiti.

"I know. That girl is Bianca, isn't she?"

Halata sa kanya ang gulat sa sinabi ko. "P-Paano mo nalaman?"

Suminghap ako ng hangin at tumingin sa linya ng dagat sa malayo.

"Sinabi sa akin ni Bianca." Pagsisinungaling ko kahit never sinabi sa akin ni Bianca ang tungkol dito.

"Mmm..." Mahina siyang tumawa. "Yes. Bianca is the girl I want."

Haha. Ang sakit marinig grabe.

"Since I was born, I have never experienced this feeling with someone, not until I laid my eyes on Bianca." Halatang masaya s'ya habang sinasabi ang mga bagay na iyon. "She's really different. I can't find another woman and I won't find another woman because she is enough. Ang kaso..." Muling gumuhit sa kanyang mukha ang lungkot. "Wala akong pag-asa sa kanya. Ayaw n'ya sa akin at pilit n'ya akong tinutulak palayo. Gusto kong respetuhin ang desisyon n'ya pero gusto ko ring iparamdam sa kanya na seryoso ako."

Tale of Coast (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon